(MARCO'S POV)
Kalahating oras na kaming nasa byahe pero hindi manlang umaalis ang tingin niya sa labas ng bintana. Hindi manlang ba siya nakaramdam ng ngalay?
Papalubog na rin ang araw at mahaba pa ang byahe namin bago makarating ng mansyon.
Napagpasyahan kong ihinto muna ang sasakyan sa tabi ng daan.
"Bakit tayo huminto?"ani Miss Anna
"Para lingunin mo na ako"sabi ko.
Pinandilatan niya ako ng kanyang mata which I find very cute.
"Baka kasi magka stiff neck ka."saka ko binuksan ang driver seat at pinagbuksan ko siya ng pinto.
"Bumaba ka muna"sabay lahad ng aking palad. Alanganin pa niya itong tinanggap saka bumaba na rin ng sasakyan.
"Anong gagawin natin dito Marco?"
"Manonood ng sunset"
"At sinong nagsabi sa'yo na gusto ko manood ng sunset?" nakataas pa ang kilay nito.
"Diba gusto 'yon ng mga babae? Kasi nakaka peace of mind???" hindi lumilingon na sagot ko sa kanya.
"Tsssss.. Ewan ko sa'yo. Ang corny mo".
"Ang ingay mo. Halika na nga dito ayan na papalubog na ang araw." saka ko siya hinila papalapit sa akin.
Nakangiti siyang tinatanaw ang papalubog na araw. And I am here. Looking intently to her beautiful face. To be honest I find her interesting kahit mataray siya at pilosopa. This characteristics of hers are the reason why I have this kind of feeling kahit noon pa.
Napapitlag ako ng bigla siyang lumingon. Sh*t nahuli niya ako.
"Alam mo ikaw. Malapit na talaga kita ipakulong" sabay duro sa akin.
"Huh? Bakit naman? Anong kaso po?" taka kong tanong.
"Robbery? Theft??? ah basta related sa pagnanakaw. Pinagnanakawan mo ako ng tingin eh."
"Assuming ka po ba?. Nilingon lang po kita sakto namang lumingon ka din nhu" palusot ko.
Nakita ko ang pag iba ng ekspresyon ng kanyang mukha. Nalungkot na parang nadismaya.
"Anyways. Thank you for this Marco. Nakakawala ng stress ang berdeng palayan at ang paglubog ng araw. Nawala bigla ang pagod ko" nakangiting saad niya.
"Your always welcome. Sa dami ba naman kanina ng pasyente ninyo. Alam ko napagod ka."
"Worth it naman kasi maraming natulongan."
"Halika na mahamog na. Baka siponin ka pa. Mapagalitan pa ko ni Sir."
"Sige".
*
*
*
*
*
*
*
*
*
(LIANNA'S POV)
Tahimik lang si Marco habang nagmamaneho. Natutuwa talaga ako dahil nakapanood ako ng sunset at kasama ko pa siya. Kinikilig ako na ewan. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Ang hirap kung ikaw lang ang may gusto sa isang tao. Gusto ng sumabog ng puso mo pero kailangan mong pigilan.
I started with a plan to make him fall for me but I ended up falling for him instead.
Minsan frustrated na ako sa sarili ko. Parang gusto ko naman gumawa ng kalokohan. Gusto kong magpaligtas ulit sa kanya. Ah basta gusto ko siya laging kasama.
"Ehem.....Hindi ko yata napapansin ang sasakyan nila Dada?." tanong ko sa kanya.
"Ah.. Nauna na sila eh. Tayo ang pinakahuli. Mabilis yata mag drive ang driver ni Sir eh."
"Ganon ba?. Anong oras tayo makakarating nito mamaya eh ang bagal mo magpatakbo."maktol ko.
"Hindi ako mabagal ha. Maingat lang ako sa pag drive lalo't ikaw ang kasama ko" kumindat pa ito.
Para akong nakuryente sa sinabi niya. Nagliliparan na naman ang mga paru-paro sa tiyan ko. Nag-iinit din ang aking pisngi.
"Hay naku. Matutulog muna ako ha. Umayos ka!" banta ko sa kanya.
"Oo naman PO".
"Gisingin mo ako pag nasa mansyon na tayo".
Saka ako tumagilid paharap sa bintana at pumikit. Pilit kong pinakalma ang aking sarili hanggang sa hinila na ako ng antok.
Malakas na tunog ang gumising sa akin. Tunog ng biglaang pagpreno ng sasakyan.
"Sh*t!" rinig kong mura ni Marco.
"Ano yon?" umupo ako ng tuwid.
"Flat tire",dismayadong sagot niya.
"Nasan na ba tayo?"
"In the middle of nowhere I guess?"
Napapagitnaan kami ng malawak na kagubatan. Tiningnan ko ang relos ko at alas otso y medya na pala.
Binuksan niya ang bintana at sumilip.
"Sh*t parang uulan pa yata" mura niya.
Saka naman biglang kumulog at sinundan ng kidlat.
Napatili ako at napasubsob sa aking kinauupuan. Dali-dali naman niyang isinara ang bintana.
Nanginginig ako sa takot ng walang anu-ano'y dinaluhan niya ako at niyakap. Nanlalaki ang aking mga matang napasiksik sa kanyang malapad at matigas na dibdib.
Ang gaan sa pakiramdam habang nakakulong sa kanyang matitipunong braso. Ramdam ko ang pag init ng aking pisngi at ang nagliliparang paru-paro sa aking tiyan.
Patuloy ang pagbuhos ng malakas na ulan at ang panaka nakang pagkulog at pagkidlat. Sa bawat pag dagundong ng kulog ay mas lalong humihigpit ang kanyang yakap sa akin na sinasabayan ng mahinang haplos sa likod.
Para niyang pinaparamdam na wag akong mag alala dahil nandito lang siya at handa akong protektahan. Kasama din ba ito sa job description niya? Napangiti ako sa isiping iyon.
Unti unti ko siyang tiningala at naestatwa ako ng mapagtantong nakatingin din siya sa akin. Nagsalubong ang aming mga mata. Napigil ko ang aking paghinga dahil sa lapit ng aming mga mukha. Sunod sunod ang aking pagkurap ng makita ko ang kanyang paglunok.
He's looking at my face intently.Para akong binuhusan ng malamig na tubig at bigla akong napahiwalay sa kanya. Umupo ako ng tuwid.
"Ah eh... Hihi.. Pa...pasensya na ah..Takot talaga ako sa kulog at kidlat"
Hindi siya sumagot. Ngumiti lamang siya at kinuha ang payong na nakalagay sa backseat. Bubuksan na sana nito ang pinto ngunit pinigilan ko siya.
"Hoy.. Teka... Saan ka pupunta?"
" Lalabas. Aayosin ko ang gulong."kumilos ito para buksan ang pinto pero hinawakan ko siya sa braso.
"Teka....." he looked me in the eyes.
"Umuulan pa oh. Kita mo ang lakas lakas pa.. Hindi kakayanin ng payong yan. Mababasa ka ng ulan. Pano kung magkasakit ka? Kargo de konsenysa pa kita. Naku! Mapapagalitan na naman ako ni---.."
Hindi ko na natapos ang pagtatalak ng bigla nalang niya akong hapitin sa leeg at sinakop ang aking mga labi.
Nanlalaki ang mga mata at hindi ako makagalaw sa aking kinauupuan. Nong una ay magkalapat palang ang aming mga bibig ng maramdaman ko ang unti unti nitong pag galaw.
His kissing me so gently. It was so sweet and its driving me crazy. It was my first kiss! I closed my eyes and feel the intensity of his kisses.
"Open your lips Babe" he said huskily between his kisses. I opened my lips and he started to deepened the kiss. I tried to respond but I don't know if I'm doing it right. Sh*t nababaliw na ako.
Hinapit niya ako sa aking beywang dahilan para magdikit ang aming katawan at hindi ko napigilan ang magpakawala ng impit na ungol. Naramdaman ko ang kanyang pagngiti pero pinagpatuloy parin niya ang paghalik at patuloy rin akong tumutugon.
Naging mas mapusok pa ang kanyang paghalik at naging mapangahas na din ang kanyang mga kamay. Ramdam ko
ang init ng kanyang palad sa aking likod. Napasok na pala nito ang aking T-shirt at kay dali nitong natanggal ang pagka-hook ng aking bra. Nalaglag ito sa kandungan ko.
"Sh*t! Bat ka nag strapless?" suway ng isip ko.
Natatangay na ako sa agos ng sensasyon at napayakap na din ako sa kanyang leeg. Humahangos na pansamantala kaming naghiwalay upang makasagap ng hangin. Tiningnan niya ako sa aking mga mata at saka inangkin muli ang aking mga labi.
He's carressing my neck and his left hand started to touch my waist to my belly and up to my breast. I moaned between our kiss when he touched my n*ppl*s.
"Stop right now Lianna" suway ng isip ko.
Pero hindi ko magawa ang tumigil. Sinisigaw ng puso ko na gusto nito ang ginagawa ni Marco.
Napaigtad kaming dalawa ng biglang tumunog ang cellphone na nasa bulsa ni Marco. Naghiwalay ang aming mga labi at malamlam ang kanyang mga mata na tinitigan ako. Hinalikan niya ako sa aking noo at umupo ng tuwid sa driver seat saka kinuha ang cellphone sa kanyang bulsa.
"Damn it!" mahina niyang mura.Tumikhim muna ito bago pinindot ang answer button.
"Hello Sir?..... Yes Sir... Pasensya na po. Na flat po kasi kami... Naabutan pa kami ng ulan. Pero wag po kayong mag-alala susunod na ho kami.... No problem Sir. Iuuwi ko po siya ng maayos" nilingon niya ako.
"Maayos mo mukha mo! Natanggal mo na nga yong bra ko ogag ka!" sagot ng aking isip.
"Sige po sasabihin ko sa kanya. Bye po".pinatay na nito ang tawag.
Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa at pabalik. Hindi ko mawari kung anong klaseng tingin iyon. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung paano ako mag uumpisa. Nahihiya ako na natutuwa na ewan. Ang sarap batukan ng sarili ko.
Maya-maya pa ay hinubad nito ang kanyang suit at siya din ang nag suot nito sa akin. Di na rin ako nag protesta pa hinayaan ko nalang siya.Nanlalambot parin kasi ako sa nangyari kanina. Kung di kaya tumawag si Dada ano pa kaya ang posibleng mangyari?
Matapos maisuot ang suit ay kinuha na ulit nito ang payong at ang kanyang baril.
"I'll be really quick. Just stay here,okay?"hinalikan na naman niya ako sa noo. Aba't nakakailan na 'to ah.
Tango lang ang aking naisagot at bumaba na siya agad ng sasakyan.
Mejo tumila na rin ang ulan sa labas. Kinuha nito ang spare tire at tools sa likod at sinimulang palitan ang gulong ng sasakyan. Makalipas ang ilang sandali ay sumakay na ito ulit sa driver seat.
Basa ang white long sleeve na suot nito. Nakalimutan ko ang hiya dahil sa pag-aalala.
"May baon ka bang damit? Magbihis ka nga. Baka sipunin ka niyan".
"Meron sa bag ko"
Kinuha ko ang kanyang bag at nag halungkat ng damit. Inabot ko sa kanya ang isang puting t-shirt. Akma na sana nitong bubuksan ang butones ng kanyang suot.
"Hep.. Teka lang.. Maghuhubad ka kahit kaharap ako? Sandali.. Tatalikod muna ako" inirapan ko siya at tumalikod na agad.
Nararamdaman kong nagbibihis na siya ng mapatingin ako sa aking kandungan.
"Sh*t yong bra ko!"pabulong kong sabi.
"Ano yon?" sabat niya.
Natatarantang pinulot ko ang bra at itinago.Bakit ba hindi manlang sumagi sa isip ko na isuot to kanina. Argh!! Lutang!!
"Tapos ka na ba magbihis?"tanong ko sa kanya.
"Pwede ka ng lumingon"
Lumingon ako at sinenyasan siya na tumalikod.
"What?" di niya ko na gets eh.
"Tumalikod ka sabi eh!"
"Bakit??" hay ang slow.
"Basta... Tumalikod ka saglit lang".
Tumalikod naman siya at mabilis hinubad ang suit saka kinuha ang bra at pilit na isuot. Sh*t di pa naman ako sanay mag suot ng bra
habang may t-shirt. Nangangawit na ang aking mga kamay ay hindi ko parin maisabit sabit ang hook. Nanlaki ang aking mga mata ng biglang may humuli sa aking mga kamay mula sa likod.
"Let me Babe" bulong niya sa likod ng aking tainga.