CHAPTER 8

1684 Words
Tahimik lang siyang nagmamaneho. Minsan tumitingin siya sa'kin na agad ko namang iniiwasan. Gusto kong magsalita pero uumurong ang dila ko. Nahihiya ako sa kanya. Sh*t bakit ang rupok ko? Gusto kong tampalin ang noo ko sa katangahan ko pero hindi ko magawa. Katabi ko siya eh. Kinuha ko ang phone ko saka nagkalikot doon. Maya-maya pa ay binalik ko din ito sa aking bag. Saka ko napansin na ibang daan yata ang tinatahak namin.Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nilingon ko siya. "Saan tayo pupunta? Di pa ba tayo uuwi? Di naman ito ang dinaanan natin kainang umaga ah." sunod sunod kong tanong. Isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago nagsalita. "Sabi kasi ni Sir, sa bahay niyo muna kita iuuwi. Nagkaproblema sa mansyon ng dumating sila doon kaya agad-agad umabiso sya na wag ka muna iuwi doon". Biglang umahon ang kaba sa aking dibdib. "Ano? Bakit anong nangyari?" "Mamaya ko na sasabihin pag nasa bahay na tayo. Wag kang mag-alala. Pagdating natin nandon na lahat ng gamit mo". itinuon muli nito ang tingin sa kalsada. "Sinong kasama ko sa bahay namin?" kunot noo kong tanong ulit sa kanya. Lumingon naman ulit siya at may munting ngiti na sumilay sa kanyang mga labi. "Hindi ba obvious? Malamang ako ang kasama mo doon. Kabilin bilinan ng Papa mo na wag kang pababayaan". Did I hear it right? He said Papa. Anong ibig niyang sabihin. Anong koneksyon ng lalaking 'to sa buhay ko? Hindi na ako muling nagsalita pa. Makalipas ang ilang minuto ay papasok na ang sasakyan namin sa pamilyar na kalsada. Sampong taon din bago ako makabalik pero hinding hindi ko makakalimutan ang pinakamasayang lugar na naging bahagi ng buhay ko. Ang lugar kung saan ako pinanganak at lumaki. Ang lugar kung saan punong-puno ng pagmamahal. Ang bahay namin nila Papa at Mama. Bumaba muna siya para buksan ang gate ng bahay saka muling sumakay sa driver seat at pinapasok ang sasakyan sa garahe. Nag inat muna ako pakiramdam ko pumandak ako lalo sa haba ba naman ng byahe namin. Pinagbuksan niya ako ng pinto with a smile in his face. At nang magtama ang aming mga mata ay di ko napigilan ang mapalunok. Natutulala na naman ako. Bakit kasi ang gwapo nitong bodyguard ko at muntik pa akong bumigay kanina. "Anna" napapitlag ako ng marinig ko ang pangalan ko. Nakalahad na ang palad nito para alalayan ako sa pagbaba. Bumaba na rin ako ng sasakyan. Dire-diretso lang ako sa pagpasok sa kabahayan. Wala paring pinagbago. Kung ano ang arrangement nito 10 years ago ay ganon parin hanggang ngayon. Nasa sala parin ang pictures namin nila Mama at Papa. Lahat ng ala-ala nila ay nandito parin. Ang linis ng buong bahay kahit walang nakatira ng matagal na panahon. Ang alam ko pinapapunta dito ni Ninong ang mga taohan niya para ipalinis ito araw-araw. Napasalampak ako sa sofa. "Oh my God. I'm so tired" hinilot ko ang aking sintido. "Umakyat ka muna sa kwarto mo ng makapagpahinga ka muna" aniya. Nasa likod ko na pala siya. "Tatawagin nalang kita mamaya pag handa na ang pagkain". Saka ito nag martsa patungo sa kusina. I'm surprised dahil may mga stocks na ng lulutoin. Parang pinag handaan talaga ito ni Ninong ah. Hays. Makaakyat nga muna sa kwarto. Sa sobrang pagod ay agad akong nakatulog ng maramdaman ang lambot ng kama. " Ma! Pa!" masaya akong lakad takbo papasok sa loob ng bahay habang bitbit ang card ko sa school. "May 98 na naman po ako sa school!! Yohoooo!!" Walang sumasagot. Itinapon ko nalang ang bag ko sa kung saan saka nagtungo sa kusina. Pero wala paring tao. Wala rin si Manang. Saan kaya sila nag punta. Kusa akong dinala ng aking mga paa sa family room namin. Kumatok muna ako ng tatlong beses. "Ma! Pa! Nandyan po ba bayo?" Ang tahimik naman. Pinihit ko ang doorknob at kasabay ng pagbukas nito ay ang malakas na sigawan nang, "CONGRATULATIONS BABY!!!" Napalundag ako sa gulat. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng aking mga luha. "Surprised?" ani Mama. "Opo. Thank you po." "Were so proud of you My Baby" si Papa. "Pa naman! I told you I'm not a Baby anymore" maktol ko sa kanya. " So what? Unica hija kita eh" Nagtawanan nalang kami lahat. Maya-maya'y dumating din ang Ninong at Ninang. Masaya kaming nag salo-salu sa hapag. Ganyan sila Mama at Papa. They never failed to spoil me with surprises. Sa lahat ng achievements ko sa school palaging may nakahandang surpresa. Pareho silang busy sa trabaho pero pareho nilang napupunan ang kanilang responsibilidad. Dahil doon ay wala na akong mahihiling pa. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Kung bakit ba kasi kinuha pa sila ng sabay. Nakita ko na naman ang duguan nilang katawan. Habang yakap ako ni Ninong at walang tigil ang pagbuhos ng aking mga luha. "MAMA!!!!!!!" napabalikwas ako ng bangon. Saka lang ako bumalik sa reyalidad. Nasa kwarto ako at napanaginipan ko na naman sila.Saka naman biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang humahangos na si Marco. "Anong nangyayari?" saka siya umupo sa gilid ng kama. Pinahid nito ang luha sa aking mga pisngi. Hindi ko napansin umiiyak na pala ako. "Wala. Nanaginip lang ako" tinabig ko ang kamay niya. Medyo nagulat pa siya sa ginawa ko. "Halika na. Handa ang pagkain" nauna na siyang lumabas sa kwarto. Inayos ko naman ang aking sarili saka lumabas na rin. Nasa hagdan palang ako ay amoy ko na ang nakahain sa lamesa. Kumalam bigla ang sikmura ko.Dali dali akong lumapit sa hapag. Natakam ako sa amoy ng luto. Amoy palang busog na. Masarap din kaya ang nagluto? Sabat ng haliparot kong isip. "Tumigil ka Lianna" saway ko sa sarili sabay tampal sa aking noo. "Kain na." napakislot ako ng biglang may magsalita sa likuran ko. Si Marco lang pala. As if naman may iba pa kaming kasama dito? Pinaghila niya ako ng upuan. " salamat" tipid pa akong ngumiti. Tahimik lang kami habang kumakain.Tanging kalansing lang ng kubyertos ang maririnig. Infairness ang sarap ng luto niya ha.Nauna siyang tumayo habang ako napasarap ng kain at pakiramdam ko busog na busog ako pagkatapos. Tumayo na ako at akmang liligpitin na ang napagkainan nang hawakan niya ako sa aking braso. Nagtataka naman akong napalingon sa kanya. "Ako na ang magliligpit. Umupo ka nalang sa sala. Hintayin mo nalang ako doon may pag-uusapan pa tayo hindi ka pa naman inaantok diba?" "Hi....hindi pa naman" nauutal kong sabi. Sh*t pakiramdam ko nakukuryente ako habang hawak niya ang braso ko. "Sige na. Mabilis lang naman to" "Sigurado ka ikaw na magliligpit? Baka isumbong mo ako day Dada na inaalila kita dito ha." nakataas kilay na naman ako. "It's okay. I can be your slave anytime you want or forever" binitawan na nito ang aking braso sabay talikod at inumpisahan ng dinampot ang mga hugasin. "Anong sabi mo?" nakakunot noo kong sabi. Hindi na ito sumagot bagkus ay tinitigan niya lang ako saka kumindat at pinagpatuloy na ang pagliligpit. Bumilis naman ang t***k ng puso ko. Animo'y may naghahabolan na kabayo sa loob. Bakit ba kasi nadadala ako sa mga simpleng gestures niya. Gosh! Ako tong nagpaplano ng kung ano-ano.Hindi ko manlang mapanindigan ang pagiging haliparot. Haha. Nasisiraan na ako ng bait. Tumuloy na ako sa sala. Habang hinihintay ko siya kinuha ko naman ang aking cellphone. Nakakapagtaka na hindi manlang ako tinext o tinawagan ni Dada. Ganito ba talaga siya ka kampante na si Marco ang kasama ko? Scroll lang ako ng scroll at wala naman akong makitang makabuluhan kaya pinatay ko nalang ito. Maya-maya ay nakita ko si Marco na palapit at may dalang tray. "Hindi ako nagkakape" mataray kong sabi. "I know. Gatas po ito. Hintayin mo kasi na mailapag ko ang dala ko nang makita mo" pabara niyang sagot. Nasupalpal ako don ah. Nilapag na nito ang tray sa mesa. Gatas nga at kape ang dala nito. "Anong pag-uusapan natin?" panimula ko. "Hindi ka na muna uuwi da mansyon" "Bakiiiit??, napabalikwas ako sa aking kinauupuan. "Calm down" "Ano ba kasing nangyayari?" Nakita ko ang kanyang malalim na pag buntong hininga. Bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Nakatanggap ng death threat ang Ninong mo kani-kanina lang. Pinasok din ang mansyon. Mabuti lang at wala doon ang Ninang mo at wala ding sinaktan sa mga katulong." Nagulantang ako sa aking narinig. Bumangon ang takot at pag-aalala sa aking dibdib. "Kamusta sila? Bakit hindi manlang ako sinabihan ni Dada. Nasan sila ngayon?" "Lumipat na sila ng safe house.Kaya wag ka ng mag alala. At mahigpit na habilin ng Ninong mo na bantayan kitang mabuti. Hindi ka muna pweding lumabas." "Bakit?" naguguluhan kong tanong. "It's for your safety Anna. Wag ka muna maraming tanong. Alam ko naguguluhan ka pa ngayon. But for now this is the safest place for you. Kaya sundin mo nalang ang kagustuhan ng Ninong mo." "Fine!" padabog akong sumandal sa sofa. Napasapo ako sa aking noo. Sa pagkakaalam ko sa tagal ni Dada sa mundo ng politics ngayon lang nangyari ang ganito. Alam ko at ng publiko na hindi siya kurap. Marami siyang tagasuporta. Sino kaya ang nasa likod nito? "Wag ka ng mag isip ng kung anu-ano. You know you Dada. Malalampasan niya din ito. At alam mo rin na hindi siya titigil hanggat hindi niya malaman kung sino ang nasa likod nito. Magpahinga ka na. Alam kung pagod ka. Maglilibot lang ako sa likod bahay." Tumayo na ito bitbit ang tasa ng kape niya. Kinuha ko rin ang gatas at umakyat na rin sa kwarto. Pagpasok ko ng kwarto ay nilapag ko muna ang gatas sa bedside table. Mamaya ko na to iinumin. Kailangan ko nang mag shower ang lagkit ko na. Pagkatapos mag shower ay agad na rin akong humiga sa kama. . . . . . . . Kanina pa ako pabaling baling sa kama. Ayaw na yata sa akin ng antok. Hanggang ngayon ramdam ko parin ang init ng kanyang mga labi.Sh*t. Erase! Erase! Erase! Argh! Nagpagulong gulong ako sa kama saka napabalikwas ng bangon. "My ghaaaad! Patulugin niyo na po ako. Bakit ako kinikilig?" "Hmmm. Ano na kayang ginagawa ng mokong na yon?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD