Dahil ayaw din naman siyang dalawin ng antok ay napagpasyahan niyang umakyat sa rooftop ng kanilang bahay.
Napatingin siya sa orasan. Madaling araw na pala. Pesteng halik na yon. Nakaka insomia!
Maliwanag naman ang buwan kaya hindi na siya nag abala pa na buksan ang ilaw.
Malamig ang simoy ng hangin na dumadampi sa kanyang mga braso. Napayakap si Lianna sa kanyang sarili. Nasa gano'ng posisyon siya ng bigla nalang may bumalot na kung anu mula sa kanyang likod.
"Ay anak ng tokwa! Jusmio Marimar naman oh!" halos mapalundag siya sa gulat.
Nang lumingon siya ay ang seryosong mukha ni Marco ang bumungad sa kanya.
"Ano ba! I almost had a heart attack! May lahi ka bang kabute?Bigla ka nalang sumusulpot!" inirapan niya ito.
"Bakit ba kasi nandito ka pa? Mag uumaga na. Hindi ka ba makatulog?" kalmadong sagot nito.
Wow. Maka relax naman to parang wala lang milagrong ginawa kanina eh.
"At ikaw? Bakit ka rin nandito?"
"Nag lilibot ako eh. Napansin ko may anino. Akala ko multo. Bruha pala" mejo mahina ang pagkakasabi niya ng huli.
"Anong sabi mo????" naningkit ang mga nito.
"Wala! Sabi ko malamig dito. Pumasok ka na sa loob. Kailangan ko mag libot ulit sa likod bahay"
Tatalikod na sana ito ng awtomatikong gumalaw ang kanyang mga kamay para hulihin ito sa braso.
"Teka... Sa....Sandali. Dito ka na muna. Samahan mo 'ko. Trabaho mo bantayan ako kaya dito ka muna. Wag kang umalis kundi babatukan kita" pagtataray niya rito.
"Wow. Ang tapang. Sa tangkad mong yan babatukan mo ako? Hindi mo nga maabot ang cupboard pag walang patungan eh"
"Iniinsulto mo ba ako ha?"
"Hindi. Nagsasabi lang ako ng totoo"
"Aba't!", sinugod niya ito at pinag hahampas sa dibdib pero mabilis naman itong umilag.
Hinabol pa niya ito at hindi niya napansin ang paa ng bench at nasagi niya ito dahilan para ma out balance siya. Naipikit nalang niya ang kanyang mga mata pero imbes na sa matigas na semento masubsob ay mabilis pa sa alas kwatrong nasalo siya ni Marco pero na out balance din ito at sabay silang natumba sa sahig. Yakap yakap siya nito habang naka dapa siya sa matigas nitong dibdib.
Nag mang angat siya ng mukha ay nanlaki ang kanyang mga mata ng gahibla nalang ng buhok ang pagitan ng mukha nilang dalawa.
Bumilis ang t***k ng kanyang puso at pansin din niya ang sunod-sunod na pag lunok nito.
"Mag dahan-dahan ka kasi. Gusto mo bang ma dislocate yang maganda mong mukha?" seryosong sabi nito.
"Wow.. okay na sana yong concern mo eh. Na touch na sana ako. Sira ulo ka talaga"
Humiwalay na siya dito. Inalalayan siya nitong tumayo at pinagpagan pa ang damit niya.
"Maupo nga muna tayo" sabay upo ni Lianna sa bench. Nanatili namang naka tayo ang lalaki.
"Oh bat naka tayo ka lang? Sige ka. magkaka arthritis ka. Gurang ka pa naman." humagalpak siya ng tawa. Hawak pa niya ang tiyan sa kakatawa samantalang seryoso parin ang mukha ng lalaki.
"Okay. I quit. Papasok na ako sa kwarto ko bye!"
Lalagpasan na sana niya ito ng hawakan siya nito sa braso. Napalingon siya.
"What?" nakakunot noong wika niya dito.
"Good Night" at nauna na itong umalis.
KINAUMAGAHAN
Alas otso y medya na nang magising si Lianna.Nag rarambolan na ang mga bulate sa kanyang tiyan kaya nagpasya na siyang bumangon.
Naghilamos lang siya at nag mumog bago bumaba lumabas ng kwarto.
Pababa na siya ng hagdan ng may marinig siyang nag uusap.
" Ninong?"
"Oh anak. Buti naman gising ka na. Good morning. Halika na at nang makakain na, Marco maupo ka na rin sabayan mo na kami" tawag nito sa lalaki na dala-dalang mga pagkain.
"Ano pong nangyari kahapon Da? Bigla mo nalang ako pinalayas" may tono ng pagtatampong tanong niya sa Ninong niya.
"Let's talk about that later anak. Kumain na muna tayo."
Tahimik lang silang kumakain at ganadong ganado siya sa kanyang pag subo. Infairness, ang sarap ng breakfast niya. Saan kaya inorder ng Ninong to? Sa loob-loob niya.
Matapos ang maganang agahan ay siya na ang nagpresenta na maghugas ng pinagkainan. Nauna na ang Ninong at ang bodyguard niya sa garden.
Pansin niya na masyado yatang attached ang Ninong niya at si Marco. Ano kaya ang ugnayan nilang dalawa maliban sa pagiging Boss at bodyguard?
Matapos mailigpit ang mga napaghugasan ay sumunod na siya sa garden.
Kasalukuyang nagkakape ang Ninong niya kaharap si Marco. Napatingin naman sa kanya ang huli at lumingon na rin ang kanyang Ninong.
Pinaghila siya ni Marco ng upuan.
"Salamat" wika niya bago umupo.
"Ano na ang pag-uusapan natin Da?" pagsisimula niya.
" Pagpasensyahan mo na kung biglaan ang pag uwi mo dito anak. It's just that, alam mo naman sa politika hindi maiwasan may makakabangga tayo. I just want you to be safe kaya kita pinauwi muna rito. Even your Ninang at mga anak ko ay pansamantala ko din muna silang inilipat sa safe house" mahabang paliwanag ng amain.
"Ano bang nangyayari Da?" naguguluhan na balik tanong niya.
"There's nothing to worry about anak. I'll deal with this. Just stay in this house and obey Marco."
Wow. Obey daw oh. So pag sinabi niyang "Kiss Me Back" susundin ko? sabat ng malikot niyang utak. Lihim naman siyang napangiti.
Napatigil lamang siya sa pag-iisip ng kalokohan ng mapansing mataman na nakatitig sa kanya ang binata.