CHAPTER 10

2047 Words
Matapos ang kanilang pag-uusap sa hardin ay umuwi na rin ang kanyang Ninong. Nagbilin pa ito ng ilang instructions kay Marco na hindi niya narinig ng maayos dahil pinauna na siya ng kanyang amain. Minsan nagtataka na talaga siya kung sino ba talaga sa kanilang dalawa ang anak-anakan nito. Umakyat siya sa kanyang kwarto. "Ano namang gagawin ko rito? Nakakabagot naman dito sa bahay. Hindi pa naman ako sanay na nakatunganga lang." Bumangon siya at nag hanap ng maisusuot. Hindi pwede to. Kailangan kong lumabas. Nakaka stress ang nangyari kahapon. Natigilan naman siya ng maalala ang nangayi kahapon sa loob ng sasakyan. Ugh! Those firm muscles. Soft, sweet and hot lips..... Napasandal siya sa kanyang closet. Natampal ang sariling noo. "Letche ka Lianna. Ang halay-halay mo!" saway niya sa sarili. "Hmmp. Makapagbihis na nga". Nagsuot lang siya ng comfortable shirt at jeans. Nag flats na lang din siya para hindi masakit sa paa kung saan man siya makarating. Pagbaba niya ng kwarto ay agad niyang hinanap ang kanyang bodyguard. "San kaya yon?" tanong niya sa sarili habang habang palinga linga sa paligid. "Nakabihis ka yata?" "Anak ng sampung tyanak! Giatay! Wag ka naman nanggugulat" singhal niya dito. " san ang lakad mo?" seryoso ang mukha nito. "Natural lalabas. Eh boring dito eh". "Hindi ka pwedeng lumabas" "Kim Chui ka dong?" "Pilosopa" ginulo nito ang buhok niya. "Gusto ko ngang lumabas. Am I a prisoner here? C'mon. Tsaka, di naman ako lalabas mag isa. SASAMAHAN MO AKO!.... please????" nag puppy eyes siya dito. Nagbago naman ang ekspresyon ng mukha nito. "Sige, lalabas tayo. As what your dad said ako ang masusunod. I know a place. Let's go." Tahimik lamang sila habang nasa byahe. Mga dalawampung minuto din ang byahe nila bago makarating sa distinasyon. Huminto sila sa isang malaking building. The Knights ang pangalan nito. Napakunot noo siya. The name sounds familiar to her. Ito siguro ang security agency na kinuha ni Dada para sa protection namin. Pinagbuksan siya nito ng pinto. Inilahad pa nito ang palad sa kanya at inalalayan siyang bumaba. "Anong gagawin natin dito? Tsaka ano bang lugar na to" takang tanong niya. "Let's get inside first" simpleng sagot nito. Nakasunod lamang siya sa likod nito. Kaliwa't kanan ay may mga naka black suit. Sumaludo pa ang mga ito kay Marco na sinagot niya rin ng saludo. Napadaan pa sila sa parang isang arena na may nag eensayo ng martial arts. "Wow. Ang galing naman" wala sa sariling wika niya habang naglalakad. "Tss. Di hamak naman na mas magaling ako jan" sagot ni Marco na hindi niya masyadong narinig. Napatigil siya sa paglalakad. "Anong sabi mo?" tanong niya rito. "Wala... Sabi ko halika na dito papasok na tayo sa loob". Nang maka pasok na sila sa loob ay napako siya sa kanyang kinatatayuan. Isa pala itong firing range. May mga naghahanda na ng mga baril na gagamitin para siguro sa ensayo nila. Isa sa pinaka ayaw niya sa lahat ay ang baril. Kahinaan niya iyon. "You've got to be kidding me Marco" nilingon siya ng binata. "No I'm not Anna" nilapitan siya nito. "Ayoko dito. Bat mo ko dinala dito? Umalis na tayo dito. Please....?" pakiusap niya sa binata. Naiiyak na siya hinawakan niya ito sa braso. "Hey.. It's fine..." pag-aalo nito sa kanya. "For you it's fine but for me it's not... please.. alis na tayo....." Bang! Bang! Bang! Napatili si Lianna ng maka rinig ng sunod-sunod na pagputok ng baril. Nanginginig ang kanyang kalamnan at umiiyak na napayakap siya sa binata. "Stop that f*ck up Santos!!!" rinig niyang sigaw nito sa isa sa mga nag eensayo. "Are you okay?" hinimas nito ang likod niya. "Sige aalis na muna tayo dito. Can you walk?" Tiningala niya ito, kitang kita sa mata ng binata ang pag-aalala sa kanya. Tumango siya dito. Yakap-yakap parin siya nito habang naglalakad palabas ng silid na iyon at hindi niya alam kung saan siya nito dadalhin. Napadpad sila sa rooftop ng building. Umupo silang dalawa sa isang bench na naroroon at hanggang ngayon ay naka yakap parin siya rito. "Hush now Baby, I'm so sorry hindi ko alam." Ramdam niyang hinalikan siya nito sa ulo. Hindi niya rin alam sa sarili kung bakit hinahayaan niyang tawagin siya nitong Baby at kung mag alala naman ang binata ay sobra pa sa Dada niya. Nang mejo mahimasmasan ay unti-unti siyang humiwalay dito at nagpahid ng kanyang mga luha. Bakas parin sa mukha ng binata ang pag-aalala sa kanya. "Galit ka ba?" tanong nito. "No" maikli niyang sagot. Pero sa loob-loob niya kung ibang tao lang to siguro nabalian na niya ng buto pero si Marco to eh, hindi niya magawang magalit. Nanlalambot siya pag nagiging caring at gentleman na ito sa kanya. Ngumiti siya at umiling.uling dito. "Hindi ako galit....It's just that..... nagulat lang ako kasi... hindi ko siya in-expect.... oh diba.. ang ganda ko parin kahit umiiyak?" sinabayan niya ito ng tawa. "Always" hinaplos pa nito ang kanyang pisngi at bahagya pa itong ngumiti. Natigilan siya sa ginawa ng binata. Ano ba yan Marco. Hindi na maintindihan ng dalaga kung anu ang kanyang nararamdaman. Minsan kasi may pagka maldito ito na caring tapos minsan naman binabara pa siya. Pinasandal siya nito sa kanyang balikat. Hindi na siya nag protesta pa. "I don't know the reason why you have this kind of reaction when you see guns but will you mind of I ask you what happened?" Bumuntong hininga siya. This is her secret for a long time. She have friends but no one knows this. But she's comfortable with Marco though she don't know why for now. "Nong nabubuhay pa ang Papa ko nagtatrabaho din siyang bodyguard" panimula niya. " I think I was 11 or 12 back then, isang araw dinala ako ng Papa sa head quarters nila. Tapos doon may nakilala akong bata o binatilyo ba yon, sabi ng Papa anak daw yon ng may-ari ng agency at sobrang close nong bata sa Papa at kay Ninong. Nakipaglaro ako ng tagu-tagoan don sa bata, tas syempre makulit ako,napadpad ako sa armory......" "Nakita ko yong mga baril tas kinuha ko ang isa, hindi ko alam na may bala pala yon. Tas kung anu-anong ginawa ko dun tas siguro natanggal yong safety....." napahikbi si Anna habang nag sasalaysay sa binata. Patuloy naman ito sa paghaplos sa likod niya. "Nahuli niya ako, at dahil siguro sa gulat. Napitik ko yong trigger,..and....and... unfortunately, tinamaan siya sa dibdib.. lahat nagkagulo na hindi ko alam kung anu ang gagawin. For the first time in my life my Father beat me, paano na raw kung mamatay ang anak ng amo nila. Bakit daw ang kulit ko. Sobra akong nasaktan kasi never ako sinaktan ng Papa syempre only child niya ako eh. Simula non hindi na ako sinasama ni Papa, hindi ko rin alam kung ano na ang nangyari don sa kalaro ko na yon, di ko alam kung nabuhay ba siya. Kung buhay man siya, sana balang araw magkita kami kasi gusto kong humingi ng tawad. Kaso hindi ko rin alam kung sino ba siya" "He's alive. Don't worry" pinahid ng binata ang kanyang mga luha.Naguluhan man sa sinabi ng binata ay hindi na niya ito pinansin. Umayos siya ng upo at nilingon ito. Nakatitig lang ito sa kanya. "oh ikaw lang pinagsabihan ko niyan ha. wag kang Marites! pag yan nalaman ng iba malalagot ka sakin" "Wow. natakot naman ako sayo Madaam" sagot nito sa kanha. "Makabanta kala mo naman may kalakihan" dugtong pa nito. Pinaningkitan niya ito ng mata. Tinaasan naman siya nito ng kilay saka tumayo at nilahad ang palad sa kanya. "Tara, may pupuntahan tayo" aya nito sa kanya. "Saan naman?" humawak na rin siya sa kamay nito. "Just go with the flow, You'll surely love the place , c'mon" Lulan ng armoured car na bigay ng Dada niya muli silang bumiyahe papuntat sa kung saan man siya dadalhin ni Marco. Sa labas lang ang kanyang tingin at hindi na rin nag abala pa na isturbuhon ito sa pagmamaneho. Kumislap ang kanyang mga mata ng mapahinto ang kanilang sasakyan sa isang amusement park. "Happy Park" wika niya sa sarili. "Yup. Do you like it?" tanong ng binata sa kanya. "Of course.... Tara na...!" nauna pa siyang bumaba ng sasakyan at nakasunod naman sa kanya ang binata. Nilingon niya ito at inakay papunta sa nagtitinda ng cotton candy. "Let's eat this Marco." "seriously?" nakakunot noong tanong nito sa kanya. "Ano ka ba. Masarap to. Wag kang mag-alala ako lang nakakaalam na matandang binata ka na" humagalpak siya ng tawa. Nag-iba naman ang ekspresyon nito. Nag peace sign agad siya. "Manang. Dalawang Cotton Candy, isang pink at isang blue please" request niya sa tindera. Dudukot na sana siya ng pera sa kanyang bulsa ng mapagtantong wala pala ang kanyang wallet. "What's wrong?" ani Marco sa kanya. "Ah...eh.. kasi ano... Yong wallet ko, nakalimutan ko yata sa sasakyan eh" sagot niya. "Tsss." "Eto na po Miss ang cotton candy niyo" agaw pansin ng ale. "Ah ate.. Naiwan ko kasi ang wallet ko sa kotse.. Pwede ko po bang balikan mamaya o baka po naghahanap kayo ng sidekick pwede ho itong kasama ko pambayad sa cotton candy" biro niya sa tindera. "What the h*ll?" sambit ng binata. "Aba'y kung ganyan ba naman ka gwapo ineng ngayon din dadalhin ko na yan sa bahay ng maireto ko sa anak kong dalaga sayo na yang cotton candy kahit dagdagan mo pa walang problema" natatawang wika ng tindera sa kanya. Nag iba naman ang ekspresyon ng kanyang mukha. No!!! Protesta ng isip niya. He's mine.. "Ay si manang naman. Binibiro ko lang ho kayo. Akin lang to no.'' sabay kapit niya sa binata. "LQ ho kasi kami ngayon, binibwiset ko lang po siya haha! Oh Baby bayaran mo na ng makalayas na tayo dito" she pouted while looking at him intently. Umiling-iling naman ito sabay dukot ng wallet sa bulsa. Di niya alam san siya humugot ng lakas ng loob para tawagin itong baby at sabihin sa tindera na LQ silang dalawa. Hindi niya ma-imagine na iba ang kasama nito. It's a big No No!!! Matapos itong magbayad ay nagpatuloy sila sa paglalakad. Inabot niya dito ang kulay pink na cotton candy. Nagtataka ang mukha na tinitigan lang siya nito. "Bakit naman pink?" tanong nito. "Don't you know that pink is a masculine color?? Duuuuh... Pink is yours, mine is blue. No if's no buts bleeeeh!" sabay tampal nito ng cotton candy sa pagmumukha ng binata. Hinila niya ito papunta sa isang booth kung saan may makukuha kang stuff toy pag napaputok mo lahat ng maliliit na bola na naka dikit sa dinding. Nakatuon ang kanyang mga mata sa isang may kalakihang stuff toy na si Pikachu. Kung hindi niyo naitatanong ay yon ang favorite cartoon character niya. Nilingon niya ang binata na ngayon ay kumakain ng cotton candy. Napangiti siya habang pinagmamasdan ito. He's so cute with the pink cotton candy. Hindi halatang matandang binata na pala ito. "What's with the smile?" sita nito na ikinapitlag niya. "Ah... ano kasi.... hihi... Gusto ko sana yong Pikachu. Kaso di ako marunong laruin yan, wala sa ugat ko pagiging sharp shooter eh" paliwanag niya sabay kamot sa kanyang batok. "Tss. yun lang pala. Oh. tabi.. Ilang stuff boy ba ang gusto mo?" sabay dampot nito sa plastik na baril na siyang gagamitin para mapaputok ang mga bola. "Si Pikachu lang sapat na" napangiti siya ng maluwag. "Tss." Isa isa nitong pinaputok ang mga balloons na naja dikit sa dinding. Amazed naman si Anna na pinag mamasdan ang binata. "Wow! Ang galing naman!" pumalakpak pa siya ng maubos nito ang mga lobo sa dinding. "Alin po ba gusto ninyo na premyo sir?" singit ng taga bantay dito. "Give her the Pikachu please" sagot naman ng binata. Inabot naman ito ng matanda kay Anna. "Ang cuuuuuuute!!!" pang gigigil niya sa laruan. Niyakap pa niya ito ng mahigpit. "Thank you so much Marco, I love it" saad niya na abot tenga ang ngiti. Tinaasan lang siya nito ng kilay pero nakangiti rin naman. "Nauuhaw na ako. Bili muna tayo ng tubig please?, "Sige. ako nalang ang bibili. maupo ka nalang muna doon sa bench. hIntayin mo nalang ako. Wag kang aalis okay?" habilin sa kanya ng binata. Tango lamang ang sinagot niya dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD