Chapter 11

1172 Words
Ilang saglit lang siyang nag hintay at bumalik din ang binata. Inabot nito sa kanya ang botteled water na nabuksan niya. "Thank You" saka siya uminom. "Uuwi na ba tayo?" tanong niya sa binata. "Not Yet Miss, may isang ride ka pa na na miss." "Ano naman yon?, kunot noong tanong niya sa binata. Hindi ito sumagot bagkus hinawakan nito ang knyang kamay at hinila siya papunta sa ride na tinutukoy nito. Halos malula siya nang mapagtantong ang giant ferris wheel ang ibig nitong sabihin. Pakiramdam niyay bigla siyang nanlamig. Never in her life na sumakay siya sa ferris wheel. Hindi naman sa takot siya sa heights pero laging sumasagi sa isip niya ang mga aksidente kagaya sa movies na napapanood niya. Napansin yata ng binata ang kanyang pananahimik. "Nanlalamig ka yata Miss Anna, takot ka ba sa heights?" tanong nito. Umiling iling siya. Pero ang totoo kinakabahan nga siya. Napakapit pa siya sa mga braso nito. Kinabig siya nito at hinimas himas pa ang kanyang braso. "C'mon, akong bahala sa'yo" assurance nito. Hinila na siya nito ng tumigil ang ferris wheel at sila na ang sasakay. Magkaharap silang naka upo at nag umpisa nang umandar ang ride. Infairness hindi binitawan ng binata ang kanyang mga kamay. Para tuloy silang mag jowa kung maka holding hands. Naka tingin lamang ito sa kanya ng mataman habang unti-unting umiikot paitaas ang ferris wheel. Napasinghap ang dalaga ng maramdamang nasa tuktok na sila at tanaw na tanaw ang nag kikislapang ilaw ng lungsod. "Ang ganda......" buong pag hangang bulalas niya. "Yes.... Truely beautiful" sabi ng binata habang hindi inaalis ang paningin sa kanya. Nakaramdam tuloy siya ng pagkailang. Hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata nito. Akma sana niyang babawiin ang mga palan dito nang mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkahawak dito at bahagya pang pinisil. "Marco......" "Hmmm?" sagot nito sa kanya. "Yong...ano.... yong kamay ko, pwede nang bitawan,okay na ako..." bahagya pa siyang ngumiti dito. "What if, I don't want to let go of your hand?" tanong nito sa kanya. Napakunot noo ang dalaga sa kanyang itinuran. Pakiramdam niya ay pulang pula ang kanyang pisngi. Kinikilig siya sa simpleng pag hawak lamang nito sa kanyang kamay. Ayan na naman ang mga paru-paro sa kanyang tiyan. Napatikhin naman siya at napalunok na animo'y may bikig sa kanyang lalamunan. "Ano ka ba, hindi na ako takot nhu" siniglahan niya ang kanyang boses. Sinubukan niya ulit na hilahin ang kamay pero hindi siya nag tagumpay. Nalilitong napatingin ang dalaga sa binata. Nakatitig lang ito sa kanya at halos hindi na kumukurap. Patuloy naman sa pag ikot ang ferris wheel. Ano na naman bang pakulo ito Marco? tanong ng dalaga sa kanyang isipan. "Nasabi ko na ba sa'yong ang ganda-ganda mo?" pagputol nito sa katahimikan. Pakiramdam niya'y umalsa na parang minamasang tinapay ang kanyang tainga sa kanyang narinig. Tama ba ang narinig niya?? "You're the most beautiful woman for me Anna" at inulat pa talaga nito eh. Seryoso ang aura nito habang nakatingin sa kanya habang hawak parin ng mahigpit ang kanyang mga kamay. "may...lagnat ka ba?" natatawang sabi nito sa binata. "Prank ba to?" dagdag pa niya. "Kung pinag titripan mo lang ako Marco tigilan mo na ako ah. Takot ako sa baril pero pag ako ginagawa mong katatawanan ikaw ang gagawin kong target sa firing range" pagtatay niya rito. Napangiti naman ang binata sa kanyang tinuran. Nakakuha naman siya ng pagkakataon para mabawi ang kamay mula rito. "Well. You can decide if you can really shot me after this..." "Anong ibig mong sabi----hmmmmmp" Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin nang walang sabi-sabing kinabig siya nito sa batok at siniil ng halik. Dilat na dilat naman ang mga mata ng dalaga habang naka lapat ang mga labi ni Marco sa kanya. Nakalapat lamang ito pero unti unti itong gumagalaw at mejo humigpit pa ang pagkabig nito sa kanyang batok. He's kissing her softly and passionately. Ingat na ingat ito sa kanyang mga halik na para siyang babasaging bagay. Her mind is telling her to push him but her heart says not to. Unti-unti siyang napapikit at bahagya pang ibinuka ang kanyang mga labi para dito. Ramdam niya ang munting ngiti ng binata sa kanyang ginawa. Mas lalo nitong linaliman pa ang paghalik sa kanya, animoy nanggigil ito sa pag angkin sa kanyang mga labi. She can't believe that she's allowing him to kiss her like this. She want what he does and she loves the feeling too. Kusang gumalaw ang kanyang mga braso at napakapit sa leeg ng binata. Humiwalay ito saglit sa kanya para sumagap ng hangin at saka muling inangkin ang kanyang mga labi. Naging mapangahas na rin ito at hindi niya maiwasang magpakawala ng munting ungol dahil sa nararamdamang sensasyon. Sarap na sarap na sana ang dalaga sa kanilang pinag sasalohan ng maramdaman ang kamay ng binata sa loob ng kanyang pang itaas at ang unti-unting pagbagal ng ikot ng ferris wheel. Gusto man nito ang ginagawa ng binata pero hindi dito ang tamang lugar para ipagpatuloy pa ito. Inipon niya ang kanyang lakas at itinulak ang binata. Nagtatanong naman ang mga mata nito na nakatingin sa kanya. "Marco... hihinto na ang ferris wheel. Please stop." nauutal na sabi niya rito. "D*mn" mahinang pag mumura nito na animoy dismayado na may halong pagkabitin. At huminto na nga ang ferris wheel. Nang pagbuksan sila ng care taker ay nauna na siyang bumaba at naglakad palayo. Nakasunod lamang ito sa kanya. Malapit na sila sa parking lot ng hablutin nito ang kanyang braso. "Anna, wait...." iniharap siya nito sa kanya. Hindi niya magawang tumingin dito ng diretso , para siyang mapapaso sa paraan ng pag titig nito sa kanya. "Are you mad?" tanong nito na may halong pag-aalala. Parang gusto niyang sumigaw ng NO pero walang lumabas sa kanyang mga bibig. Sobrang bilis parin ng t***k ng kanyang puso at pakiramdam niya'y nangangapal ang kanyang mga labi. "Let's go home, I'm tired" yon lang ang lumabas sa kanyang mga labi. Napabuntong hininga naman ang binata at inalalayan na siya nito papunta sa sasakyan. Pinagbuksan din siya nito ng pinto at ikinabit pa ang kanyang seatbelt. Wala siyang imik habang nasa byahe at hindi namalayan na nakatulog pala siya. Nagising siya sa isang malambot na kama. Napabalikwas siya ng bangon at napatingin sa alarm clock na nasa kanyang bedside table. Mag-aalas dyes na pala ng gabi. Ganun ba siya kapagod at napasarap ang tulog niya? "Nasan na kaya ang lalaking yon?" wala sa sariling wika niya. Lumabas siya ng kanyang kwarto pero katahimikan ang bumungad sa kanya. Bumaba siya ng hagdan at pumunta sa kusina. Napansin niya agad ang note na naka dikit sa ref. "Sorry if I did'nt wake you up. Eat a lot and sleep tight. I know your tired". -Marco Para siyang natuliling na nakangiti ng mag isa. Binuksan niya ang ref at may mga naka balot nga na pagkain doon. Kinuha niya ito at di na nag abala na initin pa ang mga ito dahil gutom na nga talaga siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD