Hell 53

1932 Words

Zeron Jade Xermin's Pov (Chess Piece's Emperor) Dapat talaga, nasa headquarters ako sa mga oras na ito o kaya naman ay nagrerelax sa unit ko pero hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at naisipan kong tumambay sa tapat ng classroom ng Class F. Wala naman akong kilala dito at wala akong balak makipagkilala kahit kanino man sa kanila dahil una sa lahat, ayoko sa mga taong mahina. Sa klaseng ito kasi inilalagay ang mga estudyanteng mahihina at hindi kayang ipagtanggol ang sarili nila. Mga estudyanteng hindi nakakapasa sa mga sports, martial arts at weapon subject. So hindi talaga ako dapat nandito. Ano nga bang ginagawa ko dito? Napakamot nalang ako ng ulo. Nababaliw na siguro ako. Hindi ko na alam kung anong dahilan ng pagtambay ko dito. "eh g*ago ka pala eh!!" Napakunot noo ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD