Zaire Emerald Xermin's Pov (Chess Piece's White Queen) "Hey, wag mong papakin yan.." sita sa akin ni McKenzie nang mahuli nya akong pinapapak yung pasta ng spagetti. Hindi pa kasi luto yung sauce at nagugutom na ako kaya ito ang pinagdidiskitahan ko. "Bilisan mo kasi yang niluluto mo para makakain na tayo.." Nailing nalang sya at ipinagpatuloy ang pagluluto. We're spending some time alone with each other dito sa rooptop ng pinakamataas na Building ng Academy. Ang Antlia Building. Well, hindi talaga sya building dahil isa syang tower na nakatayo sa likod ng Libra Building. At mula dito sa pwesto namin, mas tanaw ko ang kabuuan ng Hellion Academy. Perfect spot para kung sakali mang may mangyaring gulo, madali naming makikita. May naka-set up lang kaming malaking tent na syang tinutulug

