Zaire Emerald Xermin's Pov (Chess White Queen) Good thing, nagsisimula nang maka-recover ang lahat sa amin. Halos mahigit isang linggo na din ang itinatagal namin sa ospital na ito. Dito na din kami inabutan ng pasko at bagong taon. Syempre, hindi namin nagawang i-celebrate iyon at magsaya. Parang ordinaryong araw lang iyon na dumaan dahil sa mga problemang kinakaharap namin. Siguro, babawi nalang kami next time. Iyon ay kung matatapos namin ito. Nailibing na din ang katawan ni Owen, hindi man nakapunta ang lahat ng miyembro ng Chess dahil na din sa pag-aalala sa kaligtasan ng lahat, hindi nangangahulugang hindi mahalaga sya sa amin. Malaki ang naitulong nya sa amin magmula nang maging parte sya ng Chess at pahahalagahan namin ang alaala nyang iyon. Mananatili syang miyembro ng Chess k

