Zaire Emerald Xermin's Pov (Chess White Queen) Nanlaki ang mga mata namin ni Midnight nang marinig ang sinabi ni Mckenzie. A-alam nya? "Pa-paano mo nalaman?" "Maliban sa magkapatid na Leung na syang nagbibigay sa akin ng lahat ng impormasyong nalalaman ko ngayon, sino ba sa mga nasabihan mo ang posibleng magsabi sa akin?" Balik tanong nya sa akin. At hindi ko na din kailangang pag-isipan pang mabuti kung sino ang posibleng magsabi sa kanya. Dalawang tao lang naman sa mga nasabihan ko ang masyadong madaldal. "Lenalee Yu at Ylya Yeh." Ani Midnight. "Ang dalawang makulit na bruhang yun." Naihilamos ko nalang ang mga kamay ko sa mukha ko. Pasaway talaga sila kahit kailan. Sinabihan ko silang wala nang ibang dapat makaalam ng bagay na iyon. Paano pala kung kabaliktaran ang naging reaksyon

