Francelle Shen Irie's Pov (Chess White Knight B1) Nagising ako na ramdam ang kirot sa buong katawan ko. Pero hindi ko ito pinansin. Unang pumasok kasi sa isip ko ay si Karl at kung anong lagay nya. Bumangon ako at napalingon agad sa pintuan ng bumukas ito. "Gising ka na pala." Ani Alhena na syang pumasok dito sa kwarto ko. "Kamusta ang pakiramdam mo?" "Ayos lang ako." Mabilis kong sagot kahit ang totoo, gusto ko nang humiyaw sa sakit ng likod ko. Pero kung sasabihin ko ang lagay ko, siguradong hindi nila ako hahayaan na makapunta kay Karl. "Si Owen? Nasaan sya?" "Nasa ICU." Simpleng sabi nya. "Dadalhin kita sa kanya kapag napalitan na ang benda sa katawan mo." Tumango nalang ako. "Si Zaire?" "The last time I checked, she's still unconsious. Hindi din biro ang ginawa sa kanya ng mga C

