Francelle Shen Ayuri-Irie's Pov (Chess White Knight B1) Matapos ang mga sinabi nila kanina, mas nalinawan ako sa kung ano ang dapat kong gawin. Tama si Frey. Paulit-ulit nalang ang pag-iisip ko tungkol dito. Tama ang mga underlings ko, mas makakabuti kung iisipin ko nalang kung anong makakabuti para kay Karl. Iyon naman ang lagi kong ginagawa mula noon. Mas minabuti kong patayin nalang ang buong pamilya ko kaysa patuloy silang maghirap dahil sa drogang nasa katawan nila. At ngayon, kaysa magdusa si Karl sa piling ni Kairen, mas makakabuti pang mamatay nalang sya. Alam kong iyon din naman ang gusto nyang mangyari. "Nagpakita ka din." Nakangising sabi ni Kairen ng magkaharap kami sa corridor nitong Pieces Building na kinalalagyan namin. "Where's Owen?" "He already left. Mas gugustuhin

