McKenzie Henry Mirchovich's Pov (Chess Dark King) Pagpasok ko ng unit ko, naabutan ko si Klari-- i mean, Ate Klarissa na busy sa pagtingin sa mga car figures ko. Hindi nga nya yata ako napansin. Sumandal muna ako sa pader dito sa gilid ng pintuan at pinagmasdan sya. Sa itsura at kilos, hindi mapagkakaila na anak nga sya ni Mama. The way she smile.. The way she reacts on something.. The way she looks at me.. Bumuntong hininga nalang ako.. Bakit nga ba hindi ko sya nakilala noon?? Bakit sya itinago ni Mama?? Bakit walang nababanggit si Dad about her?? "Grabe lang, namana pa ni Lil Bro ang pagiging collector ni Mama.." dinig kong sabi ni Ate habang patuloy sa pagtitingin sa mga car figures. "yun nga lang, mga patalim at espada ang hilig i-collect ni Mama noon habang ito namang si Lil Bro,

