Zaire Emerald Xermin's Pov (Chess White Queen) "Z!! Z!!" Nagising ako sa malakas na yugyug sa akin at bumungad sa akin ang mukha ni Margarett. Hinawi ko ang kamay nya at bumangon. "anong problema??" "may nangyayaring labanan sa Underground Stadium!!" ani Rhen na nakatayo sa tabi ng kama ko. Tinaasan ko sila ng kilay. "oh?? Anong bago?? Lagi namang may nangyayaring laban dun huh.." "bago?? Sina Key At Henry lang naman ang naglalaban dun ngayon. Naka-live broadcast yun sa buong Hellion Academy.." sabi ni Margarett. "at kailangan mo ng pumunta dun para pigilan sila or else, pareho silang magkakapatayan.." "what the f*ck!!" napabangon ako ng wala sa oras ng marinig ang huling sinabi ni Margarett. Halos hinablot ko nalang ang jacket ko at binuksan ang sliding door ng balcony ko. "pakisara

