Chapter 4 - The Mission

2689 Words
GWEN "Dale, ikaw na'ng bahala dito. Siguraduhin mo lang, walang gripong tumutulo. Lagot ka sa'kin 'pag may naabutan ako, maliwanag?" Kailangan kong i-remind ang nag-iisa kong kapatid matapos kong maabutan noong isang araw ang bahagyang hindi naisarang gripo sa lababo. Kaunting tulo lang iyon pero ayokong may mga nasasayang. Aba'y sa hirap ba naman ng buhay ngayon, kailangan talagang maging wais lalo na at sa ibang lugar, pahirapan ang tubig. "Huwag kang aalis ng hindi nakakapag-almusal. Nakahanda na ang paborito mong daing na bangus at ginisang talong diyan. Tumawag ka sa'kin kung gagabihin ka." "Si Ate talaga, akala pa rin sa'kin, baby. E, puwede na nga akong gumawa noon." Papungas-pungas pa ng kaniyang mata si Dale Madrigal. Pinandilatan ko siya ng mga mata ko kaya agad namang yumapos sa'kin ang tikbalang. Sabagay, saan ba'to magmamana, kundi sa tatay naming kasing-tangkad at guwapo daw ng former PBA MVP na si  Ramon Fernandez.  Nasa huling taon na ng kurso niyang civil engineering sa edad na 21 si Dale. Kaming dalawa na lamang ang magkasama since lubusan kaming naulila nang mamatay si Tatay. Naunang nawala sa amin si Nanay limang taon na ang nakakaraan dahil sa isang pagpapasabog sa mall gawa ng isang grupo ng mga terorista. Hanggang ngayon, mailap pa rin sa amin ang hustisya. Kung ilang beses ko na ring sinubukang pakialaman ang kaso pero hindi ko din magawa. Nananatili sa akin ang tiwala ko sa aking ahensiya at sa iba pang humahawak ng kaso. Talagang magaling lang ang utak. Besides, iniisip ko din ang kapatid ko at ayokong gumawa ng hakbang na ikasisira ng pangalang iniwan ng aming mga magulang.  "Opo ate, ako nang bahala. Sorry talaga nung nakaraan, Ate. Nakalimutan ko kasing may usapan pala kami ni Liezel na pupunta ng St. Therese Hospital para sa internship application niya. Kaya nagmadali na ako nung tumawag."  Ginulo ko na lang ang kaniyang buhok. Close kami ng mahal kong kapatid, pitong taon ang agwat namin. Halos hanggang panga niya lang ako pero parang baby ko pa rin ito at may takot sa akin. Varsity player din ito sa pinapasukang unibersidad. At siyempre pa, habulin ng mga babae. But he's a one-woman man though.Talagang maayos kaming napalaki nina Tatay at Nanay. "O siya. Basta, ingat sa pagmamaneho at mag-aaral ng mabuti. Konting tiis nalang, makakapagtapos ka na rin. Iyan lang ang hiling ng ate sa'yo at tiyak sina Tatay at Nanay ay ganun din. Kumusta mo ako kay Liezel." "Areglado, Ate Kap!" Nagbibirong sumaludo siya sa'kin. "Lagi ka nga no'n tinatanong, e. Alam mo namang idol ka no'n masyado. Saka nagtatanong bakit daw hanggang ngayon wala ka pang boyfriend? Balak yatang ireto 'yung pinsan niyang seaman." He chuckled when I frowned.  "Ay naku Dale, alam mong wala akong panahon diyan, di ba? Alam mo naman ang pangako natin kay Tatay. Isa pa, hindi na nga kita halos mabigyan ng atensiyon dahil sa trabaho ko, hahanap pa'ko ng boyfriend. Sakit sa ulo lang 'yan." Napairap ako. "Ugh, ate naman. You hurt my feelings. Matino naman ako at loyal."  "Oo, ikaw. 'Yung iba, I doubt."  "Ate, alam ko naman ang pangako mo kina Tatay at Nanay. Hindi na rin naman po ako alagain. Malapit ka na kasing mag-treinta. Kahit bf wala? Saka para naman mayroon ding nag-aalaga sa'yo at naglalambing." "Bakit, ikaw ba hindi mo 'yon ginagawa?" "Eh, iba naman 'yung ibig kong sabihin."  Pinanliitan ko siya ng aking mga mata. "Ikaw Dale Madrigal, baka kung ano'ng "paglalambing" na 'yang sinasabi mo ha? Tapusin mo muna ang pag-aaral mo." Kunwa'y nanggigigil kong sinabi. But I know my brother better. He's a responsible man.  Natatawa itong mabilis na lumayo sa'kin nang inambaan kong sasapukin. "Uy, iho, tigilan mo nga ako't kung makapagtreinta ka ha? 28 pa lang po ako!" Napairap ako doon, ha. Muli niya akong niyakap ng mahigpit. "Ate, alam ko naman po kung gaano kahalaga sa iyo ang pangakong hustisya kay Tatay. Pero hindi rin naman noon gugustuhing hanggang ngayon wala ka pa ring lovelife. Iba 'yung nakikita kong masaya ka rin at hindi puro trabaho at ako ang iniisip. Magiging engineer na'ko, Ate, at ako naman ang babawi sayo." Humiwalay pa siya sa'kin saka biglang tumingala na tila nililipad sa ulap na nagsalita. "Buti na lang, meron akong Liezel. Masarap kaya ang ma-inlove, Ate." Nangingiti ito na parang may lumuwag na turnilyo habang nakalapat ang dalawang kamay sa dibdib. "Hoy, mamang labanos, umayos ka nga't baka mapagkamalan kang may mental disorder sa kakangiti mong parang timang. Aalis na'ko. Naku! Tiyak na makakatikim na naman ako ng sermon nito kay Ninong kapag hindi pa'ko kumilos. Mag-iingat ka sa pagmamaneho, Dale Madrigal!" Muli kong ginulo ang kaniyang buhok saka humakbang palabas ng bahay. "Opo, Ate. Ikaw din, mag-iingat palagi!"  Itinaas ko na lang ang isa kong kamay para sumenyas ng "okay". Mabilis akong sumampa kay Scarlet pero bago 'yun ay pinasadahan ko muna ng tingin ang kotseng nasa tabi nito. Meron kasing nabiling second hand na Vios si Tatay ilang buwan bago ito namatay. Kulay itim ito, pero kapatid ko ang gumagamit since meron akong sariling motorsiklo. Kailangan ko nang magmadali. May mahalagang meeting si Col. Hilario tungkol sa pinakamalaking drug syndicate. Kamakailan kasi ay nahulihan ng bilyong pisong halaga ng droga ang isang cargo ship na natagpuan sa Batangas. Pinaniniwalaang pag-aari ito ng Olympus Drug Syndicate. Isa itong international syndicate na may pinakamadulas na leader kung kaya't hindi matibag-tibag. Kabilang ito sa mga nasa listahan ng Interpol na ayon sa aming intelligence report, kasalukuyan daw na nasa Pilipinas. Kaya binuo ang Task Force Olympus na siyang magiging bago kong assignment. Wala pang treinta minutos ay nasa tanggapan na ako. Mabilis kong ipinark sa kaniyang puwesto si Scarlet. May mangilan-ngilang bumabati sa'kin habang inaayos ko ang helmet at buhok kong nagulo. "Good morning, Kap." "Magandang umaga, Captain." Lahat sila ay masigla kong tinanguan ng may ngiti sa labi. Maging ang nasa loob ng presinto pati ilang bilanggo ay nakikibati rin. I am not a snob officer. Marunong akong makisama pero masama akong magalit. Kaya naman malamang, ang mga nasa loob ng selda, wala na ring choice kundi makisama.  "Good morning, Ladies and Gentlemen. Please take your seats." Paunang bati sa amin ni Col. Vicente Hilario nang pumasok sa meeting room. Katabi nito si Ninong hepe na bahagya lang tumango sa'kin.  Sungit talaga ni Ninong, mukhang hindi pa nakaka-move on sa hostage scene.  Anyway, makakasama ko daw sa assignment na ito sina SPO3 Yuan Nepomuceno at ang dalawa kong kaibigang pulis na sina Marlon at Rhea. Kasama din namin bilang back-up support ang lima pang pulis na pawang matagal na rin sa serbisyo.  Pagkatapos ng ilang introductory speech ay nagsimula na ring puntuhin ni Col. Hilario ang dahilan ng pagpupulong.  "I assembled this meeting for this new mission. As we all know, Olympus syndicate is the most vicious, dangerous, and high-profiled syndicate that was established 3 years ago. They were known to be in the black market and in an open wide society for being aggressive in selling drugs big time or in every high-end bar around the country and in Asia. Pinasok din nila ang human trafficking at hindi na sila nakakatuwa."  "This man, they call him "Pseidon" is the founder. A billionaire based in Columbia, but pure Filipino. Nagtatago sa kaniyang mga dummy company. Hindi pa natin tukoy ang kaniyang totoong pagkatao but according to a very reliable source, isa sa mga dummy company niya ang Ferguson Group of Companies." Lahat kami'y natuon ang mga mata sa projector na nasa tapat namin. There, we saw the devil in his tobacco and Panama hat. Iba't-ibang kuha iyon ng solo, ang iba'y kasama ang mga tauhan. Kasunod niyo'y iba pang mga mukha na hanggang sa dumako ang atensyon ko sa isang mukhang pamilyar sa akin.  Borris... "Tsk. Mga demonyo talaga." I silently cursed. Sumeryoso na ang mukha ko. Ito ang mga hayop na gustong-gusto kong makaharap. Thinking about the innocent people and youngsters na nasisira ang mga buhay at pamilya dahil sa kanilang kademonyohan made me really want to squeeze their hearts out. Gustong-gusto kong butasin at dukutin ang kanilang mga dibdib. "Sir, kaanu-ano po siya ng sikat na basketball player at modelong si Zack Ferguson?" Singit ni Rhea. Nakatunganga pa rin ako sa projector at nakatingin sa larawan ng Pseidon na iyon. "Anak si Zack Ferguson ng Chairman ng Ferguson Group of Companies o FGC, si Chairman Bernard Ferguson."  "Which means...? Ama ni idol ang drug lord?!" Nanlalaki ang mga matang tanong naman ni Marlon.  Natuon dito ang aking atensyon. Seems the Zack Ferguson he mentioned is a big name? Hindi kasi ako updated sa sports o entertainment news dahil laging nakatuon lamang sa mga kasong hinahawakan ko ang aking atensyon.  "We are not sure about that yet, SPO1 Fajardo. Iyan ang ating tutuklasin kaya tayo nandito ngayon, kung itong si Pseidon at Chairman Ferguson ba ay iisa. At kung sino pa ang mga kasabwat nito."  "Sino ba 'yun?" Pasimpleng anas ko kay Rhea. Patagilid akong dumikit sa kaniya ng hindi nagpapahalata. "OMG, Kap. Para kang taga-ibang planeta. Ang laki-laki kaya ng mga billboards no'n sa Edsa, Pasay, Malate -" "Sshhh. Ang haba naman ng sagot mo." Inis kong putol. Ang babaeng 'to talaga'y laging updated naman kabaliktaran ko.  "Ayon sa reliable source natin, though ang Chairman Ferguson ang primary suspect natin, may kakambal daw itong nasama sa isang trahedya noong bata pa sila. Napasama sa nag-crash na eroplano lulan ang kanilang mga magulang. Nakita ang bangkay ng mga matandang Ferguson pero ang sa kakambal nito ay hindi. It was totally a news blackout. At mula noon, wala nang naging balita sa pamilya. Si Bernard Ferguson, ang ama ni Zack Ferguson ay pinalaki na lang ng lolo't lola pero hanggang sa ngayon, walang report na nakita ang bangkay ng batang Ferguson." Pinagsalikop ni Col. Hilario ang kaniyang mga kamay sa lamesa. Bumalik na sa projector ang tingin ko nang biglang nag-flash ang guwapong mukha ng isang basketball player.  At kamuntikan na'kong malaglag sa kinauupuan ko. I swear I have met that intimidatingly handsome face. He was aiming for a shoot and that sight didn't help at all. Biglang bumalik sa alaala ko ang araw na 'yon sa Edsa. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya ang lalaking binusinahan ko ng sunod-sunod at pinatabi ng wala sa oras! Kaya pala malakas makatanong kung kilala ko siya e sikat naman pala talaga? Ba't ba naman kasi hindi ako mahilig manood ng tv. Ganoon na ba talaga ako ka-ignorante sa aking paligid kapag hindi na tungkol sa aking trabaho? Nagmukha kang tanga, Gwen. Napangiwi ako sa naisip. Mukha yatang kailangan kong bumalik. Bumalik in the scenes, bigyan ko naman ng pagkakataon ang sarili kong makibalita sa ibang bagay.  "Now, for this mission...You, Captain Madrigal, will be our undercover agent sa kasong ito." "Ako po?" Sa gulat ko'y naibaling ko ang pansin kay Col. Hilario nang parang tanga. Sinabi na nga ang pangalan ko, inulit ko pa. "Yes, you, Captain. You'll pretend and apply as her new secretary para makapasok ka sa kanilang kompanya at makadikit ka sa batang Ferguson. And it is very perfect timing that we have learned na naghahanap sila ng sekretarya para sa basketbolistang businessman. In that way, we can penetrate their company and watch them over closely especially the chairman itself."  Napalunok ako. Parang nag-buffer ang information sa utak ko, hindi kaagad na-proseso. At nang muli akong napatingin sa wide screen, napahinga na lang ako ng malalim. It's still him but in his business suit attire. Mas nakakaintimidate ang datingan at nagdudulot iyon sa akin ng kakaibang kaba.  Dammit, Gwen! Stop appreciating that arrogant ape! "Are we clear, Captain?" "P-Po?" Disoriented kong tanong. "Ako po talaga, Sir?"  Pinandilatan ako ng mga mata ni Ninong. Nang mga sandaling iyon, alam kong gusto na niya akong tirisin.  "Yes, ikaw nga Capatin. You need to be Zack Ferguson's secretary. May problema ba?" Mukhang hindi na natutuwa ang boses ni Col. Hilario. Sh*t, ba't ba naman kasi siya pa?! Bigla akong siniko ni Rhea. I saw her face na bahagyang namumula. I know. halos maglulupasay na ito sa kilig pero hindi niya iyon puwedeng gawin. Nagtataka ang mga mata nitong nakatingin sa'kin at pinandilatan pa ako nang muling magtanong ang aming opisyal. "Are you with us, Captain?" Salubong na ang mga kilay ni Col. Hilario. Doon na'ko tila nahimasmasan.  Alam kong wala akong karapatang humindi. At ngayon pa ba ako magpapasindak sa ganitong assignment? Of course not! Pero talaga naman. In the end. I was able to collect my self and it was all settled. Bago ako tuluyang nakalabas ng conference room ay nakatanggap ulit ako ng "matitiris kita" look kay Ninong. I poker my face and hurriedly went out. "Girl, ang swerte-swerte mo naman! Makakasama mo ang very hot at napakaguwapong lalaki sa balat ng lupa ngayon!"  Napaigtad ako sa pinong kurot ni Rhea sa'king tagiliran nang makalabas na kami ng meeting room. Sinamaan ko siya ng tingin. "Aray, ha!"  "Ikaw, ha? Akala mo hindi ko napansin kanina 'yung reaction mo? Mabuti na lang at hindi na nagtanong si Col. Hilario nung sinabi mong tinatanggap mo ang assignment. As if naman may choice ka, di ba? Haist, sana ako na lang." "Pssh. Halika, samahan kita sa opisina ni Col. Sa'yo nalang 'yung role." Bigla ko siyang hinigit papuntang opisina ng opisyal namin. Mabilis naman siyang pumreno. "Ngek! Ano ka ba, Kap? Siyempre, joke lang 'yun no? Ikaw ang pinaka-qualified sa role na 'yon. Besides, mukhang crush mo yata." At humagikhik na iton na parang timang. Nanlalaki ang mga mata ko sa narinig. No, no, no, no. Hindi ako makapapayag sa statement niyang crush ko ang mayabang at supladong bakulaw na 'yon. "Ano'ng crush? Over my dead sexy deadly body!" "Asus, if I know. Malalaglag din ang panty mo dun." Ang bunganga talaga, oo. Wala na, wala na talagang galang 'tong isang 'to sa kaniyang opisyal.  "Just in case you forgot, SPO1 Diaz, opisyal mo'ng kaharap mo, ha." Halos sakmalin ko siya sa inis pero niyakap lang ako nito at kinulit pa ng kinulit. Wala naman akong magawa. Alam na alam na kasi namin ang ugali ng isa't-isa. "He is the most popular basketball player ngayon ng bansa. An MVP under Red Fox Team, a model, and the VP of Ferguson Group of Companies. Every woman's dream. Tingin-tingin ka din kasi sa mga billboards 'pag may time, Kap."  "Ewan ko sa'yo!" Humakbang na ako pabalik ng pwesto ko. Biglang nabaling ang atensiyon ko sa nagsalita mula sa aking likuran. Mabilis namang nagpaalam si Rhea nang marinig ang pangalang tinawag ng isa naming kasamahan. "Gwen, are you okay? Parang nawala ka sa loob kanina, a." si SPO3 Nepomuceno. Tipid ko siyang tinanguan at hinintay na makalapit. Masugid kong manliligaw noon si Yuan pero salamat at tumigil na rin nang tapatin kong friendship lang talaga ang maibibigay ko. "I'm fine Yuan, no worries. Bigla lang akong nagutom." Saka ako hilaw na nangiti. Tila hindi pa kumbinsido si Nepomuceno sa sinabi ko kaya naman napahimas pa'ko sa aking tiyan kunwari. "Well, mukhang kailangan nating paghandaan ang assignment na'to, Captain." "You will need to come to his office tomorrow, Captain Madrigal, as an applicant for the position of secretary. I'll give you the rest of the day for the preparation. Your credentials will be given to you later, lahat nasa ayos na. All you need to do is to prepare for your appearance bukas sa interview, understood?"  Naalala ko ang sinabi ni Col. kanina sa loob. I sighed.  "Talagang dapat paghandaan. Ang yabang pa naman ng lalaking 'yon." Huli na nang mapansin ko ang pabulong kong sagot. "May sinasabi ka, Gwen?"  "H-Ha? Naku, wala, wala, Yuan. Gutom lang talaga yata ako, kung anu-ano na'ng pinagsasasabi ko. Hehehe. Tara, kain muna tayo dun sa karinderya ni Aling Tising."  Dinaanan ko muna ang aking "credentials" kay Peggy bago tuluyang lumabas ng tanggapan. Dahil classified itong misyon, syempre kailangang gumawa ng ibang impormasyon tungkol sa pagkakakilanlan ko. Magiging Gwen Sy ang pangalan ko, graduate ng kursong Business Management at kung anu ano pang impormasyong qualified ako sa trabahong pag-aaplayan. Well, brace yourself, Gwen. You always love action, right? This is your job. Let's do it!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD