Nag-igting ang panga ni Zack. No woman dares to shout at him. Wala pang nanduduro sa kaniya at nagtataray.
"What did you just said, woman? Hindi mo ba kilala kung sinong kaharap mo ngayon?!" Sabay suklay ni Zack sa kaniyang buhok gamit ang mahahaba nitong daliri. Kinagat nito ang pang-ibabang labi dahil sa panggigigil sa kaharap pagdaka'y nameywang.
Tila saglit namang nahipnotismo ang dalagang pulis. Bahagya pa itong napanganga na agad namang naitikom nang mabilis na matukoy ang ginawa. Napalunok siya.
Shit, ang guwapo!
Ang tangos ng ilong at ang mga mata, parang biglang hinigop ang kaniyang kaluluwa. Sa mga braso at kamay pa lang ng binata ay halatang may sinasabi na ito sa buhay. Napakalakas ng dating nito sa suot na dark blue longsleeve na nakatupi hanggang siko. Kita ang bahagyang nakahulmang ugat sa may kaputian at makinis nitong mga braso. Nakakatawag-pansin din ang mahahaba nitong daliri na may pagkalinis-linis na mga kuko.
Nahiya naman bigla si Gwen. Mukhang mas mabango pa at malinis tingnan kesa sa kaniya ang lalaki. Matangkad siya sa normal height ng isang babae pero talagang napapatingala pa siya sa lalaking kaharap. Tantiya niya'y hindi ito bababa sa 6'3.
Pasimple muna siyang lumunok ulit ng laway niya bago naglakas-loob na nagsalita.
"Bakit, sino ka ba?" Taas ang kilay na tanong ni Gwen. Nakapameywang din ang babae at mukhang nag-uusok na rin ang ilong ng lola niyo. Kahit naman kasi napaka-guwapo nito, sumisigaw naman ang kayabangan nito.
Matatalim ang mga matang ngumisi si Zack.
"Hindi ka ba nanonood ng tv? Sports TV? MBA, Red Fox?" Mayabang na tanong nito, kampanteng makikilala ng babae.
"Huh! Ano ba 'yon?"
"Really? You don't know?" Namamanghang tanong ng binata. Umiling si Gwen at nagkumpas pa sa ere na parang walang pakialam sa sinabi ng basketball player. She turned around at hahakbang na sanang pabalik kay Scarlet nang biglang mas lalong nainis ang binata.
Seriously, hindi siya nito kilala? Matinding insulto para sa kaniya 'yon. Idagdag pang tinalikuran siya nito at iniwan.
Nagsasalpukan na ang mga kilay ni Zack nang mabilis niyang hinabol ang babae at hinarang. Biglang preno si Gwen at mabilis na napatuwid ng tayo. Halos sumubsob na siya sa dibdib ng aroganteng lalaki kung hindi lang sa kaniyang instinct.
"Teka nga, Miss. Hindi ka naman siguro bastos para basta mo nalang akong talikuran? Ikaw na nga itong umabala sakin, ikaw pa ang may ganang magtaray at talikuran ako? You're unbelievable!"
"Alam mo, napaka-arogante mo't mayabang. Feeling mo sikat ka?"
"Hindi mo ba talaga ako kilala?"
Sarkastikong bumuga ng hangin sa ere ang dalagang pulis bago nanggigigil na sumagot.
"Tsk, tsk tsk. Hindi ka lang pala iresponsableng driver, no? Napakayabang mo rin at antipatiko. Eh, sa hindi nga kita kilala!"
Imbes na mas mainis pa ng todo, kakatwang gustong mapangiti na ng binata.
Why is he finding this woman gorgeous and pretty the more she gets angrier? Namumula na ito sa galit, he is so sure. Saang lupalop ba ng bansa nanggaling ang babaeng 'to at kahit sa malaking billboard niya na nasa Edsa e hindi siya nito mamukhaan!
Feisty, huh!
"Inaano ba kita? Wala naman akong naperwisyo sa daan a! Bakit bigla ka nalang bubusina at magka-cut sa daanan ko? Eh, kung hindi ako nakapagpreno kaagad, ano sa tingin mo ang nangyari?"
"Mister, pinahinto kita dahil akala mo hari ka ng kalsada porke't ano, dahil naka-Audi ka? Akala mo nasa racing track ka at wala kang pakialam sa ibang motorista kung makapagmaneho habang hawak mo pa ang cellphone mo. Eh, kung may nadisgrasya sa ginagawa mo?!"
"O bakit, meron ba?"
Nagsukatan sila ng tingin. Walang gustong magpatalo sa kanilang dalawa. Si Zack habang nakatungo kay Gwen, at si Gwen habang nakatingala kay Zack.
"So, hihintayin mo pang may ganung mangyari? Aba't hindi naman pwede 'yon, Sir. Porke't mayaman ka at luxury car 'yang dala mo e magagawa mo nang lahat ang gusto mo?"
"Ang sinasabi ko lang naman, hindi ka sana nag-cut nang ganoon dahil kamuntikan ka na kung hindi ko natantiya ang kotse ko."
"Ah, basta. Next time na makikita ko pang nangangarera sa daan iyang mayabang mong kotse, hindi nako magdadalawang isip na ipahuli ka't kasuhan ng overspeeding!" Bulyaw niya kay Zack.
Pero hindi natinag ang binata. He just sexily smiled at bahagya pang inilapit ang mukha kay Gwen. Maang naman na napaatras ang dalaga.
"Lumayo ka nga!" Sabay tulak niya sa binata pero parang wala lang dito dahil bahagya lang itong natinag. Nag-init ang mukha ni Gwen lalo na nang bahagya niyang naramdaman ang mainit at mabangong hininga ng lalaki.
"And what will you do kapag nangyari 'yon? Bakit, sino ka ba sa akala mo, hmm?"
Suddenly, Zack felt the urge to kiss her. Mabuti na lamang at malakas siyang naitulak ng dalaga sanhi siguro ng panandalian niyang pagkatuliro sa bango ng babae.
Napapikit si Zack at lihim na minura ang sarili. Mabuti na lang.
"Sa susunod na maispatan kita ulit na parang race track ang tingin sa public highway, hindi ako magdadalawang-isip na disiplinahin ang mga kagaya mo, Sir! Kaya 'wag kang pakalat -kalat sa daan, at baka 'yang Audi mo e mabangasan."
Huminga ng malalim si Zack at inilayo ang sarili bago seryosong nagsalita. He just can't clash over this amazona lady-like. Mukhang seseryosohin ang banta.
"Okay fine. Pero sigurado ka, hindi mo talaga ako kilala?"
Tumaas na naman ang kilay ni Gwen at sarkastikong natawa.
"Ano ba ang problema mo't inulit mo na naman yang tanong mo ay an? Importante ka bang tao ha?"
Napangiwi si Zack. This woman is really impossible!
"I can't f*cking believe you. This man in front of you is Zack Ferguson, isn't that name familiar to you?" Natatawa pero insultong-insulto na ang pakiramdam ng binata.
"Nope. Hindi. At wala akong interes malaman." She's in her poker face sabay talikod sa kaniya. Naglakad na ito para bumalik sa motor. Kaagad nitong pinaandar ang makina at nilayasan siya.
Ang resulta? Kumain siya ng alikabok.
Hulog pangang naiwan si Zack bago naiinis na napatakip sa ilong. For the first time, napipi siya't hindi nakaimik sa pagsupalpal ng dalaga. Pagdaka'y naniningkit ang kaniyang mga matang sinundan ng tingin ang papalayong motorsiklo.
"Kung makapagsabi ng overspeeding, akala ng babaeng iyun siya hindi pwedeng kasuhan ng overspeeding? That woman is impossible!"
"Yeah, I'll look forward to that next encounter. And next time na magkita tayo, sisiguraduhin kong kilala mo na ako at hindi makakalimutan..."
ZACK
Masama na kaagad ang tingin sa'kin ni Adriana. Late kasi ako ng halos isang oras sa usapan. Kung hindi lang talaga sa babaeng iyon.
Maganda sana, napakataray naman at mayabang. Parang machine gun pa ang bunganga.
Wala sa loob na nahigit ko ng malalim ang aking hininga. Naiinis ako dahil hindi ako nakaporma sa pang-iinsultong ginawa niya kanina.
Bakit? Hindi ko rin alam. Buti na lang at mukhang hindi mainit ang ulo ng mga magulang namin, hindi tulad nitong bunso namin kung makatingin.
"Kuya, you're late!" Bati sakin ni Adriana, nakaismid.
"Yeah, I'm sorry. Nagkaroon lang ng konting problema sa daan." Humalik ako sa noo ng kapatid ko. Ganoon din ang ginawa ko kay Mommy. Tinapik naman ako ni Dad sa balikat, at nagfist-bump naman kami ni Lucas.
"Anong problema sa daan ang sinasabi mo, anak?" Ani ni Dad, habang sumisimsim ng alak sa kaniyang wine glass.
I just shrugged my shoulder. "There's just a pathetic lady who crashed my way that caused my delay, Dad. Nagkasagutan kami kaya po ako natagalan. Anyway, huwag na po natin siyang pag-usapan."
Pero lahat sila ay tahimik lang na napatitig sa akin.
"Whoa! Wait, Kuya," basag ni Lucas. "You said, babae? Babae at nagkasagutan kayo?"
Hindi ako agad nakasagot. Dyahe naman talaga kasi.
"Alam naming sanay ka na na palaging may nagka-crash at humaharang na babae sa harap mo, Kuya, pero dahil sa nagkakandarapa sa'yong mapansin mo. Ngayon lang yata namin narinig na nakasagutan mo? Hindi niya ba namumukhaan na si Zack Ferguson, ang magaling na basketball hunk ng MBA ang kaharap niya?" Nang-aasar na ang ngiti ni Adriana.
Yeah, right!
"Seems not the usual flirting encounter with a lady, hu? Ano ba'ng nangyari?" Si Lucas, sa tila nagulat na tono ng pananalita.
Naniningkit ang mga mata ko bago ako sumagot habang nai-imagine ang nangyari kanina.
"Pinatabi niya lang naman ang sasakyan ko sa daan dahil daw nagti-text ako sa daan while driving ng mabilis". Then I sighed and added, "At hindi niya ako daw kilala."
Napanganga ang apat kong kaharap bago sabay-sabay na napa-Whaatt. Then, si Mommy ay biglang napabunghalit ng tawa while si Daddy naman ay nakangiti ng nakakaloko.
"How come she doesn't know you, anak? Eh, ang laki-laki ng billboard mo sa Edsa aside from the fact na nasa tv ka at mga magazine!" Natatawang tanong ni Mommy habang naghihiwa ng karne sa kaniyang plato. How sophisticated and beautiful she is kahit tawa na siya ng tawa but I felt betrayed. Pinagtatawanan niya ako. Ng aking pamilya.
"It's not funny, Mom." Hindi ko talaga itinago ang pagkasimangot ko.
"I bet ibang klaseng babae iyan, Carmela, my darling. Don't make it hard for your son. Aba'y sikat na sikat nga, hindi naman kilala nung babae?"
Nakakaloko din naman itong si Dad kaya nagkandalokoloko na. Pinagtatawanan na nila talaga ako. Hindi man lang itago.
"Is she pretty?" Si Lucas.
I just smirked.
"Tss, though she's more than that, I am not attracted to her."
"Liar, Kuya. You are attracted to her!"
"What the hell you're talking about, Adriana?!" Nanlalaki ang mga mata ko. Never! Baka hambalusin pa'ko ng babaeng 'yon kapag nagkataon.
"She is more than pretty, I'm sure. I bet extraordinary. And you are attracted to her, Kuya. At kaya ka nagagalit ay dahil sa siya pa lang ang nakakagawa nun sayo, di ba?"
Great! I'm that transparent?
"I am not!" Diniinan ko talaga 'yun para naman bumalot sa utak ng makulit kong kapatid.
"Aw, come on kuya. Ngayon lang namin nakita at narinig na may binabanggit kang babae na ganyan ang mukha mo. Ano bang nangyari at mukhang nakahanap ka ng katapat?"
Nakita kong siniko ni Mommy si Daddy dahil sa katatawa. Bumubungisngis din si Adriana while Lucas stared at me, magkasalubong ang mga kilay na nakangiti rin. Tiningnan ko lang din siya ng masama.
"I bet nakahanap nga si kuya ng katapat, Adriana. Ngayon lang may babaeng naglakas loob sumita sa kaniya hindi dahil sa naging karelasyon niya ito o may gusto sa kaniya."
"Huwag mo nang asarin si Kuya Zack, Kuya Lucas. But yes, this is the first time, huh! I wonder who is this girl. Hindi ko pa man nakikita parang magugustuhan ko siya." Ngiting-ngiti si Adriana.
"Really, Kuya? Hindi ka talaga nakilala? Hindi ba siya nanonood ng tv?"
"I don't know and I don't care." pikon na talaga ako.
Hindi halos matigil ang pagbungisngis ng dalawang babae sa buhay ko habang si Dad at Lucas nama'y halatang nagpipigil tumawa. Lalo tuloy akong nainis.
Magaling, babae! Makikita mo talaga sa susunod na magkrus ang landas natin.
"Please guys, let's forget that crazy girl. Let's not talk about her anymore." Saka nakangiti akong nagsalita ulit. Sila nama'y nagkibit-balikat lamang.
"So Dad, Mom, little sister, did this man beside me already told you about his plan?" Pinunto ko na ang dahilan ng aming pagtitipon.
"Well, yes anak. I guess mauunahan ka na ng kapatid mong lumagay sa tahimik. Your mom and I have no objection about it. Boto rin naman kami kay Lindsay at maayos naman ang samahan namin ng mga magulang nito."
"Besides, anak, gusto na naming magkaapo ng Daddy mo. I've been waiting for the mansion to be echoed by sweet voices of babies." Si Mommy na halatang excited naman.
"Well, Dad, Mom, we will surely give you handsome and beautiful grandchildren." Malaki naman ang pagkakangiti ni Lucas.
"Congrats, man! You deserve Lindsay, and she deserves you too. You deserve each other."
Tumawa ng malakas si Lucas. Halata ang saya at excitement sa nalalapit na pagpo-propose sa nobya.
"And you deserve to have your love life too, Kuya. Ang lagay ba eh ako lang ang dapat mag-parami ng Ferguson?"
"Well, you do the honor first, brother. I doubt I will find it soon. Besides, my career is much more important to me." Kampante kong sagot.
"Well, we will see, Kuya." Si Adri ulit na animo'y siguradong kakainin ko lang ang sinabi ko. Hindi ko na lang siya pinansin. Makulit talaga kasi ang bunso namin.
Napag-usapan pa namin ng halos isang oras ang tungkol sa pamamanhikan, negosyo, nobyo ng kapatid namin at career ko bago pa kami nagdesisyon na magkahiwa-hiwalay. Sina Daddy at Mommy ay uuwi na ng mansiyon samantalang sina Lucas at Adri nama'y may kaniya-kaniya namang lakad. Ako nama'y patungo sa isang naka-schedule kong meeting.
Nasa kalagitnaan ulit ako ng Edsa nang bigla kong naalala ang nangyari kanina. Sa di inaasaha'y bigla akong napaisip na magdahan-dahan sa pagpapatakbo ng kotse. Tila nga naman nangangarera ang bilis ng pagpapatakbo ko, narealize ko.
Hindi ko naiwasang isiping muli ang mga nangyari kanina. Naalala ko bigla, pansin ko kaagad noon ang ganda ng kurba ng kaniyang katawan na bumagay sa kaniyang tangkad. Bagay sa kaniya ang suot niyang tattered jeans at black leather jacket. Sayang at hindi ko nakita ang kaniyang mga mata. Of only her kissable luscious lips, tangos ng ilong at kinis na mukha, I am sure she's really a beauty, oly kung hindi lang sana maingay ang bunganga. Astig siyang pumorma. She is like a gorgeous sexy FHM model at hindi ko maitatangging may matapang siyang personalidad.
And her scent? Sh**! What the hell is happening to me? Ipinilig ko ang aking ulo sa naiisip. Kung hindi ang sekretarya ko, ang babae sa EDSA naman ang nasa isip ko.
Kelan pa ako nag-imagine ng ganoon sa isang babae na halos kinabisado ko na yata ang kabuuan sa loob lang ng ilang minuto? Women just come and go in my life not bothered by their presence, pero bakit ang babaeng iyon ay tila makulit na lumilitaw sa aking isipan?
Maangas akong napanguso.
"I really can't wait to see you again, woman! The next time I see you, it will be my turn."
At nagfocus nako sa pagmamaneho, pilit winawala sa alaala ang imahe ng mataray na babaeng iyon.