Her nightmare in the past.... Kakauwi niya lang galing Vietnam mula sa mahigit isang taong pagsasanay sa isang international secret organization. Pinadala siya doon bilang isa sa mga mahuhusay na criminology student ng PNP. Isa siya sa mga natatanging nagtapos ng pagpupulis na sinubaybayan ng mga nakatataas na opisyal ng nasabing ahensiya dahil sa galing at kakaibang tapang. Dumeretso siya ng headquarters kung saan nakadestino ang ama. Ngunit agad nagulantang nang ang nagmamadaling mga kasamahan ng kaniyang tatay ang nasalubong niya papalabas ng gusali. Halos hindi na siya napansin ng mga ito kung hindi nga lang siya nakita ni Col. Hilario na noo'y Inspector pa lang din ang ranggo. "Papunta kami ng St. Lukes Hospital, Gwen. Nandoon ang iyong ama." "P-po? A-ano pong nangyayari?" Sinak

