Hindi basta-bastang pagsasanay ang pinagdaanan niya sa Vietnam. Pero aminado siyang hindi rin basta-bastang kalaban si Bravidski na animo'y parang bato sa solido ng katawan. Sa laki ba naman nito at sa kondisyon ng kaniyang katawan, hirap din si Gwen na makipagbuno dito. Marami na ring dugo ang nawala sa kaniya. Pinilit niyang huwag mahalata sa kaniyang mukha ang sakit na nararamdaman sa buong katawan, lalo na nang dumating kanina ang binata. "Masaya ka ba sa mga ginagawa mo, Bravidski? Tingin mo ba'y may lusot pa ang kaluluwa mo sa impyerno? Magdasal ka na o di kaya ay magtago ka na sa kweba at magsisi sa lahat ng kasamaang ginawa mo. Bakasakali, dumaan ka muna sa purgatoryo ang kaluluwa mo at hndi dumeretso sa impyerno." nakangisi niyang pang-aasar sa kalaban. "Tama na ang maraming s

