ZACK Tumambad sa akin ang puting kisame. Sabay sa paglipat ng aking paningin sa paligid ay ang p*******t pa rin ng buo kong katawan. Agad kong nakita ang masinsinang pag-uusap ng aking ama at si Col. Hilario. Umunat ako at dahan-dahang umupo. Masakit pa rin ang buo kong katawan kaya hindi ko naiwasan ang mapangiwi. Bugbog na bugbog ako pero may ibang bagay akong gustong malaman kaagad. Kapwa nangiti sina Dad at ang opisyal nang mapansing gising na ako. "Stay put lang anak, mabuti at nagising ka na. 48 hours ka nang tulog at awa ng Diyos, malayo ka na sa panganib." Pinigilan ako ni Dad pagkalapit sakin. Tumango lang sakin sabay ngumiti ang koronel. Nakapamulsa siya at bahagya ding lumapit sakin. Tinanguan ko lang din siya saka ibinaling ulit kay dad ang aking tingin. "I remember. Whe

