GWEN "s**t! Mga tauhan iyon ni Poseidon!" Naabutan ko pang bukas ang likod na bintana ng SUV. Nakasunod ito sa kotse ni Zack. Mula sa likod ng everest ay kinawayan pako ni Borris habang hawak ang baril, nakangiti ng nang-uuyam. Dali-dali kong tinakbo ang layo ng kotse ko. Pero mabilis ko munang tinanggal ang suot kong wedge. Bitbit sa kanang kamay, mabilis kong binalibag sa passenger's seat ang 3 inches wedge saka mabilis kong ikinabit sa aking kwelyo ang wireless device. Hindi ako nag-aksaya ng oras, mabilis kong pinatakbo ang kotse. Napabuga ako sa hangin nang makita ko ang subject. Gumawa ako ng paraang masundan ang mga ito ng hindi ako basta-bastang nahahalata. "Code red! Hinahabol ko ang galamay ng Olympus, nakuha nila si Zack. En routing C5, do you copy?" Papalit-palit ang ti

