GWEN "Gwen, positive. Nandiyan sila sa loob." Mabilis akong sinalubong sakin ni Yuan. Biglaan ang pagpasok naming iyon sa tambayan ng Olympus at si Yuan din ang kausap ko kanina. Pagkatapos kong tanguan ang dalawang pansamantalang pumalit sa'kin para bantayan si Zack ay agad na akong umalis. "Nasa loob na ba si Borris?" "Hindi ko pa siya nakikita pero ang ibang tauhan nilang ruso ay kanina pa nasa loob." "Sige, tapusin na natin 'to!" Inakbayan ni Yuan papasok ng bar. Kailangan namin magpanggap na buyer ng r**e drugs. Magnobyong business partners dahil iyon daw ang status ng pinalitan naming mga tao. Kami ang magpapakilalang code name "Haydes at Athena". Sila Haydes at Athena ang magnobyong leader din ng drug syndicate sa Costa Rica. Kamakailan lang sila natimbog ng FBI. Napakase

