Hindi ko na namalayan na nakatulog ako, siguro dahil sa pagod sa kakaisip ng mga nangyayari. Wala na si Connor sa tabi ko nang magising ako, umupo ako sa kama at kinuha ang phone ko na nasa side table ng kama, tumayo ako at lumapit sa malaking bintana sa may balcony binuksan ko iyon at malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin, tinawagan ko si Austin, naguguluhan na ako sa mga nangyayari, sila ni mama ang nagsabi sa akin ng masunog ang Estancia, baka alam nila ang totoong nangyari sa Poblacion. “Hello? Sera.” Sambit nito sa kabilang linya. “Austin, sabihin mo sa akin. Sino ba talaga ang nagpasunog sa Poblacion Estancia? May kinalaman ba talaga si Connor sa nangyari?” Usal ko rito, narinig ko ang bigat ng paghinga nito at hindi kaagad nakasagot, “Austin..” Mariin kong sambit,“

