“I- I miss my baby.” Garalgal kong sambit saka muling bumuhos ang sunod sunod na luha sa mga mata ko. Niyakap nya ako at hinaplos ang likod ko para patahanin pero lalo lang akong umiyak ng umiyak. “Stop crying babe.” Narinig ko pang bulong nito. Hindi ko alam kung ilang oras kami sa ganong posisyon pero nang maramdaman ko na ang pamamaga ng mata at antok ay kumawala rin ako sa pagkakayakap nito, sumandal ako sa head rest saka tumingin sa bintana, hindi naman ito umalis sa tabi ko at doon na naupo. Naramdaman ko pa ang paghalik nito sa noo ko saka ako nakatulog. Natigilan ako sa paglalakad nang mapagtanto kong wala kami sa Manila Airport. “Bakit nandito tayo sa Estancia?” Kunot noo kong tanong rito. “Let’s go you need to rest.” Tugon nito saka hinawakan ang kamay ko at nagpatuloy na

