Mabilis na idinilat ni Inday ang Kanyang mga mata ng marinig nito ang boses ni Brandon. " Anong iilan? ang dami ko na kaya nalinisan, pwede ba magpa hinga na muna ako?" Pakiusap pa ni Inday dahil nakakaramdam na talaga sya ng pagod. " Pwede naman pero dapat doon ka sa kwarto ko magpapa hinga" Pangungundisyon pa ni Brandon at sumama naman ang mukha ni Inday. " Bakit sa kwarto mo ako magpapa hinga? Dito na lang ako magpapa hinga at tataposin ko itong trabaho ko" Saad pa ni Inday. " Ayaw mo? Sige linisan mo lahat yan at bawal ka magpa hinga" Seryosong pagkakasabi ni Brandon at humakbang ito palabas ng basement ngunit umaasa s'ya na pipigilan sya ni Inday. " Okay Sige, tataposin ko na lang itong trabaho ko" Pagtanggap na lamang ni Inday at mas lalo lang nito iniinis si Brandon. " Tanga k

