Nagtungo si Brandon sa pool upang maligo na muna kaya kumuha si Inday ng towel at kahit nabubugnot na nga sya ay kailangan nya parin samahan si Brandon kung nasaan man ito. " Pwede ba bilisan mo na maligo, napapagod na kasi ako," Nanghihinang sabi ni Inday ngunit binaliwala lamang ito ni Brandon. " Hindi pa nga ako nag e-enjoy sa pagligo gusto mo na agad patigilin ako? mag antay ka diyan hanggang matapos ako" Saad naman ni Brandon at ilan sandali pa naramdaman na ni Inday ang pag ikot ng kanyang paningin kaya naman bumagsak na ito. " Ang baby ko" ang huling sambit ni Inday bago pa man ito mawalan ng malay at ng makita sya ni Brandon agad sya nitong tinungo at nataranta na rin ito. Tinawag ni Brandon an kanilang personal doctor upang tignan ang walang malay na si Inday at sa pagkakataon

