Patuloy na tumatakbo ang sasakyan na sinasakyna ni Inday at hindi nito naisipan lumingon sa kanyang likuran kaya naman hindi nito nakita ang pag habol sa kanya ni Brandon. Naging maayos ang pamumuhay ni Inday kasama ang mag ama na si sir Rodolfo at Chad at dahil sa tunay na malasakit nito sa kanya tinuruan din sya nito nang tamang paglalalakad at tamang pag harap sa mga taao. " Tumayo ka Inday, at ituwid mo yang mga paa mo at buong katawan" Pag uutos ni Chad kay Inday na tila kanina pa napapagod sa pabalik-balik na paglalakad habang naka suot ng isang mataas na hills. " Sir Chad, napapaaagod na po ako, bakit po kasi kailangan magsanay pa ako ng ganito?" Nakasimangot na sabi ni Inday at nag buntong hininga pa ito. " Akala ko ba gusto mo maging kagalang-galang na babae? paano ka haharap

