Namulat ang mga mata ni Inday sa isang maaliwalas na silid at natanaw nya ang pagsikat ng araw at alam nyang nasa ibang lugar sya, lugar na hindi man lang pamilyar sa kanya. " Sir Brandon,....' Pagsigaw ni Inday at napabalikwas sa siya sa kanyang pagkaka higa at nakita nya ang dahan-dahan na pag bukas ng pintuan ng silid na kinaroroonan nya. " Magandang umaga po, hinanda ko na po ang damit na susuotin nyo, sabi ni sir pagkatapos nyo daw po mag bihis bumaba na lang daw po kayo sa sala"" Pabatid pa ng isang babae na sa tingin ni Inday ay isa itong kasambahay. Inikot ni Inday ang buong paligid ng silid na iyon at nahuhumaling sya sa laki at ganda ng silid na iyon kaya nagkaroon ng saya sa kanyang puso at pakiramdam nya nasa ligtas s'yang lugar. Inayos na muna ni Inday ang kanyang sarili b

