Hindi na mapakali si Inday sa kanilang tahanan at hinihintay nito ang pagdilim ng paligid dahil nanabik na ito na malaman ang suprisa sa kanya ni sir Brandon nya. " Inday, bakit ba hindi ka man lang mapakali sa kinakatayuan mo? may problema kaba?" Pagtatakang tanong ng kanyang Ina habang nag hihimay ito ng malunggay. " Ina, magtutungo po muna ako kay sir Brandon at may sasabihin lamang po ako sa kanya, babalik po agad ako" Pagmamadali pa ni Inday at tinakbo nito ang bahay na tinutuloyan ni sir Brandon nya. " Oh Inday, bakit ngayon ka lang? kanina pa ako dito at pinapapak na ako ng mga lamok dito" Pagrereklamo pa ni sir Brandon nya dahil matagal ito ang hintay sa kanya. " Kasi sir hinintay ko pa dumilim bago ako mag tungo dito, ano po ba yang tinatago nyo sa likod nyo? tsaka ano po ba a

