Nakangiting inilagay ni Jhanna ang tangkay ng puting rosas sa ibabaw ng puntod ng mommy niya. Tatlong araw na siyang dumadalaw sa sementeryo kung saan nakalibing ang kaniyang ina. Sa buong araw ay nagpapalipas siya ng oras sa museleo at sa gabi naman ay umuuwi siya sa maliit na kwartong inuupahan niya. Malapit lang naman iyon sa sementeryo at mabait naman ang mga kasama niya sa boarding house kaya komportable siyang manatili doon. Ilang araw ng ganoon ang routine niya. Sa paggising niya sa umaga ay kumakatok na ang landlady sa kwarto niya para dalahan siya ng pagkain. Alam kasi nito na pansamantala lang naman siyang mananatili sa boarding house, wala rin siyang mga gamit maliban sa ilang damit niya kaya madalas ay ito pa ang nag e-effort na magbigay ng pagkain sa kaniya. Pagkatapos niyang

