[Ayane's POV] "Mga anak ko!" ma-dramang bungad ni papa nang makauwi mula sa kanyang matagal na pagkawala dahil sa isang teatrong pinagbidahan Tig-isang halik at yakap ang agad na binigay niya sa amin na akala mo napakatagal namin mga huli nagkita kita. Samantala, mga natatawa at napapailing naman sina mama at Manager Reina na nakasunod sa kanya. "Akala ko next week pa kayo?" takang tanong ko at binigyan sila ng tig-isang tingin Nameywang si mama saka tinanggal ang suot na sunglasses na akala mo isang turistang napasyal sa aming mansyon "parang ayaw mo yata bunso ang pagbabalik namin" taas kilay na sambit niya na todong ikinailing ng ulo ko Ngumisi si mama "It's good to be back" sambit niya habang nililibot ang tingin sa mansyon at binigyan rin kami ng yakap at halik "inaasahan ko na n

