[Ayesha's POV] "Make up, check! Dress, check!" hindi ko mapakaling bulalas habang pabalik balik sa aking lakad sa harapan ng isang full length mirror Paminsan minsan ay sumisilip rin ako sa bintana para tignan kung dumating na si Ryo. Hindi na ako makapaghintay na makita siya. "Geez Ayesha! Tumigil ka nga sa ginagawa mo" natatawang sabi ni Kyo habang nakaupo sa isang couch dito sa kwarto ko Doon, napatigil ako sa aking paglalakad at napameywang "bakit ba kasi kayo naririto?" pag-angal ko "paano kung makita kayo ni Ryo sa loob ng kwarto ko? Ano na lang ang iisipin niya?" Napalumbaba si Naru "anong masama sa pagbisita sa isang naming kaibigan?" sambit niya "saka bakit naman siya magagalit sa amin eh hindi pa naman kayo opisyal na nagkabalikan kundi inimbitahan ka lang maging date sa par

