[Ayane's pov] Tulad ng aking inaasahan, pinamigay ni mama sa lahat ng estudyante ng Star Academy ang copy ng performance ko kasama sina Kuya Ryo. Sa sobrang hiya ko, hindi ko man lang maiangat ang ulo ko habang naglalakad. Nakahinga ako ng maluwag nang sa wakas ay nakarating ako sa aming classroom. "Yown! Nandito na sina Ayane at Lance" masayang sabi ni Kyo habang palapit sila ni Naru sa aming kinaroroonan "Eto ang copy niyo, Ayane" sabi ni Naru sabay abot sa akin ng isang cd disc Tinitigan ko ang cd na iyon at tila nag-aanlinlangan na tanggapin. Pero kapag hindi ko naman kinuha ay baka kung magtaka sila "u-u-uh salamat" sabi ko at saka pilit na nginitian sila "hindi mo ba itatanong kung ano ang laman ng cd?" seryosong tanong ni Kentou sa akin na ikinagulat ko Napalunok ako dahil ka

