[Ayane's pov] Pagbaba namin ng entablado ay agad kaming sinalubong ng mga nagkikislapang camera ng mga media. Marami rin ang gustong ma-interview ako tungkol sa ngayon ko lamang na pagpapakita sa madla. Lalo na isang malaking rebelasyon sa lahat na ako ang totoong babae sa commercial at puro kasinungalingan lamang ang sinabi ni Sierra para sumikat. "baka makahalata na sina Kentou" nag-aalang bulong ko kay Ate Zy "ayoko pang malaman nila kung sino talaga ako" natatakot na dagdag ko Maingat na tumingin sa paligid si Ate Zy at naramdaman ko ang marahan na pagtulak niya sa aking balikat "go, Aya! Kami na ang bahala rito" nakangiting sabi ni Ate Zy at pasimple akong tinakpan mula sa mga mata ng media Nagtatakang lumingon sa amin si Kuya Ryo pero inakbayan siya ni Ate Zy para hindi makapalag

