[Ayane's pov] Napatitig ako sa buong repleksyon ko sa isang full length mirror hanggang sa dumako ang tingin ko sa aking leeg. Agad na napangiti ako at napahawak sa kwintas na suot ko. Ito ba iyong tinatawag na kinikilig. Akala ko likha lamang ng mga libro ang pakiramdam na ito pero totoo palang maaaring maranasan. Ewan ko ba kung bakit todo ayos ako ngayong araw kahit ang totoo ay magkakasabay lang naman kami magpupuntahan sa event. Napatapal ako ng noo dahil muntikan ko pa makalimutan na mahalagang araw ito para sa aking pamilya. Mas mabuti pa siguro ay magtungo na ako sa bookstore dahil doon ako susunduin ng mga Keegan. Hindi naman nagtagal ay nakarating ako roon. Agad ko naman nakita ang Keegan sa harapan ng bookstore na tila ako na lamang ang iniintay. Iyon nga lang tila nakakahiy

