[Ayane's pov] Nakayuko ako habang naglalakad papunta ng aking classroom. Tahimik ang paligid dahil sa namumuong tensyon sa paghaharap ng Robins at Richards. Hindi nakakatulong ang tensyon sa aking paligid dahil lalo tuloy ako nakakaramdam ng kaba para sa aking pamilya. Hindi man ako kasali sa event pero nararamdaman ko ang kaba nila para sa kalalabasan ng paghaharap. Sa oras na kailangan na kailangan kong magtiwala sa kakayahan ng aking pamilya. Halos araw araw ko silang nakikitang nag-eensayo kaya alam ko na handang handa na sila. Mananalo ang mga Robins! Paniguradong mananalo sila! Naramdaman ko na may umakbay sa akin kaya napaangat ako ng kaunti ng aking tingin "woah! wala yata si Lance?" takang bungad ni Kyo habang nililibot ang tingin "nakakapanibago tuloy" "ah... may pinuntahan

