Laura's POV
_
_
_
_
_
FRIDAY ng araw na iyon at up to until now ay hindi ko pa rin naiaabot ang resignation ko na ginawa ko noong Lunes pa. Pagpasok ko rin kasi ng Martes ay nakaleave ang ex ko at si Vicky kaya matiwasay ang trabaho ko.
"Laura...." mahinang tawag saakin ni Wendy.
Breaktime namin at kasalukuyan kameng naglunch sa staff room si Jessa at Cindy ay tapos na kaya ang mga ito muna ang bahala sa reception hindi kasi kame pwedeng magsabay ng alis.
"Pumasok na ang dalawang uod." anito,
"So?" kunot noong tanong ko.
"Wala kang nabalitaan?" lalong nangunot ang noo ko. "Kinasal na yung dalawa noong Tuesday na nagleave sila." napasinghap ako, kumirot ang dibdib ko dahil doon.
Ako na tatlong taon ni hindi makuhang alukin ng kasal ni Eric pero sila ni Vicky na iilang buwan palang ay kasal na. "Beshy....." may pag-aalala sa tono nito. Huminga ako ng malalim.
Ang mga ibang tao roon ay nakatingin saakin hindi ko alam kung awa ba iyon o pinagtatawanan ako. Binuksan ko ang locker ko at kinuha roon ang resignation letter na ginawa ko. Maybe its time.
Narinig ko pa ang pagtawag ni Wendy ngunit tinahak ko na ang daan pa puntang HR Office.
Kinausap ko ang head ng HR at binigay ang resignation ko. Hindi ko alam kung nakarating ba sakanila ang tungkol kay Eric. Since alam naman ng office na boyfriend ko iyon. Natuwa ako ng iapprove ng office ang resignation ko kahit ang sinabi ko ay effective today na.
Bumuntong hininga ako dahil sakanila napilitan akong magresign. Sumakay ako sa staff elevator pababa ng lobby, pagbukas niyon ay isang lalaki ang bumungad saakin. Mabilis akong yumuko at marahang tumango na lamang tanda nang pagbibigay galang. Hindi ko rin masyadong nabistahan ang mukha nito bukod sa occupied din ang isip ko ng kasal ni Eric at Vicky.
Naasiwa ako pakiramdam ko kasi may matang nakatunghay saakin. Gusto ko sanang lingunin ang lalaking kasakay ko sa elevator ngunit pinangunahan ako ng hiya. Sa repleksyon ay nakita kong nakatingin nga ito biglang kumabog ang dibdib ko sa di ko malamang dahilan. Kung gagawan ako nito ng masama ay wala akong laban. Pero imposible din naman dahil sa pananamit nito ay mukhang disenta naman ito. Ipinilig ko ang ulo sa isipin. Bahagya ko pa itong sinilip mula sa repleksyon sa elevator, he's tall and handsome. Iyong tipong modelo ng mga damit ang tindig.
Nang bumukas ang elevator ay marahang tumango uli ako nang nakayuko bago mabilis na nilakad ang staff area.
Effective na bukas ang resignation ko kaya dapat ay maging masaya na ako dahil hindi ko na makikita sina Eric at Vicky.
Bumalik na ako sa pwesto ko sa lobby dahil tapos na ang breaktime ko. Masigla akong nagtrabaho kahit na dinaramdam ko pa rin ang panloloko ni Eric saakin. Life must go on sabi nga, regardless how hurt you are.
Pasado alas syete na ng gabi at mag-out na rin kame nila Jessa from our duty. Andoon na rin ang kapalitan namin na sina Mia at Shiela.
Ngumiti ako kay Ma'am Susan ang aming Hotel Manager nang matanaw ko itong papalapit sa amin.
"May hinanda kameng farewell dinner sa iyo sa staff area." sabi ni Ma'am Susan.
"Ay thank you po." magalang at nakangiti kong sagot.
"Halika na at padadalhan ko nalang sina Shiela pagbreaktime nila." imporma pa nito. Sa lahat ng Hotel Manager ito na ang pinakamabait at matulungin talaga. Hindi ito iyong tipo ng manager na aloof o masungit sa mas mababa sakanya.
Sumunod ako sakanya sa staff area namin, nandoon na rin ang iba pa namin kasamahan na tapos na ang duty. Andoon na rin sina Bruce at Wendy.
Nagulat pa ako sa dami ng pagkain sa mesa, kahit kakasabi ko lang kanina ang tungkol sa resignation ko ay nakapaghanda agad sila.
"Let's all eat." masayang utos ni Ma'am Susan saamin.
"Bru mamimiss ka namin, wala ng kasing ganda mo sa lobby area." sabi ni Hazel.
"Grabe talaga kayong makabola saakin." natatawang sagot ko.
"Basta dadalaw ka minsan dito." sabi naman ni Kuya Fernan na siyang aming guard sa morning shift.
Sabay sabay kameng napalingon sa bumukas na pintuan ng staff area. Iniluwa noon si Sir Sean ang president at may ari ng Cristobal Hotel and Resort. Nagulat ako dahil hindi ko akalain na pupunta ito sa ganoong klase ng pagtitipon. Bukod kasi sa may-ari ito ay masyado din itong busy. Saka sino ba naman ako para sadyain nito.
Ngumiti ito at lumapit sa akin. Nahihiya naman akong gumanti ng ngiti. "It's nice to finally meet you, sayang nga lamang at resigned ka na." nakangiting sabi nito.
"Anyway nagdrop by lang ako at may dinner kasi kame ng asawa ko." sabi nito saamin. "Take this." anito at inaabot sa akin ang isang sobre.
Kumunot ang noo ko sa pagtataka. "Para saan po ito Sir?" magalang na takang tanong ko.
"One of our visitor gave this to you, nalaman niya kasing resigned kana kaya naman as a token daw ng maayos na trabaho as front desk iyan." paliwanag nito, tumanga tango naman ako. Hindi pa rin ako makapaniwala na napakadown to earth nitong tao sa mga empleyado nito.
"I gotta go guys." paalam pa nito sa aming lahat, inalok pa namin itong makisalo subalit may date raw ito sa asawa nito. Nagpasalamat rin ako dito.
"Ay bongga girl may pa sobre ang costumer." sabi ni Bruce.
"Paambon ng yaman." pabiro pang sabi naman ni Cindy, kaya naman lahat kame ay nagtawanan na.
Isinilid ko muna sa bag ang sobre at sa bahay ko nalang marahil iyon bubuksan. Masaya na akong nakipagkwentuhan sa aking mga kasamahan sa trabaho.
Kung meron man akong mamimiss ay ang management siguro ng Cristobal Hotel and Resort dahil bibihira ay company na may malasakit sa lahat ng trabahador sa kahit anong posisyon. Mababait din ang mga katrabaho ko maliban lamang kay Vicky at Eric.
Natuwa pa nga ako nang malaman kong hindi nakisali ang mga ito sa pa farewell party saakin nila Ma'am Susan.
_
_
_
_
_
_
PASADO 10pm na kame nakauwi ng apartment namin. Nagdadaldalan pa kame nila Wendy at Bruce hangang makapasok kame sa loob.
Nagkanya kanya na kame ng pasok sa silid upang maghilos at magpalit ng damit. Nang matapos ay lumabas ako sa maliit na sala namin at inilapag ang bag ko sa lamesita.
Umupo ako sa upuang kawayan namin tumabi roon saakin si Wendy at ipinatong pa ang paa sa lamesita.
"Sissy kahit yata magkasama tayo sa bahay mamimiss kita sa CH&R." sabi nito habang abala ang mata sa pagpindot sa cellphone nito.
Nilingon ko ang kalalabas lang na si Bruce. Talong talo kame ni Wendy sa super short na suot nito litaw ang lilitaw.
Kinuha ko sa bag ang sobre na iniabot kanina ni Sir Sean. "Cash ba?" usisa ni Bruce habang nagpapahid ng night cream nito.
Tumango ako. Nagtitili naman ang luka at tumabi saakin. "Galante ang visitor ng CH&R." sabi pa nito.
"Ten thousand plus 3-day stay sa Camilla Amore." sabi ko.
"Ay! Bongga bakla, vacation with allowance ang peg." matinis ang tinig na sabi ni Bruce.
"Manyaman ang visitor sa pa token." sabi ni Wendy.
Napangiti naman ako at binasa pa ang letter na nakapaloob din sa sobre. "Hope you enjoy your stay at Camilla Amore... SDP" basa ko pa.
"Jusko bonggacious, sinong SDP naman iyan?" tila kiti kiting tanong ni Bruce.
Nagkibit balikat ako wala naman akong kilalang SDP. Baka pangalan iyon ng isang negosyo o kung ano pa man. Thank you nalang sa kabutihang loob niya.
"Good for one lang ba iyan sissy?" usisa naman ni Wendy. Tumango ako bilang pagsagot sakanya. Sayang at good for 1 lang ang package.
"Sosyal talaga Camilla Amore pang mayaman. Jusko, ay day rumampa ka doon ha? Get laid too." muntik pa akong mapasamid sa huling salitang sinabi ni Bruce.
"Get laid talaga?" di makapaniwalang ulit ko.
"Yes sissy, get laid parang awa mo na isuko mo na si Maria at sa papalicious naman ha para sulit!" kilig na kilig pang sabi nito na halos itulak pa ako.
Tawa nang tawa naman si Wendy. "Maraming foreigner doon baka makabingwit ka ng puti bongga!" udyok na din ni Wendy.
"Mga baliw na to gagawin pa akong hooker doon." naiiling na sabi ko at ipinasok na muli sa bag ang sobre.
Noon ko pa naiisip mag-unwind para kahit papaano ay marelax ang isip ko ng panloloko ni Eric. Nakakangiti man ako ay nasasaktan pa rin ako dahil sa nangyari. Masakit pa rin na maloko ka ng toang minahal mo may gabi pa nga na bigla nalang akong maiiyak. Hindi ko alam basta pakiramdam ko hindi ako kamahal mahal.
"Uy nakarating ka na yata ng bundok tralala." untag ni Bruce sa akin. "Okay lang mag isip pero iyong hunkylicious na scene naman ha?"
"Baliw!" sagot ko na lamang.
"Maganda dyan sa Camilla Amore." sabi ni Wendy.
"Nagpunta na kayo ni Hanz doon?" tanong ko na ang tinutukoy ay ang boyfriend nito.
Umiling ito. "Sa pagkakaalam ko ang Camilla Amore ay resort ng isang Del Prado." sagot nito.
"Ay bongga..tapos si Sebastian Del Prado ang may-ari" kinikilig na naman na sagot ni Bruce. Pagdating talaga sa mga gwapo.
Naalala niya tuloy noong nakaraang araw si Jessa na gwapong gwapo din sa Sebastian Del Prado na iyon na hindi ko pa naman nakikita. Sa mga Del Prado tanging si Clark at Celine pa lamang ang nakikita ko. Hindi rin naman ako mahilig manuod ng business news sa Tv o ni magbasa ng business magazine. Kaya no idea ako who is this Sebastian Del Prado. May naririnig akong tungkol dito mula sa mga kasamahan sa trabaho na iyon ay gwapo pero playboy kaya mas lalo akong walang interes na kilalanin ito. Kalahi lamang ito ni Eric at Dave ang mga manloloko kong ex.
"Yes sissy ang yummy nung isang Del Prado na iyon." kinikilig na rin na sabi ni Wendy. Mga akala mo pa nagdedaydreaming ang mga ito.
"Isang Sebastian lang okay na akong madeads sa ligaya." sabi pa ni Bruce na niyakap yakap pa ang sarili na animo iyong Sebastian ang niyayakap.
"Mga baliw talaga kayo pagpogi." inismiran ko ang mga ito.
"Luka pagnakita mo yung papalicious na iyon ay nako talaga, kusa ka ng hihilata at isusuko ang maria!" mahalay na sagot ni Bruce, kinurot ko ito sa tagiliran at parang ibong pipit na nagtitili. "Ay! nako Laura swear talaga pag isang Sebastian ang natikman mo_" kinurot ko itong muli at nagtitili na ito kaya hindi na naituloy pa ang sasabihin.
"Nabaliw na!" natatawang sabi ni Wendy.
"Kapag hindi ka pa tumigil sa betlog mo kita kukurutin." banta ko pa, nanlalaki ang mga mata nito.
"Yuck ka ang barubal mo." tila nandidiri pang sagot nito.
"Ah ako pa ang barubal ha?" sabi ko at akmang kukurutin ito.
"Okay okay ayaw na, mahirap ng mapisak ang kaligayan ko baka walang malasap si papa Hanz ko." sabi nitong inipit pa ang kaligayahan kuno ng mga hita.
Tumawa kameng pareho ni Wendy sa itsura nito. Madalas talagang maglokohan kame sa tagal na rin namin magkakasama sa iisang bahay ay sobrang close na kame sa isat isa.
"Basta sissy ienjoy mo ang stay mo doon, maghanap ka ng papa doon." ani Wendy. "At pasalubungan mo ako ng isang Kano lang ha?" natatawang dagdag nito.
"Saakin kahit walang pasalubong basta, get laid sissy!" anito sabay kindat pa saakin. "Si Sebastian or kung sino man hunky doon go agad."
Gusto kong batukan ito sa kalokohan nito. Hindi pa naman ako desperada para magpa get laid kung kanino. Kung kay Eric nga hindi ako bumigay sa iba pa kaya. Gusto ko pa rin ang traditional na kasal muna bago higa. Hay buhay tatanda yata akong dalaga.
Nagpaalam na ako sa dalawa na matutulog na dahil inaantok na rin ako. Bago pa ako makapasok sa silid namin ni Wendy ay paulit ulit pang sinisigaw ng dalawa ang get laid. Tawa lang ang isinagot ko.
Sa makalawa na ang alis patungong Camilla Amore kaya may oras pa ako para mag gayak ng mga dadalhin ko sa 3 days na pagstay ko doon. Sa Batangas na branch ang pupuntahan ko. Nakita ko sa Brouchure na meron din Camilla Amore sa Boracay at Palawan. Pero ang accomodation ko ay iyong nasa Batangas. Mas okay na rin na malapit lang dahil kung sa Boracay iyon ay baka hindi ko pa puntahan.