Chapter 4

2097 Words
Laura's POV _ _ _ _ _ NAKASAKAY na ako sa bus patungong San Juan Batangas kung saan naroroon ang Camilla Amore. Tumawag na ako sa receptionist ng resort para icheck ang accomodation ko at ineexpect nga raw ako doon. Pakiramdam ko ay VIP ang dating ko tuloy. Nagulat pa ako ng may tumawag saakin mula sa hotel at sinabing susunduin ako. Kaya lamang ay nakasakay na ako ng bus kaya sa Terminal nalang sa San Juan ako susunduin para ihatid ako papuntang Camilla Amore. Kung ganoon ang service nila sa costumer nila ay irarate ko ito ng 10/10. Ilang sandali pa ay huminto na ang bus na sinasakyan namin at nagbabaan na isa isa ang mga pasahero. May isang unipormadong lalaki ang lumapit saakin. Nagtaka pa ako dahil tila kilala pa ako nito. Kunot noo ko itong tiningnan. Ngumit ito at pinakita ang id na Camilla Amore. Tumango tango naman ako. "Ako na po Ma'am Laura ang magbubuhat po ng gamit ninyo." magalang na sabi nito. Grabe ang hospitality ng hotel na pinagtatrabahuhan nito. Pinagbukas ako nito ng pinto ng kotse at sumakay ako. Maya maya ay nasa byahe na kame. Wala na masyadong bahay papunta sa Camilla Amore. Ilang sandali pa ay natatanaw ko na mula sa malayo ang isang hotel na may malaking nakasulat na Camilla Amore. Sa labas pa lamang papasok ng resort ay mamamangha ka na. Very elegant and modern ang style ng resort. Gray, white at gold ang theme ng kulay. Huminto ang kotseng sinasakyan namin sa entrance lobby. Pinagbuksan muli ako ng sumundo saakin ng kotse. May nakaabang na na bellboy agad saamin at isang babae na may dalang kwintas ng bulaklak na mula sa yellowbell flower. "Welcome to Camilla Amore Ma'am Laura." bati ng mga ito saakin at isinuot saakin ang kwintas na bulaklak. "Thank you." nakangiting pasasalamat ko. Iginaya naman ako ng babae papasok sa loob ng lobby ng hotel. Ang Camilla Amore ay hindi kasinlaki ng Cristobal Hotel and Resort. Sa tingin ko ay nasa labing dalawang palapag lamang ito. Ngunit hindi pahuhuli ang ganda nito, very modern pati sa loob. Maging ang malaking chandelier sa loob ng lobby ay nagsusumigaw sa kaelegantehan. Ang isang bahagi ng floor ay salamin at matatanaw mo ang manmade na aquarium kung saan may sofa rin para sa waiting guest. Sumakay kame ng elevator na kulay gold, pagpasok ay muntik pa akong mapanganga sa lalaking nasa loob na niyon. Sa isip ay baka may ground floor pa ang hotel. Nilingon ko ang lalaki tila pamilyar pa sa akin ito hindi ko lang maalala kung saan ko ito nakita. Bigla ay bumilis ang t***k ng puso ko nang tumingin rin ito saakin. Agad akong nagbawi nang tingin at yumuko. "Nandito na po tayo mam sa grand suite." Imporma ng bellboy na may bitbit sa gamit ko. Lumabas kame ng elevator at kasunod din namin ang lalaki. Nilingon ko ito at bahagyang napagmasdan. Gwapo ito at malaking lalaki, sa taas kong 5'4 ay parang nanliit ako dito. Nakapamulsa ang mga kamay nito. Sa suot nito ay parang kahapon pa ito dito. Gusto ko na sanang pagtakhan kung bakit nakasunod pa rin ito saamin. Nang muli akong lumingon ay nasa tapat na ito ng pinto kung saan huminto rin ang bellboy na may dala ng gamit ko. Napailing iling ako sa maling pag iisip. Ang tinutuluyan nito ay ang kwartong katapat ko kaya malamang na nakasunod ito sa amin. Namangha ako sa itsura ng grand suite na ookupahin ko. Para akong reyna sa ganda noon. Sobrang laki ng kama. Matapos maibaba ng bellboy ang gamit ko ay magalang na itong nagpaalam. Nilibot ko ang kabuuan ng suite ko at talagang manghang mangha ako. The bed is king size. Gold ang headboard at puting puti ang duvet at cover pati ang comforter. Sinilip ko rin ang bathroom na may malaking bathtub. The color combination is so elegant white, gold and gray. Lumabas na ako at humiga sa kama, inispread ko pa ang mga hita at braso ko. "This is great!" nakangiti kong sabi. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Bruce. Kanina pa ito nanghihingi ng update, mas excited pa saakin. "Ano nasurrender na ba si Maria?" bungad na sagot nito. "Baliw!" sagot ko. "Goodness sissy sobrang ganda dito." nagagalak na kwento ko. "Sa room palang hindi ko na gugustuhin lumabas." "Oy Laura Alcantara jusmiyo santisima, get laid na!" pumapalatak na sabi nito naiimagine ko na ang hitsura nito. "May gwapo naman akong nakita." kwento ko, at nasa simula palang ako ay halos matulig na ako sa lakas ng tili nito. Buti na lamang at day off nito kundi ay mayayari ito kung nasa trabaho. "Sana kinuha mo na agad ang number at tinext na willing to get laid ka tonight?" sabi nito, may pagkabaliw talaga itong kaibigan ko. "Baliw ka talaga anong akala mo sakin mamasang!" inis na sagot ko kunyari. "Nasa kabilang room ko lang nagstay." sabi ko at inaasahan ko ng titili uli ito kaya inilayo ko na ang cellphone sa tenga ko. "Go na sissy grab the opportunity na, na mabendisyunan." hikayat na sabi pa nito. Pag ito talaga ang kausap ko mahahawa ako ng kabaliwan. "Ayoko nga!" sagot ko. Nagpapalatak ito nang nagpapalatak dahil sa sinabi ko. "Huwag na huwag kang uuwi dito hangang di ka nabebendisyunan." banta nito. "Kay Father na lang ako papabendisyon ang dami nilang agua bendida." biro ko pa, tinawag nito ng seryoso ang pangalan ko kaya alam kong seryoso ito talaga. "Siya sissy babush na wag ka nang mainis magkakawrinkles ka." biro ko pa bago tinapos ang tawag. Lukaret talaga ang isang iyon. Gusto ko lang mag enjoy dito at kalimutan ang pagkabigo sa pag ibig hindi humanap nang ipapalit. _ _ _ _ _ _ BANDANG 2pm nang tanghali nang magising ako, naligo lang ako at bababa ako ng hotel upang maghanap ng kakainan. Sinuot ko ng floral white dress na binigay sa akin ni Bruce alam daw kasi nitong babagay sa akin iyon at akma sa lugar kaya naman binili daw niya. Tiningnan ko ang reflection ko sa salamin, sleeveless ito at medyo mababa ang neckline ng damit at kita ang dibdib ko. Hapit ito sa baywang at pabuka sa bandang laylayan mahaba rin ito. Malalim ang bandang likod nito . Naglagay lamang ako ng light make up matapos iblower ang buhok ko na hangang balikat ang haba. Kaya naman lalong nabigyan laya ang pagkalabas likod na dress ko. Dinampot ko ang shoulder bag ko na white din tsaka ako lumabas ng suite. Paglabas ko ay saktong labas rin ng gwapong lalaki na katapat ng tinutuluyan ko. Nakatingin ito saakin alam ko kahit nakasun glasses pa ito. Ngimiti na lamang ako at bahagyang tumango bilang pag galang dahil parang neighbors kame. Tahimik akong naglakad papuntang elevator alam kong nakasunod din siya sa likuran ko. Halos mapagnabay kameng pumasok sa loob ng elevator. Pumuwesto ako malapit sa pindutan ngunit bago ko pa mapindot ang 1st floor ay nauna na itong pumindot, naramdaman ko pa ang pagdikit ng suot nito sa likod mo halos pigil ang hininga ko ng mga sandaling iyon. Langhap ko rin ang pabangong gamit niya pati ang amoy ng showergel na ginamit pampaligo. Gusto kong pagalitan ang sarili dahil sa pag aanalisa. Nang umandar na ang elevator at dumistansya na ito. I even heard him sighed. Tahimik lang ako kahit na gusto ng kumawala ng puso ko sa pagtibok dinaig ko pa ang uminom ng dalawang tasang kape sa lakas ng pagpalpitate nito. Bakit ba tuwing makikita ko ito ay palagi akong kinakabahan? Ilang sandali pa ay narating nanamin ang lobby. Paglabas ay hindi ko naman alam kung saan ako pupunta para kumain. "Are you looking for a restaurant?" anang tinig sa likuran ko. Lumingon ako at ang lalaki sa katapat na suit ko ang nagsasalita. Ngumiti ako at marahang tumango. Hindi naman siguro ito mapanganib na nilalang kaya walang masamang magtanong dahil gutom na talaga ako. "You can come with me if you want, doon din kasi ang punta ko." nakangiting sagot nito. He had a perfect teeth. Muntik ko ng maisatinig. "I'm Seb?" pakilala nito sa sarili. Tiningnan ko ito pati ang inilahad na kamay mukhang harmless naman ito kaya tinangap ko ang pakikipagkamay. "Laura" tipid na sagot ko. Sabay kameng naglakad papalabas ng hotel at nagpunta sa isang di kalayuan sa hotel na kainan. The restaurant was open parang lahat ng food doon ay paluto style. Pagpasok naman sa orderan ay malalanghap mo agad ang amoy ng iniihaw na pagkain. Typical filipino food na talaga naman ieenjoy mo. "What do you like to eat?" nakangiting tanong nito sa akin kaya lumingon ako dito muntik pa akong mapaatras dahil napakalapit namin hindi ko napansin na nasa likuran niya pala ako dahil preoccupied ako sa kakatingin sa paligid halos madikit ang mukha ko sa dibdib niya. Napipi tuloy ako ng ilang segundo bago nakapagsalita muli. Kahihiyan pa yata ang aabutin ko. Ngumit ako at tumingin ng pagpipilian. Pinili ko ang inihaw na liempo at fried tawilis. Kukuha na ako ng pera ko ngunit mabilis itong nagsalita. "Its on me." sabi nito at kinausap na ang babaeng tsaka sinabi ang order namin. Iginaya ako nito sa bakanteng mesa. Bigla ay gusto kong batukan ang sarili sa pagpayag kong kumain kasama ito. Paulit ulit tuloy nagpplay sa isip ko "Get laid, Laura. Get laid!" na sinasabi ni Bruce. Umupo kame sa hindi masyadong matao, nagtataka rin kasi ako na halos lahat ng makakita rito ay niyuyukuan at tinatanguan ito. Gusto ko sanang mag-usisa ngunit ayoko naman maging tsismosa at usisera sa paningin nito lalo at kanina ko lang ito nakilala. Paimpress ang peg ah" anang tinig sa tenga ko na parang si Bruce pa ang naririnig ko. "So what brought you here?" bigla ay tanong nito. Nilingon ko ito. Masyado itong lingunin lalo na ng mga kababaihan dahil masyado itong gwapo. Ngumiti ako. "Free accomodation." matapat kong sagot. Ngumiti naman ito at tumango tango. "Ikaw?" balik tanong ko, pakiramdam ko kasi pag hindi kame nag usap ay mas lalo akong maiilang sa presensya niya. "Free accomodation." ngiting ngiting sagot nito. Natawa ako sa isinagot nito, pareho pa pala kameng inabutan ng libreng staycation sa Camilla Amore. "Wag mong sabihing nagresigned ka rin sa Cristobal Hotel and Resort at nakatangap ka ng free accomodation dito as gift mula sa mabait na costumer?" usisa ko full attention pa dito. Lumapit ito ng bahagya sa akin dahil magkaharap naman kame. Nakatingin ako dito at inaabangan ang isasagot nito. Kumindat ito, "very typical playboy" anang isip ko pa. Pero sa lahat ng playboy ito ang pinakagwapo. Nasa 6ft pa ang taas kaya may K maging playboy. Gusto kong matawa sa sarili sa naiisip. "No, actually kilala ko ang may-ari." sagot nito, tumango tango naman ako. "So kaibigan mo si Sebastian Del Prado?" hindi pa makapaniwalang tanong ko. Nagulat pa yata ito sa itinanong ko, he looked so disappointed too. Bakit naman? "You don't know him?" seryosong tanong nito. Umiling ako. "No, naririnig ko lang yung pangalan niya since belong siya sa clan ng mga Del Prado but I never see him." "Damn!" mahinang mura nito, nangiwi ako. "Actually halos lahat ng kawork ko ay gwapong gwapo rin sakanya." tila naging interesado pa ang itsura nito sa pagkwento ko. "But mostly ang mga handsome ay playboy, babaero ganun." napaubo itong bigla kaya napangiti ako, pwede na rin kasing tinamaan ito sa sinabi ko since gwapo ito. "Your saying na playboy ang mga handsome? Pati ako?" hindi makapaniwalang tanong nito. "Yes at pati ikaw." parang batang nangasim ang itsura nito. Dahil doon ay natawa ako at hindi ko napigilan ang pagtawa. "And you're more beautiful when you laugh." mahinang sabi nito na nakatitig na pala saakin. Nabitin tuloy ang pagtawa ko, dahil sa sinabi nito. "Magaling rin daw mambola ang mga playboy." nakangiting dagdag ko pa, hindi ko alam pero I find him cute kapag napapasibangot. Ay ang landi, Laura! Magsasalita pa sana ito nang dumating ang mga order nito na pagkain. Sa dami ay halos mapuno na ang mesa namin. May sinigang na sugpo pa at inihaw na pusit. Maliban sa liempo at tawilis ay may gulay rin tsaka inihaw na tuna belly. "Ang dami," tanging nasabi ko nalamang. Nagulat pa ako nang lagyan nito ng pagkain ang plato ko. Sa halip na mailang ay hinayaan ko na lamang ang sarili na ienjoy ang pananatili ko sa Camilla Amore na may isang gwapong lalaki sa harap ko. Kahit papaano ay nawawala sa isipan ko ang panloloko ni Eric saakin. Ngumiti ako at nagpasalamat dito. Masaya pa kameng nagkwentuhan habang kumakain ng late na pananghalian namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD