Laura's POV
_
_
_
_
_
_
MATAPOS kameng kumain ng late na pananghalian ay naglakad lakad kame sa dalampasigan. At habang naglalakad ay nagkwekwentuhan kame. Hindi ko rin alam pero kampante akong nagkwento sa kanya siguro nga totoo ang kasabihan ng iilan na minsan masarap din magkwento sa hindi mo kakilala.
"Iyon yung reason kung bakit ka nagresign sa trabaho?" Tanong nito, hindi ko alam kung galit ba ito dahil sa tono ng tanong nito.
"Wala naman akong choice mahirap iyong naloko ka na pero sila pa yung malalakas ang loob na awayin ako, isa pa kasal na rin sila. " malungkot na sabi ko.
Narinig ko ang mahinang mura nito. Hindi ito umimik at tila seryong seryoso, biglang dumilim rin ang aura nito pati mga mata. May nasabi ba ako na hindi maganda? Napalabi ako.
Kinuwento ko dito ang tungkol sa panloloko ni Eric maliban sa dahilan ni Eric kung bakit niya iyon ginawa daw. Ayoko naman ipangalandakan sa lalaking ito na hello virgin pa ako. Pakiramdam ko kasi hindi na nakakaproud iyon kung palaging iyon ang nagiging dahilan ng pagloloko ng mga naging ex ko.
Inilahad nito ang kamay sa harap ko nagtatakang tiningnan ko iyon. "Let's go!" yaya nito. Nag-aalangan man ay tinanggap ko iyon.
Just for this staycation! Wala naman sigurong masama kung hahayaan ko ang sarili ko. Hindi ko man matukoy pero magaan ang loob ko kay Seb. Kung dahil sa attraction iyon or tinatawag nilang chemistry ay hindi ko alam.
Magkahawak kamay kameng naglalakad sa dalampasigan. Pareho kameng tahimik at pinagmamasdan ang paligid.
Hindi ko alam kung aware ba ito kanina pa na sa tuwing magdadaupang palad kame ay tila may boltahe ng kuryente ang biglang nagsspark. Or baka dahil sa kakabasa ko ng romance pocket book kaya akala ko may ganoon?
"May girlfriend ka ba?" basag ko ng katahimikan namin.
Huminto ito s paglalakad at tinitigan ako tila ba sinisuro kung totoo ba ang narinig. "As of now? Wala.."
Tinitingan ko siya na parang hindi pa makapaniwala. Sa gwapo nito napakaimposibleng walang girlfriend ito ngayon. "Imposible." sagot ko.
Tumawa ito." That's true I am very much single. Walang sabit." nakangising sagot nito at kinindatan pa ako. Playboy na playboy talaga ang loko. Nailing iling nalang ako. "What's that for?" tanong nito.
Kumunot ang noo ko dahil hindi ko maunawaan ang tinanong niya. "Ang alin?"
"Yang pag-iling mo kanina."
Tumawa ako nakita pala niya ako. "Hindi lang ako makapaniwalang single ka." sagot ko.
"That's true, I am single...ready to mingle." nasamid ako sa sariling laway sa sinabi niya bigla ay pumasok sa isipan ko ang pinag-uusapan namin nila Bruce noong kamakalawa sa apartment.
"Don't tell me kaya ka nandito para dyan?" hindi makapaniwalang tanong ko,
"What if..my answer is yes?" titig na titig na sagot nito. Kumurap kurap ako napalunok din ako ng laway na biglang bumara sa lalamunan ko.
"Same." sagot ko hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko para sakyan ang sinabi nito. Muntik na akong humagalpak nang tawa ng makita ko ang reaction nito. Tila hindi makapaniwala ang itsura nito.
Ngumisi ito ng nakakaloko." Let's go?" yaya nito pagdaka.
"Where?" takang tanong ko pa. Tinuro nito ang may batuhang bahagi ng dagat.
Pinanuod namin ang paglubog ng araw mula sa dalampasigan. Kulay red orange ang araw na siyang lalong nagpaganda ng hapong iyon.
Magkahawak kamay pa rin kameng bumalik sa hotel suite namin. Gusto ko tuloy mailang sa tinging ibinibigay ng lahat ng makasalubong namin maging sa elevator kanina.
"Thank you nga pala sa lunch." nakangiting sabi ko hawak pa rin nito ang kamay ko kahit nasa tapat na ako ng pinto ng suite ko.
Nakatingin ito lang ito saakin. Marahas pa itong bumuntong hininga. "I'm sorry for this..."anito na ikinataka ko pa, para saan ang sorry nito?
Nanlalaki ang mga mata ko ng bigla ako nitong hapitin at kabigin ang batok ko tsaka siilin ng halik ang labi ko.
Hindi ako nakakilos kahit na ramdam ko ang pagkilos ng labi niya. Naglock yata ang buong sistema ko maging ang utak ko ng ilang segundo. Patuloy pa rin ito sa paghalik at unti unti ay natatangay na ako. Goodness hindi ko akalain na makikipaghalikan ako sa taong kanina ko lang nakilala. Kusa nang tumugon ang labi ko kaya naman mas lumalim ang halik na namamagitan saamin.
"Damn..." usal nito matapos bitiwan ang labi ko. "Go inside Laura, bago pa magbago ang isip ko." nahihirapan pang sabi nito na tila ba milyong milyon na pagpipigil ang ginawa nito.
Nang mapasok ko ang keycard at bumukas ang pinto ay pumasok na ako sa loob hindi ko na siya nagawang lingunin at nilapat ko na ang pinto.
Nakatayo pa rin ako sa pinto at ipintong ko ang ulo dito. Mariin akong pumikit. Goodness Laura nakipaghalikan ka talaga? kastigo ko sa sarili.
Impit akong napatili sa isip nang kapain ko pa ang labi ko. He's a good kisser. Iba itong humalik sa halik na namagitan saamin ni Eric noong kami pa. He's so gentle tipong ninanamnam ang bawat segundo at walang pagmamadali.
Lukaret ka na talaga Laura! naiinis na sabi ko. Sumampa ako sa kama at isinubsob ang mukha sa unan. Nakailang hampas pa ako sa tuwing maaalala ng isip ko ang namagitan na halik sa amin. "Ahhhhhh" tili ko.
"Kasalanan mo talaga to Bruce eh!" inis na dagdag ko pa. Paninisi sa kaibigan na maimpluwensya sa kahalayan. "Ano nalang ang sasabihin ng puri ko? Sa mga exes ko hindi ako bumigay tapos kay Seb parang bibigay agad?" kausap ko pa sa sarili ko. "Ay naku talaga!"
Bumangon ako at tinungo ang banyo upang maligo. Nang pumasok ako sa loob ng banyo ay pinagmasdan ko pa ang sarili ko sa whole body mirror. Dinama pa ng daliri ko ang labi ko na hinalikan nito, pumikit ako na paulit ulit na nagbabalik sa diwa ko ang halik na iyon. Its way different sa halik ni Eric, iyong kay Seb puno ng init at tatangayin ka talaga.
Binuksan ko ang gripo ang at hilamos, pati ang isip ko ay naiinfect na talaga ni Seb. Ilang beses kong binasa ng tubig ang mukha ko. I even calmed myself para mabura kahit papano sa alaala ko ang halik na iyon maging ang init na nilikha non'.
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Sebastian's POV
NALIGO agad ako matapos pumasok sa suite ko pakiramdam ko ay iyon ang tanging way para maibsan ang nararamdaman ko.
Tumunog ang cellphone ko at dinampot ko iyon tsaka sinagot ang tawag. It's Sean. Napailing ako.
"Itetext mo pa talaga ako at sasabihing hindi ka makamoves. Come on Seb, not the typical you!" ani Sean sa kabilang linya.
"f**k you!" inis na mura ko. Tumawa ito halatang nasisiyahan sa pagdurusa ko.
"I did my part to get her there, tapos hindi ka makamoves?" sabi pa nito sa tonong nang-aasar o insulto.
"Well, we kissed." pagmamalaki ko pa.
Tumawa ito nang tumawa. Kung kaharap ko lang ito malamang nasakal ko na ang asawa ng pinsan ko. "Hindi nga ako nagkamali, natitiyak kong titino ka na!" pang-aasar pa muli nito.
"f**k you!" mura ko uli. Hindi ako ang tipo ng lalaki na nababalewala ang karisma. Lahat ng babae ay nakukuha ko ng kusa at after s*x wala na. Hindi naman ako babaero talaga pero dahil mga babae na ang lumalapit saakin ay sino ba naman ako para tumanggi? Kaya binansagan ako na playboy dahil doon. Hindi naman kasi ako tumatanggi sa grasya isa pa hindi rin naman ako committed sa kahit na sino. They can come and go.
"We will see Del Prado!" tumatawa pa rin ito. Ano nga bat nakisuyo pa ako rito na ibigay kay Laura ang accomodation na iyon sa Camilla Amore ng malaman kong nagresigned na ito. Agad agad ay pinafax ko sa Camilla Amore ang accomodation package ng resort para maipabigay dito.
Simula nang makita ko ito ay hindi na nawala ito sa isip ko to the point na nagstay pa ako sa hotel nila Sean para lang makita ito. Desperado na daw siya pang-aasar pa sakanya noon ni Sean. Hindi ko rin maunawaan ang sarili siguro dahil hindi ko pa ito maikama kaya nahihirapan akong alisin ito sa sistema ko. At once maikama ko na ito natitiyak kong kagaya lamang ito ng mga babaeng dumaan sa buhay ko after s*x ay ayaw na ko na rin.
"Asikasuhin mo nalang ang lovelife mo sa pinsan ko." pang-aasar ko pa.
Nagmura ito sa kabilang linya. "Well I have a very active s*x life!" pagmamalaki pa nito.
"Siraulo!" mura ko.
"Sige na balitaan mo nalang ako kung nakamoves ka na! O baka naman gusto mong turuan pa kita kung papaano?" minura ko ito muli at hagalpak lang ito ng tawa.
"No need bro, saatin dalawa mas bihasa ako pagdating sa ganyan!" ito naman ang nagmura dahil sa isinagot.
"I forgot, babaero ka nga pala." sarcastic na sabi nito. "Galingan mo ha, magrobust ka para swak!"
"f**k you!" mura ko, muli lang itong tumawa.
Tinapos ko na ang tawag at nagpunta sa lagayan ng alak sa personal suite ko. Nagsalin ako at inisang lagok iyon. Ngayon lang ako nafrustrate sa babae, para akong batang takam na takam dahil kakapiraso lang ang natikman.
"f**k!" mahinang mura ko. Kinuha ko na ang bote at doon na lumagok.
Nang malaman ko ang dahilan ng pag-alis nito sa pinagtatrabahuhan ay halos madurog ko ang mga ngipin ko sa galit. Ang tarantadong ex nito ay nakuha pang magloko at ipagpalit ito.
Lalo akong nainis ng maalala ang nakalap kong impormasyon tungkol dito na umabot ng Tatlong taon ang relasyon nito sa gagong ex nito. I can't even imagine how they kiss or even s*x! Putangina! Mura ko sa isip. Ang isiping ito at ang boyfriend nito dati na nasa intimate situation ay halos mabasag ko na ang boteng hawak ko.
Binuklat ko ang phone ko at binuksan ang gallery. Napangiti ako nang makita ang larawan na kuha ko dito stolen shot iyon, hindi ko rin maunawaan ang sarili ko kung bakit ko iyon ginawa. Marahil ay dahil pinagnanasaan ko talaga ito. Muli kong nilagok ang alak.
"You will be mine soon. And I'm gonna make love to you till morning." Sabi ko habang tinititigan ang larawan nito.
"Damn d**k!" mura ko nang maramdaman ang erection ng p*********i ko. Para na akong baliw na pati sa larawan niya ay nagnanasa. Kailangan ko na yatang magpadoktor soon.
Naisuklay ko ang kamay sa buhok ko sa sobrang frustrated. Tinungo ko ang banyo at muling naligo upang maalis ang init na nararamdaman.
Para akong batang mas lalong natatakam nang mahalikan ko ito kanina pakiramdam ko any moment ay sa kama na kame hahantong. Her sweet and soft lips na lalong nagpapainit sa katawan ko, kaninang dumikit ito ng husto saakin halos mabaliw ako sa mabangong amoy ito. Ang malalambot na balat nito, f**k I am getting horny by just thinking of her.
Pakiramdam ko obssessed na ako sa kanya, maging ang scents niya ay hinahanap ko at nagpapataas ng libido ko.
"You will be mine soon baby....and I will make love to you till dawn." usal ko tsaka lumagok ng alak.