[APOLLO CASH'S P.O.V.] Since Vivian decided to continue our relationship too, I became more happy. Hindi muna ako nagpapakita kina Mom at Dad. Hindi ko alam kung alam na ba ni Dad kung ano na naman ang katarantaduhan na nagawa ko, pero wala na akong pakialam pa sa kung ano ang gagawin nila sa akin. Alam ko naman na hindi titigil si Mom hangga't hindi kami napaghihiwalay ni Vivian. Hindi na muna nauwi si Vivian sa condo unit niya. Ang sabi niya sa akin ay hindi siya mapakali kapag maiiwan siya roon na mag-isa. Pakiramdam daw niya ay may biglang pupunta roon at susugurin siya habang wala ako. Kaya hinayaan ko na lang na narito siya sa bahay ko. Kapag nasa trabaho ako ay nasa mansiyon siya mag-isa at doon nagkaklase. Nagpa-request ako na mago-online class na lang muna si Vivian. Ang sabi ko

