Nang matapos ang klase ay lumabas na ang professor. Mabuti na lang at nagawan ng paraan ni Apollo na makapagklase pa rin ako nang hindi nalalaman ng mga kaklase ko. Mas mabuti nang alam nila na may sakit ako ngayon kaya hindi ako makapasok. Pwera kay Shaicy. Malamang ay alam naman niya kung ano ang tunay na rason kung bakit hindi ako makapasok ngayon. Hindi ko alam kung hindi ba talaga niya ikakalat o baka patibong niya lang din ‘yon. Wala na akong tiwala pa sa kahit na kanino, bukod kay Apollo at Tiffany. Sila na lang talaga ang maasahan ko ngayon at wala nang iba pa. Lumabas din ang ibang mga estudyante. Break time nga pala nila ngayon? Pero nang tingnan ko ang orasan ay hindi pa naman ngayon ang oras para sa break time. Nagtaka naman ako kung ano ang mayroon. Saka ko narinig sa isang

