[APOLLO CASH'S P.O.V.] "Mr. Apollo! Ang sabi ng security team natin ay iisang IP Address lang ang sender na ito sa nagpadala ng email sa kumpaniya natin noong December. 'Yong litrato ng Cashland Company na nasusunog. Hindi rin nila mahanap ngayon kung saan naka-locate ang sender na ito. Nahihirapan sila na alamin ang mga impormasyon tungkol sa nagpadala," pagbabalita agad sa akin ni Tiffany. Ibinulong niya lang 'yon sa akin, nang sa gano'n ay hindi marinig ni Mr. Shin. Naikuyom ko ang aking kamao. Nanatili ako na nakatitig sa screen ng computer, kung saan naroon nakalagay ang 'HELLO, USA' na mensahe. Malakas ang kutob ko na sinadya ng taong ito na ipadala ang ganitong klase ng mga litrato, dahil alam niyang makikita ko. Alam niya kung ano ang kilos na gagawin ko dahil sa ginawa niya. Ngay

