[Louise] Dalawang araw na mula nang magalit sa Azellus. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagpaparamdam. Hindi niya sinasagot ang tawag at text ko. "Louise, namamayat ka na. Pumapanget ka na, oh. Kumain ka na kasi ng maayos," sabi ni Yen. "Dalawang araw ka ng nagkukulong dyan sa kwarto mo." Masakit, e. Bakit kung kelang mahal ko na siya at na-attached na ako sa kaniya, saka siya mawawala? Ang sakit sakit kasi seryoso ako sa kaniya at totoo ang pinapakita ko. Inaamin ko na mali din ako dahil hindi ko man lang naisipang sabihin sa kaniya ang tungkol kay Berry. Na hindi talaga ako ang una niyang nakaka-text. Sa sobrang saya ko kasi sa kaniya, hindi ko na naisip na gawin iyon. "Sinabunutan ko nga pala ang baklang Berry kanina no'ng nakita ko sa campus. Echosera siya!" Tumingin ako kay Y

