bc

The Substitute

book_age16+
1.0K
FOLLOW
2.5K
READ
drama
sweet
humorous
like
intro-logo
Blurb

Nagsimula sa pagpapanggap dahil sa isang pabor. Pumabor din kaya si Kupido at ang tadhana?

Si Louise na hindi inaasahang mahulog ang loob sa taong hindi talaga nakalaan para sa kaniya. Si Azel na nahulog sa maling babae na inakala niyang siya na ang para sa kaniya. Si Berry na nagmamay-ari ng boses kung saan nahulog si Azel.

Paano iikot ang mundo sa pagitan nina Louise at Azel sa gitna ni Berry?

chap-preview
Free preview
Episode 1
[Louise] Ikinabit ko sa tainga ko ang earphone ko. Then I maximize my iPod's volume. Nakakasawa na kasing makinig sa mga kwentuhan ng mga barkada ko. Mapa-babae, mapa-bakla, iisa ang topic. Jusko! Yung crush na crush nilang si Azellus Bejo na barkada ng bestfriend kong si Rica. I have circle of friends. Sila nga, ang nagba-baklaang sina Apple at Berry. Nickname nila 'yan. Mahilig sila masyado sa fruits. Kasama sina Rica, Yen and Grace. We're college friends. Nagkakila-kilala lang kami dahil magkakaklase kami. Iyong Azellus Bejo na pinagkakaguluhan nila, highschool barkada ni Rica na pinakilala lang ni Rica thru f*******:. Itong mga 'to kase, nabalitaan na may mga gwapong barkada si Rica. Kaya ayun, ngayon para silang mga baliw na nakatitig sa f*******: profile no'ng lalaking wala akong kainteres-interes. Syempre. Loyal ako kay Brent--yung 'di naman ka-gwapuhan na crush na crush ko. Kaso 'di siya aware. Okay naman na sa'ken na nakakausap ko siya. Classmate namin siya sa dalawang subject. Hindi ko alam ba't ang lakas ng appeal niya sa'ken. Siguro dahil magaling maggitara at kumanta. Wa pakels naman ako sa itsura eh. "Hoy, Louise! Tingnan mo na'to, dali!" Sigaw sa'ken ni Rica. Pinagmamalaki talaga niya yung mga highschool barkada's niya. Sumimangot ako saka tinanggal ang earphone sa tainga ko. "Ayoko! Gwapo lang 'yan! 'Di naman 'yan nakakain. Tsaka, loyal ako kay Brent 'no!" Sigaw ko. "Wooooo! Brent ka d'yan! Sa dami-dami naman ng guys sa earth, 'yun pang chaka ang feslak!" Sabi ni Apple--isa sa bakla. Akma ko siyang babatuhin ng iPod ko. "May itsura naman si Brent 'no!" Sigaw ko. Para kaming mga tangang nagsisigawan samantalang magkakalapit lang kami. Naroon sila sa dining table. Nakapatong kase sa mesa 'yung laptop. Pinagnanasaan nila sa f*******: 'yung highschool barkadas ni Rica. Para sa'ken naman, hindi mahalaga ang itsura. Mas malakas ako ma-attract sa mga lalaking may talent. Tulad nga ni Brent. Lagi nga nila akong inaapi. Sa-sama! Ganda-ganda ng upo ko dito sa sofa sa living room. Kitang-kita lang naman sila since narito kami sa condo unit ko na regalo sa'ken ni Mama. Nasa Laguna ang family ko, well, doon talaga ako. Si Rica, taga Laguna din. Magkaibang lugar lang sa Laguna kaya siya ang pinaka-close ko sa lahat. Kasi nga noong naging friends kami ngayong college, nagkakilanlan. So nung malaman kong taga-Laguna rin siya, kapag weekends, nagsasabay na kami umuwi. Tapos two times na akong nakapunta sa bahay nila sa Laguna. Sina Apple, Berry, Grace at Yen kase, laking Manila na kaya wala silang probinsya. Noong pasukan noong first sem, naghanap si Rica ng dorm. Since ako lang naman ang nakatira dito sa condo unit ko, niyaya ko nalang siya na dito tumira. Sa maikling panahon na nakilala ko siya ay naka-close ko naman agad siya dahil halos magka-ugali kami. Maghahati nalang kami sa bayad sa bills like kuryente and tubig. Malapit naman sa university na pinapasukan namin ang condo ko. Walking distance lang kaya pumayag na din si Rica. Kaya ay'on tuloy, lalo kaming naging close. Para na kaming bestfriends, tho, barkada talaga tawagan namin. "Te! Lahat naman may itsura, kaso iyong Brent mo, hindi kaaya-aya ang itsura! Ang ganda ganda mo. 'Di kayo bagay!" Sabi naman ni Berry--isa ring bakla. "Grabe talaga kayo! Sobra n'yong laitin si Brent! Eh crush ko nga siya eh. Tsaka, head over heels ako do'n!" "Hay nako, alam namin! Noong first sem pa 'yang nararamdaman mo sa Brent na 'yon! Hindi mamatay-matay 'yang feelings mo do'n! Jusko, walang forever!" Sabi ni Berry. "Ang sabihin mo, love is blind talaga!" Komento naman ni Yen. Inirapan ko nalang sila. Ano bang magagawa nila kung na-attract ako kay Brent. Ang lalaking crush na crush ko. Hay! Sana makita ko siya sa campus bukas! Dumaan ang weekend, dalawang araw ko din siyang hindi nakita. "Ahhhhh! Ohmaygad! Ang gwapo rin nitong Carl! Akin nalang 'to!" Tili ni Apple. Jusko, nagkakagulo na talaga sila sa mga lalaki. Kung sabagay, single naman kaming lahat. Free lumandi at tumili, mag-pantasya. Tulad ng pagpa-pantasya ko kay Brent. Nagtatawanan lang sila kasabay ng pangungumbida ni Rica. Proud na proud talaga siya sa mga highschool barkadas niya na never ko pa naman na-meet except doon sa bestfriend niyang si John na included din doon sa barkada niya kahit nakapunta na ako sa bahay nila. Sa pagkukwento kasi ni Rica, madalas ang mga 'yon sa bahay nila. Mga taga-Laguna din at doon napasok ng college. "Sabi sa inyo gwapo 'yan eh! Oh, sama kayo sa'kin sa weekend, naku! Papatunayan kong hindi photoshop ang mga picture ng mga 'yan!" Sabi ni Rica. Napailing nalang ako. Bahala kayo d'yan. Photoshop man o hindi ang mga mukha ng mga 'yon, kay Brent pa din ako. Itinatak ko na sa pader ng kwarto ko, ako, si Louise Madrigal ay magiging loyal lamang kay Brent Santos! "Ohmaygad! May number ka ba nila? I'm gonna die!" Sigaw ni Berry. Aish. Panira ng moment. "Oo naman! Barkada eh. Gusto niyo ba? Basta magpapakilala kayong barkada ko kayo ha?" Sabi ni Rica. Aba, namigay pa ng cellphone number. Nalintikan na. Lahat sila kinikilig tapos ako eto, nabo-boring. Gusto ko ng mag-bukas para makita ko na si crush. "Ikaw, Louise? Gusto mo ng number nila?" Tanong ni Grace. Mga 'to talaga. Hindi ba halata sa'kin na hindi ako interesado? Umiling ako at ngumibit. "No thanks. May number na ako ni Brent." Sagot ko. "Hmp! Puro ka nalang Brent! Tinatanggihan mo ang grasya! Here oh! Mamimili ka nalang. Shemay!" "Talaga!" Sigaw ko. "Crush mo nga tapos 'di ka naman crush. Bongga nga ni Brent mo, choosy pa! Sa ganda mong 'yan ha! Sa panahon talaga ngayon, 'yung mga chaka ang feslak, nagiging choosy na rin!" Hindi ko na sila pinansin. Ewan ko sa inyo. Si Brent kasi, walang interes sa'kin. May nililigawan yata--according sa source. Pero 'di naman ako nawawalan ng pag-asa saka crush ko lang naman siya. Okay na sa'kin ang mapansin niya at makausap ko siya. Itong mga barkada kong laging ini-invade ang condo unit ko? Mamatay kayo sa kilig d'yan, basta ako, tahimik. Hindi ko kailangang sumambot ng grasya na sinasabi nila. [Azellus] Tangina namang thesis 'yun. Sakit sa ulo. Ayoko na nga mag-aral. Tch! "Hoy pare, na-lugaw utak ko do'n!" Sabi ni Carl. Kakatapos lang ng klase namin. "Ako ba hindi? Putek! Ayoko na pumasok!" Sabi ko. Inakbayan ako ni John. "Gago ka ba? E'di nalagot ka sa parents mo." Tch. Hirap maging bunso eh. Sa'kin nakatutok sina Mama at Papa. Palibhasa ako nalang ang pumapasok ng college. Nakakabadtrip pa, hindi ko talaga gustong pumasok dito sa'min ng college. Gusto ko nga sana sa Manila kaso ayaw akong payagan. Baka daw malulong lang ako sa bisyo o sa barkada. Mabuti na raw dito sa Laguna para nakakauwi ako araw-araw sa bahay namin at namo-monitor nila ang pagpasok ko. Badtrip! "Hindi ka pa rin ba pinayagan mag-transfer sa Manila?" Tanong ni Josef. Umiling ako. "Hindi nga eh. Nakaka-badtrip. Forever Laguna na tayo brad." "E'di may forever pala? Wahahaha!" Asar ni Carl. "Gago!" Sigaw ko. Tangna naman pagkagaling sa campus, uwi sa bahay. Wala man lang magalaan. Hindi tulad sa Manila. Sumakay na ako sa kotse ko. Regalo sa'kin ni Papa nung pagka-graduate ko no'ng highschool. Medyo malayo rin naman kasi 'tong university ko sa bahay. Mga one hour drive din. Sina Carl, John at Josef may mga sasakyan din. Mga rich kid din na ayaw payagan mag-college sa Manila. Palibhasa, family friends mga pamilya namin. Malamang sila-sila na nag-usap na 'wag kami papasukin sa Manila. Tangna naman. Eh mula elementary, barkada ko na'tong tatlong 'to dito sa Laguna. Hindi naman sa ayaw ko silang nakakasama pero mas maganda 'yung new people, new surroundings..gano'n! Pero asa pa'ko. "Pa'no, pare? Una na ako." Paalam ni Josef saka sumakay sa kotse niya. "Brad, sasabay ako sa'yo ha? Natamad ako magdala ng sasakyan kanina eh. Walang gas." Sabi ni Carl na nakangisi. Mukhang gago. "Oo na." "Mga brad, ingat. Una na din ako." Paalam ni John. Tumango lang ako saka sumakay sa kotse ko. Sumakay na rin sa passenger seat si Carl. Para ko na ring kapatid ang mga 'to. Dinukot ko ang phone ko saka ipinatong sa dashboard nang biglang tumunog ang message tone niyon. I checked it first bago paandarin ang kotse ko. From: Rica Uy, Azel! Sorrrrrryyyyy! Kumunot ang noo ko. Ba't nagso-sorry 'tong babae na'to? Si Rica nga pala, bestfriend ni John kaya naging ka-close na namin. Halos maging barkada na rin namin siya noong highschool kami. Nahiwalay lang sa'min ngayong college kasi sa Manila siya pumapasok. I tapped the call button and wait for her to answer my call. "Hello!" Sagot niya sa kabilang linya. "Oh, Rica? Ano 'yung text mo? Ba't ka nagso-sorry?" Tanong ko. Napansin kong nakatingin sa'kin si Carl. Crush nito si Rica, matagal na eh. Wahaha! 'Di lang maka-porma dahil kay John. "Kasi ano.." "Ano?" "Pinamigay ko number mo sa mga barkada ko dito eh. Kasi naman nakita nila kayo sa f*******: kaya ayun. Mga kinikilig eh. Sorrrryyy!" Natawa nalang ako. "Iyon ba? Okay lang 'yun! No problem." "Talaga? Re-replayan mo kapag tinext ka nila ha? Haha! Thank youuuuu!" Tuwang-tuwang sabi niya sa kabilang linya. May pagka-jolly din talaga 'tong si Rica. Hindi maitatangging maganda talaga siya. Lagi nga siyang muse ng klase noong highschool kami tapos ako ang escort pero hindi ko siya type kaya 'di ako tinamaan kahit buong highschool, lagi naman siyang kasama. Etong si Carl ang talagang tinamaan kaso si John, may something kay Rica kaya hindi na maka-porma. Sa mga nanghihingi ng numbers ko, wala na naman sa'kin 'yon. Sanay na ako eh. Yeah, hindi naman sa pagyayabang talaga, pero isa ako sa hearthrob sa school. Noong highschool pati ngayong college kaya sanay na ako sa atensyon ng mga babae pati sa pagkuha nila ng cellphone number ko. "Brad? Ano 'yung sabi ni Rica?" Tanong agad ni Carl pagkapatong ko ng phone ko sa dashboard. Sinimulan ko ng magmaneho ng kotse ko. "May pinagbigyan daw siya ng number ko. Ayu'n, pinaalam lang." "Naks! Lakas ng genes, brad." Natatawang sabi niya. "Ako pa." I said smirking. Azellus Bejo at their service. Hindi naman ako malandi pero nakikipag-fling din naman ako. Nakikipag-text din ako at nakikipag-tawagan. Nakikipag-meet and date like what the usual things na ginagawa ng college students. Iba-ibang babae nga nakakasama ko linggo linggo lalo na kapag weekends. Pero kahit gano'n ako, may balak naman akong mag-seryoso sa isang babae. Iyon ay kapag nahanap ko na ang 'the one' dahil sa ngayon, alam kong wala pa at 'di ko pa siya natatagpuan. I know it sounds gay but, that's the fact about me when it comes to love. [Louise] "Brent! Hoy, kamusta?" Ngumiti siya sa'kin. Naka-braces siya kaya laglag panty na naman ako. Kumikislap-kislap kasi siya. Mala-edward cullen ang peg. Haha! "Uy, Louise? Okay naman." Ano bang pwede pang sabihin para humaba ang conversation namin? Nemen! Bakit kasi 'pag kausap ko si crush, nauubusan ako ng topic eh isa ako sa laging naka-lista sa pinaka-maingay nung highschool ako. "Ah, eh.." Napakamot ako sa ulo ko habang alanganing ngumiti sa kaniya. "Ha?" Shetness naman! "Ano, may assignment ka ba? He-he." Ay, grabe. Ka-turn-off 'tong moves ko. "Ah, oo! Meron. Ikaw ba?" "W-wala pa eh. Pwede bang pa-kopya? Napuyat kasi ako kagabi. Ang dami ko kasing ginawang activity sheets dun sa isa kong subject." Nag-pout ako. Pampa-cute lang. "Sure! Eto." Inabot niya sa'kin 'yung notebook niya. Okay, kinikilig ako. Nahawakan ko notebook niya! Bago pa ako mag-hyperventilate, umayos na ako ng pagkaka-upo saka kinuha ang notebook ko. Kokopyahin ko kunwari ang assignment niya pero meron na naman talaga ako. Dumada-moves lang talaga ako. Syempre, para mapansin ni crush. "LOUISE!" Di pa man natatapos ang kilig feels ko nang marinig ko ang boses ni Rica. Lumingon ako sa pintuan kung saan natayo siya roon. Hindi kasi kami magka-klase sa subject ko ngayon. "Oh?" I mouthed. Sinenyasan niya ako na lumapit sa kaniya. Panira naman talaga ng moment eh! Eto na oh, nagmo-moment kami ni Brent. Pero dahil no choice ako, tumayo na ako at lumapit sa kaniya. "Bakit? Panira ka naman eh. Kita mo oh, ang sweet sweet namin ni Brent do'n." "Feeler mo talaga! Haha! Pero.." "Pero?" Para siyang natataranta. "I need your help!" Aniya. Kumunot ang noo ko. "Help? Saan?" Nag-aalangan siyang sabihin sa'kin. Parang nagdadalawang-isip pa siya na hindi maintindihan. "Kasi.." "Ano nga? Baka dumating na professor ko!" Sabi ko. "Sub ka muna." "Sub?" "Ikaw muna mag-substitute kay Berry!" Sigaw niya na natataranta. Naguluhan ako lalo sa sinasabi nitong babae na'to. "Substitute saan?" Hinila niya ako papalapit sa kaniya saka bumulong sa'kin. It takes one minute bago nag-sink-in sa utak ko ang binulong niya. "NO! NO!" Sigaw ko. Napatingin tuloy ang iba kong classmate sa'min. "Sige na! Naku, ikaw nalang pag-asa ko!" Pilit niya. "Ayoko, Rica." Tanggi ko sa binulong niya. "AYOKO!" Nag-back-out na ako at pumasok muli sa room ko. Naupo ako at hindi na nilingon si Rica. Alam naman niyang 'pag ayoko, ayoko. Napasimangot ako sa binulong niya. Substitute? Ako? Letse, ayoko nga!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.0K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook