Episode 2

1741 Words
[Louise] Dahil nasira ang moment namin ni Brent kanina, nakasimangot akong dumating dito sa condo ko. Naabutan ko sina Rica, Berry at Yen. "Oh, nakabusangot ang feslak?" Tanong ni Berry. "Kasi itong si Rica eh. Moment na namin ni Brent kanina, sinira pa! Ano ba 'yung sub sub na 'yun na sinasabi mo?" Tanong ko. Talaga naman eh. Ganda ganda na nga ng bonding namin ni Brent. Nangongopya ako sa assignment niya habang siya ay nasa tabi ko. Napaka-sweet sana! "Naku, girl! Si Papa Azellus kasi eh.." "Ano?" Tanong ko. Ibinaba ko ang bag ko sa sofa saka naupo. Nakakapagod ang araw na ito tapos 'di ko na ulit nasilayan si crush. "Ganito kase.." Panimula ni Rica. "Diba aware naman tayong lahat na si Berry ay bakla." Nag-pokerface ako. "Hindi lang naman tayo ang aware. Kahit naman sinong makakita d'yan, malalaman na bakla. Tingnan mo nga, isang buong lipstick yata inubos sa nguso." Sabi ko. "Aray ko be!" Sabi ni Berry. Nagtawanan lang sina Rica at Yen. Ako, eto nakasimangot. Ano ba kasing pinasok na gulo ng mga 'to? Tapos dinadamay ako. "Ayun nga. Tapos boses babae siya 'di ba? Eh, kinuha din niya ang number ni Azel. Tapos ayun, tinext niya. Text text sila tapos nagtatawagan na rin sila minsan. Hindi alam ni Azel na bakla siya since parang babae ang boses niya. Ayun." Okay. Si Berry ay bakla pero boses babae siya dahil pinanganak na siyang bakla. Haha! Ang tunay niyang pangalan ay Robert kaya naging Berry. Lalaking-lalaki kasi pangalan. "Oh ano namang kinalaman ko doon?" Napakamot sa ulo ang tatlo. Para namang mga ewan ang mga 'to. Aba, malay ko ba sa pinagsasasabi nila. "Tinatanong na kasi ni Azel kung anong pangalan ni Berry. Hindi naman masabi ni Berry." Sabi ni Rica. "E'di sabihin niya, siya si Robert na malapad ang noo!" Sigaw ko. Humagalpak sila ng tawa. Mga baliw. 'Yang si Robert, gustong gusto pa niya na sinasabihan siyang malapad ang noo eh. "Hindi kasi 'yun, Louise. Nagpapanggap nga siyang babae eh! Alangan na ang ibigay niyang pangalan ay panlalaki." Sabi ni Yen. "E'di sabihin niya, Berry. Oh pambabae 'yon." Sabi ko. "I-se-search nga kasi sa f*******: ni Azel eh. Nangungulit na nga. Kaya 'tong si Berry problemado. Love pa naman niya si Azel." Sabi ni Rica. Huminga ako ng malalim. "Oh, eh ba't ako? Andyan naman si Yen. Si Grace?" "Hindi pwede kasi nakatext na din nila si Azel eh. Friends na sila sa f*******:. Ikaw nalang ang hindi kaya ikaw nalang ang pag-asa namin." 'Yung mukha ni Rica para pang nagmamaka-awa. Umiling ako. "Ayoko! Ayoko ng mga ganyan eh." Tanggi ko. Hindi naman sa ayaw ko silang tulungan pero jusko, ayokong maging substitute ni Berry 'no! Siya ang nakakausap tapos ako ang mai-imagine nung Azel na 'yon kapag ako pinakilala nila? Ayoko nga talaga. Tsaka, baka masira ang diskarte ko kay Brent! 'Di pwede. "Sige na, Louise. One year supply ng starbucks coffee!" Alok ni Berry. "Hindi ako nagka-kape." Sagot ko agad. "Grabe girl! Kaya pala napakarami mo ng planner na tatak starbucks!" Sigaw ni Berry. Eh, kasi naman! "Ayoko nga kasi." "Hay naku! Hindi mo alam kung gaano ka-gwapo si Azellus. Tingnan mo oh!" Sabi ni Yen saka hinarap sa'ken ang iPad niya. 'Di ko naman tiningnan. Nakatingin na ako sa phone ko dahil nag-GM ako pero kay Brent ko lang sinend. Papansin ba. "Hoy, bruha! Tingnan mo 'to!" Umiling ako. "NO." Nakatutok pa rin ang tingin ko saphone ko. Umaasa na magrereply si Brent. "Nagsasayang ka ng blessing, girl! Bahala ka nga." Sabi ni Rica. "Hmp! Kausapin ko nalang si Papa Azel mamaya na bigyan pa nya ako ng time." Narinig kong sabi ni Berry. Kilala naman nila ako eh. Kapag ayaw ko, ayaw ko talaga. Ayokong pumasok sa magulong sitwasyon. Ayoko din na gamitin nila ako para pantakip sa identity ni Berry. Landi pa kasi eh! Dapat una palang, umamin na siya kung sino siya. Ayan tuloy. Ikinabit ko sa tainga ko ang earphone ko. Bahala sila d'yan. Magpantasya pa sila kay Azellus na 'yun. Mamaya na ako magpapalit ng damit. Baka magreply si Brent. Eh, jusko! Ayokong mag-late reply sa kaniya kahit one minute lang. [Azellus] Nakakabadtrip. Puta! There's one girl na lagi kong nakakatext at nakakausap pa nga via call. Barkada daw ni Rica sa Manila. Kaso ayaw naman magpakilala. Pangalan nalang nga, 'di pa niya mabigay. Masarap siya kausap, aminado ako. Pero hindi naman sa may gusto ako. Curious lang talaga ako kung sino 'yun. Pa-mysterious eh. "Hoy brad. Lalim ng iniisip ah." Puna ni John. "Ito kaseng ka-text kong barkada ni Rica, ayaw ibigay pangalan niya. Para ma-search ko sana sa f*******: at ma-add. Para makita ko din ang itsura niya." "Baka panget brad?" Singit ni Carl. "Ewan ko. Naku-curious lang ako eh. Tinatanong ko nga si Rica. Ayaw din namang sabihin. 'Yung dalawa pa niyang barkada na nakakatext ko na din, 'di naman ganito. Nagpakilala nga agad eh. Friends ko na din sa facebook." Kapag ganito pa namang curious ako, lalo akong nangangati na alamin kung ano o sino. "Naku, brad. Pustahan tayo panget 'yan kaya ayaw magpakilala." Sabi ni John. Tch. Ewan. Baka nga? Pero malay ko ba. Masarap naman kasing kausap. Ma-kwento at nakakatawa eh. Gagawa nga ako ng way para alamin pangalan nun. "Pilitin mo nalang si Rica." Sabi ni Carl. "Bahala na. Oh, shot na!" Sabi ko. Nag-iinom kami dito sa bahay namin. Madalas dito ang mga barkada ko. Boring kasi 'pag wala sila dito. Napakatahimik dito sa bahay. Madalas din ngang dito na sila nag-o-overnight lalo na si Carl. "Shot!" Sigaw nila. Malalaman ko din kung sino ang nakakausap kong 'yun. I have my ways. [Louise] Ngiting-ngiti ako kasi nag-goodmorning ba naman si Brent. Ang ganda tuloy ng umaga ko. Pero mas maganda sana kung walang nakalagay na GM sa pinakababa. Haha! "Oy, ngiting-ngiti ka?" Puna ni Rica. "Sino ba ang dahilan ng bawat ngiti ko?" Umirap siya. "Si Brent na mukhang paa na naman?" "Grabe, Rica. Mukhang paa agad? Ang gwapo kaya ni Brent!" Tho, sanay naman akong nilalait nila si Brent, gusto ko pa ding ipagtanggol siya. Crush ko 'yun eh. Tinaasan niya ako ng kilay. "Gwapo nga." Sarcastic niyang sabi. "O, see." "Kapag naka-pikit ako, gwapo siya." Dugtong niya. Binato ko siya ng towel. "Ewan sa'yo, Rica! Papasok na nga ako. Mauna na ako sa'yo. Kailangan kong makita si crush." "Ewan ko din sa'yo. Bukambibig mo na ang Brent na 'yan. Psh. Maganda ka naman. Pero patay na patay ka do'n sa choosy na 'yun." I just rolled my eyes to her saka siya nilagpasan. Lumabas na ako sa pinto ng condo unit ko saka naglakad pababa. Nang makalabas sa building ay naglakad na ako papunta sa campus. "Uy, Louise!" Napalingon ako sa tumawag. Classmate ko sa first subject ko. "Uy, Jessy." "Sabay na tayo maglakad. Haha!" Sabi niya. "Oo ba. Sasabay lang eh. Libre 'yan." Sagot ko. Tumawa siya. "Bakit pala ang aga mo? Mamaya pang alas-nuwebe class natin ah." "Ah, syempre, para makita muna si crush." Sagot ko. Proud eh. Wala namang masama na magka-crush. "Wow! Crush. Sino? Classmate ba natin?" Tanong niya. Para siyang na-excite. Hindi ko siya sobrang close pero maingay kasi ako sa room namin kaya lahat sila nakakausap ako. "Hindi. Classmate ko sa isang subject ko. Ibang course." "Patingin naman! Anong name? Gwapo?" "Oo naman! Ang gwapo no'n. Patay na patay nga ako d'un eh. Brent Santos ang pangalan. Business Ad ang course. Huwag kang masyadong maingay ha. Hindi niya alam na crush ko siya eh." Kinikilig pang sabi ko. "Asus! Sige sige! Ma-hunting nga 'yan!" Nakangiting sabi niya. "Ikaw, ba't pala ang aga mo?" "Dadaan kasi akong library. May hihiramin akong book." Tumango-tango ako. Hindi ko namalayan na nakarating na kami dito sa school. Walking distance lang talaga eh. "Uy, Louise, dito na ako. Papunta akong library." Paalam niya. Tumango ako saka kumaway. Naglakad naman ako sa kabilang walkway papunta sa room namin. Yeee! Baka kasi mapadaan doon sa may labas ng room namin si Brent. E'di gaganda na naman ang araw ko. My Brent.. Nakarating ako sa room. Nagkakaingay na ang mga kaklase ko. Ang a-aga pumasok para magdaldalan. Ang iba naglalaro ng COC doon sa sulok. Isang tumpok sila doon. Habang busy sila, ako eto, nagbabaka-sakali na makikita si crush. Baka ma-perfect ko pa ang quiz namin 'pag nakita ko eh. ---- Nakatayo ako dito sa may labas ng room. Nag-aabang. Kunwari lang nakatambay. Galawang pa-simple. Mga thirty minutes na siguro ako dito. Ten minutes nalang, klase na kami tapos 'di pa din nadaan man lang si Brent. "Louisssseeee!" Napalingon ako sa sumigaw. Si Jessy. 'Yung nakasabay ko kaninang maglakad papasok. "O? Maka-sigaw ka, nawawala ka?" Biro ko. Nakalapit siya sa'kin. Para pa siyang hinihingal. "Haha! Nakita ko na si Brent Santos na crush mo! Kilala siya no'ng boyfriend ko." Nagningning ang mata ko. "Saan mo nakita? Gwapo 'diba? Laglag panty ko lage 'pag nakikita 'yun eh! Ano, ano?" Nakatingin lang siya sa'kin na parang 'di makapaniwala. "Ano? Na-speechless ka? Gwapo no?" Ulit ko. She looks at me with disbelief. "Mabait daw 'yun sabi ng boyfriend ko eh." "Gwapo nga, 'di ba?" Tanong ko ulit. "Magaling din daw kumanta." Sagot niya. Hinawakan ko siya sa magkabilang kamay. "Gwapo nga, ano?" "Magaling mag-gitara." Sagot niya ulit. "Oo nga. Pero gwapo 'di ba?" Ang ganda ganda ng ngiti ko sa kaniya. Sinipat niya ang noo ko na ipinagtaka ko. "Wala ka namang sakit." "Wala nga! Ano ba 'tong si Jessy. Haha!" "Cursh mo talaga si Brent Santos?" Tumango ako. "Oo nga! Gwapo nga kasi 'diba? Ano?" "Ah." Walang buhay na sabi niya. "Gwapo nga." Sarcastic niyang sabi. Napa-pokerface ako. "Si Jessy naman oh." "Malakas na grado ng mata mo, te! Patingin ka sa EO" Sabi niya saka ako nilagpasan. Kumunot ang noo ko saka nag-pout. Hindi ko siya gets. "Hi Louise." Nanlaki ang mata ko nang dumaan bigla si Brent. Oh my! Ang panty ko lumipad sa kilig. Shitness! Ang crush ko! "Hoy Louise! Maghunis-dili ka!" Sigaw ni Jessy mula sa pinto ng room namin. Nakita niya yata ang pagdaan ni Brent. "Jessssyyy!" Tili ko saka lumapit sa kanya. "'Yun si Brent!" "Alam ko. Nakita ko na nga." Sagot niya. Palundag-lundag pa ako na parang bata. "Buo na naman ang araw ko! Waaaa!" "Malala na'to" Narinig kong sabi ni Jessy. Saka pumasok na sa room. Hmp. Malala na talaga ang nararamdaman ko kay Brent. Magiging crush din ako ng crush ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD