Episode 3

2141 Words
[Louise] Today is a very fine day. Kinikilig ako sa naiisip ko. Magco-confess na ako kay Brent. Waaaa! Tutal matagal-tagal ko na din naman siyang crush. Malay ko ba kung crush niya din pala ako tapos hinihintay niya lang na ako ang unang mag-confess. "Hoy, babae! Para kang timang d'yan. Ngumingiti mag-isa." Puna ni Rica. Narito kami sa room namin. Classmate ko siya sa subject ko ngayon. Mamayang hapon, makikita ko si Brent at doon ko na nga gagawin ang aking balak. "Hoy, Louise!" "Anoooo!" Sigaw ko. "Nababaliw ka na ba? Ngumingiti ka mag-isa d'yan." Ngiting-ngiti akong nakatingin sa kaniya. "Kasi ta-trabahuhin ko na ang love life ko!" "Ano? Lovelife? Wala ka niyan." Sinamaan ko siya ng tingin. "Kaya nga ta-trabahuhin. Ibig sabihin, magkakaroon palang. Yeeee!" "Kanino? Sino?" "Si Brent!" Masiglang sagot ko. Bumaluktot ang mukha ni Rica. "Si Brent? Anong meron? Nililigawan ka niya?" "Hindi. Balak kong umamin na sa kaniya na crush ko siya at talagang gusto ko siya. Malay natin, gusto niya din ako. E'di may forever na!" "Gaga ka talaga! Kay Brent talaga? Gusto mong magka-forever kayo? Bahala ka magiging panget anak mo." Nagpokerface ako. "Aamin pa nga lang tapos anak na agad nasa isip mo. Ikaw talaga, Rica, panira eh." "Sinasabi ko lang. Ganyan naman eh. Kapag umamin ka, sasabihin niya gusto ka din niya. Tapos ano? Lagi na kayong magkasama tapos yayayain ka sa motel. At doon may mangyayari sa inyo kasi mapupusok na kayo. Tapos mabubuntis ka. Hindi ka niya pananagutan. Iiyak ka at magwawala. Tapos ano? Lalaking walang ama ang anak mo. At sa lahat ng nangyaring iyon, naroon pa din ang katotohanang panget si Brent." Naniningkit na ang mga mata ko kay Rica. "Yung tataa? Lawak ng imagination ah. Hindi ako gano'ng klase ng babae! Hindi ako mapusok. Tsaka, 'wag ka ngang judgemental. Hindi panget si Brent." Tumango-tango si Rica. "Ah, oo nga. Hindi panget si Brent. Kayumanggi kulay niya tapos 'yung buhok niya mukhang isang taon ng hindi naliguan tapos 'yung dalawang pisngi niya tadtad ng pimples. Tapos malaki ilong. Medyo malaki ang mata at hindi kissable lips dahil nasobrahan ng kapal ang labi niya. Hindi nga siya panget. Ah, hindi nga." Sarcastic na sabi niya. "Ehhh! Basta gwapo nga siya! Saka nawawala na kaya ang pimples niya." Naka-pout kong sabi. "Ang sabihin mo, wala ng space sa bagong pimples." "Ang sama mo, Rica!" "Oh? Nagsasabi lang ako ng totoo 'no!" Inirapan ko nalang siya at tinutok ang tingin ko sa phone ko. Kahit napa-pangetan sila kay Brent, 'di pa din mababago 'yung katotohanang patay na patay ako sa kanya. Naalala ko tuloy no'ng panahong una ko siyang naging crush. May program no'n sa school tapos naglalakad ako nang mapatigil ako dahil may narinig akong kumakanta sa stage. So tiningnan ko--si Brent. Naggigitara at kumakanta ng paborito kong kanta. That time, parang nalaglag ang puso ko. In instant, bigla ko siyang naging crush. As in crush na crush na para gusto ko siyang abangan lagi. Nung pagkatapos nga niyang kumanta no'n sa stage, nagpapalakpakan lang ang mga nanonood. Ako lang ang bukod-tanging tumitili na parang fangirl. 'Di ko nga maintindihan kung bakit 'yung iba, iba ang tingin sa'ken. Wala namang masamang tumili. Kinilig ako kay Brent eh. And there, days passed at lage ko ng hinahanap si Brent. Tuwing makikita ko siya, nag-e-echo sa utak ko 'yung noong kumanta siya. "Louise!" Nagulat ako sa sigaw ni Rica. "Ano?" Makasigaw, parang wala ng bukas. "Natutulala ka eh. 'Pag si Brent ang topic, natutulala ka o kaya ngumingiti mag-isa. Lakas ng virus nung Brent mo!" "Tse! Basta. Kapag ako crush din ng crush ko, magpapakain ako!" Nangningning ang mata ni Rica. "Talaga? Saan? Pizza hut? Starbucks? Shakeys?" Nag-straight face ako. "D'yan lang sa labas ng campus. Sa kwek kwek at turo turo. Ambisyosa!" "Sabagay, pang-kwek kwek lang naman talaga si Brent eh. Haha!" Tawang-tawang sabi niya. "Oh, e'di sa Shakey's! Psh." "Talaga? Ayos! Sigurado namang crush ka din no'n. Sa ganda mong 'yan oh. Baka choosy pa siya. Wow ha." Napangiti naman ako. Sana nga crush niya din ako. Sana mutual ang nararamdaman namin. I can't wait! ---- Malapit ng matapos ang last class ko for today. Nagtext naman ako kay Brent na kita kami sa may coffee shop sa may labas ng campus. Sabi ko may mahalaga akong sasabihin. Nagreply naman siya ng okay daw. Yeee! Mahihimatay ako sa kilig dahil sa mga reply niya eh. Kahit "K" o "okay" lang 'yun, ang lakas ng epekto sa'kin. Habang nakatingin sa board ay lumilipad ang isip ko kay Brent. Na-e-excite ako sa sasabihin ko mamaya. "Okay class, dismissed." Napalunok ako at napangiti. This is it, pansit! "Louise, pupunta daw sa condo sina Berry, ang barkada." Tumango ako. "Sige lang, mamaya pa ako uuwi." "Saan ka pupunta?" "Diba nga, magco-confess ako kay Brent? So magkikita kami." Sabi ko. "Totoo ba talaga 'yan?" "Oo nga. Sige na mauna kana umuwi. Okay? Pag-uwi ko, papa-deliver tayong foods kasi ang lakas ng pakiramdam kong mutual ang feelings namin." Nakangiting sabi ko. "Sus! Oo na." Nauna na siyang lumabas ng room. Ako naman, excited na inayos ang gamit ko saka lumabas na rin ng room. Iba ang ngiti ko habang naglalakad ako palabas ng coffee shop. Lumalakas ang kabog ng dibdib ko habang papalapit sa coffee shop. OMG! Kailangan kong lakasan ang loob ko. Ayan na..palabas na ako ng campus. Natanaw ko na ang coffee shop. Andun na sana siya. Tumawid ako ng kalsada saka nagpunta sa coffee shop. I enter the glass door at doon ko iginala ang mga mata ko. I searched for Brent and there he is. Naka-upo sa sulok. I'm gonna die! Nagpunta nga siya. May gusto nga din siguro sa'kin 'to. Tho, alam kong may nililigawan siya, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. "Hi." Bati ko kay Brent nang makalapit ako sa kaniya. Ngumiti siya. "Hi." Naupo ako sa tapat niya. Napansin kong may frappe na sa table. Dalawa. "In-order na kita. Hindi ko lang sure kung gusto mo 'yung flavor. Double chocolate." Hindi ako gano'n kaadik sa chocolate pero dahil galing 'to kay Brent, gugustuhin ko na! "Okay lang." Nakangiting sabi ko. Omg. He just bough frappe for me. How sweet. Itatago ko 'tong plastic na baso na'to. Yeee! "160 lang 'yan. Hehe." Teka, ano daw? 160. So..pinababayaran niya sa'kin? Ay, haha! Pahiya ako. "Ah, haha! Akala ko naman libre. Brent talaga." Natatawang sabi ko saka ako naglabas ng wallet. Kumuha ako ng 160 at ibinigay sa kaniya. Tinanggap naman niya ng buong puso. Jusmiyo! Akala ko pa naman libre. "So..anong sasabihin mo? Medyo limited lang ang oras ko ha?" Tumango ako. "Yeah sure. Ano kasi, Brent.." "Ano 'yon?" "Una palang kitang nakita na kumakanta sa stage ng Out of my League, may something na dito oh. Tapos hindi ko napigilan pero, ang lakas na bigla ng pagka-crush ko sa'yo. Until now." "You mean?" "Gusto kita, Brent." Sa wakas ay nasabi ko. Mukha namang nagulat siya. "Gusto mo ako?" Tumango ako. "Oo, Brent. At gusto ko din malaman kung anong nararamdaman mo para sa'kin. Gusto mo din ba ako?" Pakapalan na ng mukha 'to! He looks uneasy. "Ano, kasi, Louise.." "Yes, Brent?" "Sinagot na kasi ako ng nililigawan ko. I really like her that's why I'm so happy. Nagulat ako sa confession mo. Pero sorry, wala akong gusto sa'yo kasi may iba akong gusto." May iba akong gusto.. Parang one million na bubog ang lumagapak sa puso ko. May ibang gusto si Brent..at hindi ako. "A-ah, wala ba kahit crush lang? Sa'kin?" Tanong ko. Nagpipigil lang ako ng luha ko. Umiling siya. "Sorry, Louise. Friend lang ang tingin ko sa'yo. Wala akong crush sa'yo." Ouch. Masakit. Ako? Ako, na-reject? Pinilit kong 'di maiyak. "Ah, I see." Sabi ko. Nakatingin pa ako sa kaniya. "Sorry, Louise." Kunwari okay lang ako pero punyeta, na-friendzone ako! "Haha! Ikaw talaga, Brent. Okay lang 'yon. Saka crush lang naman talaga nararamdaman ko sa'yo. Pinaalam ko lang sayo." Nakangiting sabi ko saka tumayo. "Louise.." "Aalis na ako. May pupuntahan pa pala ako! Don't worry, no hard feelings! Yee." Nakangiti pa ring sabi ko. Pero letse! Gusto kong itulak si Brent sa bangin. Ikaw ba ang ma-reject! "Ah, sige.." Sabi niya. Lumakad na ako pero napatigil ako. Bumalik ako sa mesa ni Brent. Kinuha ko 'yung frappe. "He-he, I forgot. Wala pa 'tong bawas saka binayadan ko 'to." Sarcastic kong sabi saka tuluyan nang nilisan ang coffee shop na 'yun. Kasabay niyon ang pagtulo ng luha ko. Na-reject ako! Friendzone! Letse! Letse! Ang sakit sait. Huhu. Mag-iinom ako! I hate you, Brent! Umiiyak tuloy ako habang naglalakad pauwi sa condo ko. Pinagtitinginan ako ng mga nadadaanan ko. Mukha bang tanga? Si Brent kasi.. "Uy, Louise!" Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Si Yen pala na naka-civilian na damit. "Oh?" "Hala, ba't ka umiiyak? Zero ka sa quiz?" Gusto kong batuhin si Yen ng sapatos ko. "Kahit kelan, 'di ko iniyakan ang zero sa quiz! Huhu." Lumapit na siya sa'kin. "Bakit ka nga kasi umiiyak?" Iyak lang ako ng iyak. "S-si Brent.." "Omg! Naaksidente si Brent?" Sasapatusin ko na talaga 'tong si Yen. "Hindi! Baliw ka. Na-reject ako ni Brent. Friendzoned. Huhu." "Na-reject? You mean.." Nanlalaki ang mata niyang nakatingin sa'kin. Tumango ako. "Nag-confess ako kay Brent pero hindi mutual ang feelings namin. May girlfriend na siya. Huhu! Sinagot na siya ng nililigawan niya. 'Yun daw ang gusto niya." Sabi ko habang naglalakad kami. "Ikaw? Ikaw pa ang na-reject? Ng panget na 'yun? Yung totoo?!" Di makapaniwalang tanong ni Yen. Lalo lang akong naiyak sa reaksyon niya. Mukha na talaga akong tanga. Nakarating kami dito sa building ng condo unit ko. Pero tumigil ako. "Bibili lang akong alak." Paalam ko kay Yen saka pumasok sa convenience store sa tabi ng building. Kumuha ako ng dalawang mucho. Redhorse saka mga chips. Binayaran ko agad sa counter. Bitbit ko ang plastik nang lumabas ako sa convenience store. Naroon pa din si Yen. Nakatayo at naghihintay. "Ba't ka andito pala?" Tanong ko. Kanina pa niya ako sinasabayan maglakad, ni hindi ko natanong saan ang punta niya. "Dito nga sa inyo. NagGM si Rica, papakain ka daw ng Shakey's ah. Naks! Saka tatambay talaga kami dito. Friday eh. Walang pasok bukas. Tara na! Dumaan daw munang mall sina Rica at Berry. May bibilhin lang daw." Inagaw niya sa'ken ang plastik ng chips. Huhu. May karamay ako. At 'yung treat sa Shakey's? Mga letse! Na-reject nga ako. Pumasok kami ng building. Sumakay kami sa elevator papuntang 6th floor saka bumaba. In-open ko agad ang unit ko. Kasunod kong pumasok si Yen. Ibinaba ko ang bag ko saka ipinatong ang alak sa center table dito sa living room. "Okay ka lang ba?" "Na-reject ako, Yen! Tingin mo okay lang ako?!" She rolled her eyes. "Malay ko ba. Eh..di naman kasi siya kawalan. Hello! Ang ganda ganda mo, Louise tapos iiyakan mo ang mukhang paa na 'yon?" "Gusto ko nga kasi eh.." Sabi ko saka pumasok sa kwarto ko. Mabilis akong nagpalit ng pambahay na damit saka muling lumabas. "Hay, nako. Louise, ang dami daming lalaki d'yan! Mga gwapo at may itsura. Saka, ang dami daming nagkakagusto sa'yo." Sabi ni Yen. Kumuha ako ng baso at cube ice sa ref saka naupo ako sa sofa. Binuksan ko ang bote ng alak gamit ang pambukas. Nagsalin agad ako sa baso ko ng alak. Binuksan ko ang mga chips. "Iinom ako." Sabi ko. "Halata nga eh. Grabe, lakas ni Brent. Napaiyak niya ang isang Louise Madrigal!" Sabi ni Yen na nakikikain ng pulutan kong chips. Hindi ko na siya pinansin saka itinuon ang sarili sa pag-iinom. Uubusin ko 'to! After one hour.. "Ahhhhh! Ano bang kulang? Ano bang wala sa'kin?!" Sigaw ko. May tama na ako pero nasa sarili ko pa naman ako. Iyak ako ng iyak. Na-broken talaga ako kay Brent. "Siya ang kulang! Kulang sa itsura!" Sagot ni Yen na kanina ko pa karamay. Na-kwento ko na lahat lahat ng nangyari sa coffee shop kanina at ang bruha, tinatawanan pa ako. Ang sama samang babae nito. "Huhu. Panget ba ako? Yen, panget ba ako?" Tanong ko na parang nababaliw. Lasing na nga ako. "Siya ang panget!" Sigaw niya. Lalo akong naiyak. Nakahiga ako dito sa sahig sa living room. Para akong tangang nagpapagulong-gulong habang umiiyak. "M-madami ba akong pimples sa mukha? May mga burog burog ba ako sa mukha?" Tanong ko ulit habang tinuturo ang mukha ko. "Siya 'yun! Wala ng space ng pimples sa mukha niya!" Sagot niya. Nahihilo na ako at hindi ko alam kung mabu-bwisit ako sa mga sagot ni Yen. Comforting eh. "O..sadyang hindi malakas ang appeal ko?" "Siya ang walang appeal. Utang na loob, Louise! Umayos ka! Hindi ang tulad niya ang iniiyakan! Kung ayaw niya sa'yo, e'di 'wag. Napaka-choosy talaga ng panget na 'yun eh!" Umiyak nalang ako lalo. Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Masakit talaga. Brent, bakit..bakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD