Episode 4

1900 Words
[Louise] Tulala ako habang umiinom ulit ng alak. Nahihilo pa ako pero nasa tamang huwisyo pa naman ako. Nakaupo kami ni Yen dito sa sofa sa salas habang hinihintay sina Rica at ang iba pang barkada namin. Letse, aayain ko silang uminom. Si Yen, shuma-shot ng pa-kaunti-kaunti. Nakabili na ulit kami ng limang bote sa baba kasi naubos na 'yung dalawang boteng nauna kong bilhin. Ang tagal ko kasing malasing. Gusto kong mamanhid na ang puso ko para 'di ko na maramdaman 'yung sakit. "Ano, Louise? Kalmado ka na?" Sinamaan ko siya ng tingin. Paano akong hindi ka-kalma? Ang tindi-tndi na ng pagwawala ko kanina na may pagulung-gulong pa sa sahig tapos napaka-comforting ng mga sinasabi ni Yen kanina. Kapag talaga may kaibigan kang isa ring may saltik eh. "M-masakit pa din.." Nagsisimula na namang tumulo ang luha ko. Hindi ko kasi matanggap na ako? Ako, na-reject. No boyfriend since birth na nga ako tapos kung mutual sana ang feelings namin ni Brent, e'di sana siya ang first ever boyfriend ko. Tapos..tapos..hindi pala. May forever nga. Forever single. "Mas masakit sa mata ang mukha ni Brent." Lalo kong sinamaan ng tingin si Yen "Kino-comfort mo ba talaga ako? Kanina ka pa." Pagsusungit ko. "Duh! I'm just trying to c***k a joke. Hindi naman kasi siya deserving na iyakan ng isang babaeng tulad mo. Look, na-try mo na abng titian ang mukha mo sa salamin ahbang ini-imagine ang itsura ni Brent? Like OMG, ang layo, kumbaga ikaw langit..siya mukhang lupa." Naningkit ang mata ko. "Yen." I said in my warning tone. Kanina pa nito nilalait si Brent. "What?" natatawang tanong niya. Ang ha-hard kay Brent. Crush na crush ko kaya 'yun. "Narito ka ba para i-comfort ako o laiitin lang si Brent kasi masakit sa'kin na sinasabihan niyo siya ng masama.." sabi ko. Tumutulo na naman ang luha ko. "Ano ka ba naman, friend. Siyempre kino-comfort kita. Iyon ang bagong way ng pag-comfort para ma-realize mo ang worth mo. Na dapat hindi mo iniiyakan ang mga taong nagre-reject sa'yo. Saka kung nasasaktan ka man sa sinasabi ko about kay Brent, eh..wala, truth hurts." Bwisit na babae talaga 'to. Kaibigan ko ba talaga 'to? Psh. "Ewan ko sa'yo." Umirap ako saka muling uminom ng alak. Bahala na siya d'yan. Ayoko ng making sa words of panlalait ni Yen. "Basta, Louise, makaka-move-on ka din. Kalimutan mo na si Brent. Marami talagang iba d'yan." Sabi ni Yen. Hindi na ako sumagot. Wala naman kasi akong masabi. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, ayaw ng mag-react ang puso ko. Bumukas ang pinto. Pumasok sina Rica, Berry at Grace. "Uy, inuman!" sabi ni Grace na agad lumapit sa'min dito sa sofa at naupo. "Anong meron? Bakit magang-maga 'yang mata mo, Louise?" Tanong ni Rica. Napansin niya kaagad. "Oo nga girl. Ang pula pa ng mata mo. What happened?" tanong ni Berry. "Oo nga. Para ngang ang dami mo ng nainom." Sabi naman ni Grace. "Hay naku!" katangi-tanging react ni Yen. Nakatingin lang ako kay Rica na parang paiyak na naman ako. Si Berry ay naupo na dito sa sahig sa salas habang si Rica ay ipinapatong ang mga grocery bags na siguro'y pinamili nila sa mesa sa kusina na katabi lang nitong salas. "Don't tell me.." mukhang na-gets na ni Rica kung bakit ako umiiyak at umiinom. Alam naman niyang magko-confess ako kay Brent eh. "Anong hindi namin alam?" parang curious na tanong ni Grace. Umiyak na naman ako. "Ni-reject ako ni Brent.." "Wait, nananaginip ba 'tong si Louise?" tanong ni Grace. "Girl, hello? Ano ba talagang nangyari? Anong na-reject ka ni Brent?" I cleared my throat then looked at them. Ramdam na ramdam ko ang pagtulo ng luha ko. "Nag-confess na ako kay Brent. I told him I like him but then..he rejected me.." "Oh my god, nosebleed aketch. Paanong ni-reject ka? Grabe naman, ang gwapo ni Brent ha?!" sabi ni Berry. Humikbi ako. "Kasi..kasi sinagot na siya ng nililogawan niya saka..saka friends lang daw tingin niya sa'kin. Huhu." Umiyak na naman ako. "Mashaket, be! Friendzoned." Hindi makapaniwalang hinarap ako ni Rica. "Ni-reject ka ni Brent?" kunwari'y huminga siya. "Eh punyetang lalaking mukhang paa na iyon, ang kapal kapal ng mukha na i-reject ka? Sa ganda mong 'yan, ikaw pa ang umiiyak. Jusko, Louise! Hindi siya kawalan. Huwag mong iyakan ang homo sapien na 'yun! Sayang ang luha! Siya ang dapat umiiyak dahil isa kang malaking kawalan sa kaniya. My god! Ang sakit sa bangs niyang si Brent ha. Nakakainis na 'yan. Nagpi-feeling gwapo, maganda lang naman boses. Sa dinami-dami naman kasi ng lalaki, doon pa. Ang dami daming nagkakagusto sa'yo. May mas better pa kay Brent kung susubukan mong tumingin sa paligid mo. Palibhasa, puro ka Brent, nasusuka na nga ako tuwing babanggitin mo ang pangalan niya. Sa isang araw, lampas isang daan na beses mong binabanggit ang pangalan niya. Wasak na nga ang eardrums ko. Kaya ngayom, ni-reject ka na niya, gumising ka na sa katotohanang hindi kayo bagay. Okay? Tama na ang pag-iyak. Inom lang tayo at magsaya!" Dire-diretso niyang sabi. Daig pa ng bibig ni Rica ang armalite. "Speech." "Parang fliptop." "Panalo." Pinahid ko ang luha ko. Hindi ba talaga deserve ni Brent ang tulad ko? Hindi ba talaga kami bagay? Pero ba't kahit isipin, bakit masakit dito? "Naku, napipina yata si Louise. Lakas talaga ng virus ni Brent." Sabi ni Berry. "Kasi eh.." pinigilan ko ng tumulo ang luha ko. Ayoko ng umiyak. Kanina pa ako nagda-drama pero lahat sila sinasabi na hindi ko dapat iniiyakan ang tulad ni Brent. "O siya, tara inom! Tama na 'yan." sigaw ni Grace. "Oo nga! Tara nalang magsaya." Sabi naman ni Yen. "Oo nga pala, Louise. May sasabihin ulit kami ni Berry." Sabi ni Rica. "Ano 'yon?" tanong ko saka uminom ng alak. "Si Berry na ang magsasabi. Magpapalit lang akong damit." Paalam ni Rica. Tumabi sa'kin si Berry saka nag-puppy eyes. "Ganito, kahit pangalan mo nalang talaga ang ibigay namin kay Azellus. SIge na oh. Hindi mo naman kelangang makipagtext or tawagan sa kaniya saka makipagkita eh. Para lang may idea siya ng itsura ko kunwari Please?" I rolled my eyes. Hindi pa rin ba nila ako titigilan sa bagay na 'yon? Papayag ba ako? Kung gagamitin lang naman ang pangalan ko, okay lang naman siguro. Hindi naman pala kelangang makipagkita or makipag-text eh. Pwede na siguro? "Hindi makikipagtext?" tanong ko. Umiling agad si Berry. "Hindi makikipagkita?" Muli siyang umiling. "As in wala akong aggawin at hindi ako guguluhin niyan?" "Hindi talaga kasi ako pa din namana ng makakausap niya at makakatext eh. Ikaw lang ang mag-substitute muna. Kasi alam mo na.." Parang nagda-dalawnag isip pa rin ako. Ayoko naman kasing pumasok sa ganitong set-up. Parang magulo. "Pag-iisipan ko." Sagot ko. Bumagsak ang balikat ni Berry. "Akala ko pa naman.." "OH MY GOD!" patakbong lumapit sa'min si Rica galing kwarto niya. "Nagtext si Azellus. Kung hindi ko pa daw ibibigay ang pangalan nung nakakatawagan niya, pupunta diya dito sa condo nagyong gabi mismo!" natatarantang sabi niya. "I know him! Kayang kaya niyang gawin 'yun!" Hinawakan ni Berry ang mga kamay ko. Louise, ikaw naang ang pag-asa namin. Please." Tumingin ako kay Rica. Halatang natataranta siya. "Louise pumayag ka na.." sabi niya. I sighed. Ano pa bang magagawa ko? KAibigan ko ang mga 'to at kailangan nila ang tulong ko. "Okay fine. Just my name. Okay?" "Waaaa! Thank you, Louise!" tuwang tuwang sabi ni Berry na may pagyakap pa sa'kin." "Yaaa! Sige, ite-text ko na ngayon si Azellus." Sabi ni Rica. "Ako kasi ang kinukulit ng kinukulit." Basta 'wag lang ako guguluhin niyan. Kapag ganitong broken hearted ako eh. Huhu naalala ko na naman. Brent.. Itinuon ko nalang ulit ang pansin ko sa alak. Bahala kayo d'yan. Basta ako iinom hanggang mawala 'tong sakit na nararamdaman ko. Letseng alak kasi 'to, 'di ako malasing-lasing! "Sent na! Yey! Thanks, Louise. Hindi na mangungulit sa'kin si Azel." Sabi ni Rica na tuwang tuwa. "Sa'kin din!" sbai ni Berry. "Psh." Sinamaan ko ng tingin si Berry. "Nahihilo na ako pero ;di ko nakakalimutan ang sinabi mo na one year supply ng starbucks coffee." Sabi ko. "Iyon lang ba? Sureness, girlalush!" Sumimangot ako. "Psh, para sa lalaki gagawin lahat eh." Sabi ko. "Oo nga be, parang ikaw lang, ano?" sbai ni Yen. Hay, parang ako lang ba? Lagi kong pinagmamalaki sa lahat si Brent. Vocal ako sa lahat na crush ko siya.Naisipan ko lang naman mag-confess kasi ang taas masyado ng confidence ko na mutual ang feelins namin. Tapos, hindi pala.Umasa ako. Iyong feelings ko, wala rin palang patutunguhan. So unfair. [Azellus] Kinakabahan ako habang nagta-type ng pangalan sa search box ng f*******:. Tangina,baka kung anong itsura nitong nakakausap ko lagi sa phone. Kanina ay tinext na sakin ni Rica ang pangalan nu'ng barkada niya na algi kong nakakatext at nakakausap bukod kina Yen at Grace. Tinakot ko kasi. Paano, ilang araw ko na siyang kinukulit. Tch. Masyadong pa-mysterious ang babae na 'iyon. Louise Madrigal.. Maganda naman palaang pangalan. Bakit ba ayaw niyang ibigay sa'kin? Para namang may mangayyari kapag sinabi niya ang pangalan niya. I entered the name then click. WHAT THE FUDGE. Nanlaki ang mga mata ko. Ito..ba talaga 'yon? Potek, ang chicks! Tiningnan ko ang mutual friends. At si Rica, Yen at Grace nga. So ito nga? Damn it. She's pretty at mukhang inosente. "Whoa! Chicks. Sino 'yan, brad?" lumitaw mula sa likod ko sina Carl at John. Narito kasi ako sa terracwe ng abhay namin habang nakaharap sa laptop ko. "Tangina sino 'yan?" Napapailing nalang ako habang nakangiti. Ang ganda niya talaga. Hindi ko akalaing ganito. Akala ko pa naman panget siya kasi ayaw niyang ibigay nag pangalan niya. "Eto na 'yung barkada ni Rica na nakakatext ko lagi. 'Yung ayaw magbigay ng pangalan." Inilapit ni Carl ang mukha niya sa laptop saka nag-click ng profile picture ni Louise. Nagzoom tuloy 'yung picture niya at mas lalong nakita ang kagandahan niya. "Tangina, brad! Ang ganda nga. Chicks na chicks. Gago, swerte mo!" sabi niya. Napatitig ako sa picture. Yeah, I'm really lucky. Nakakausap ko siya, nakakatext at s**t, hindi talaga ako makapaniwala. Na-excte tuloy akong i-text ulit siya at tawagan.Pero sabi niya kanina, magiging busy muna siya tonight kaya tiis muna. Makipagkita kaya ako sa kaniya? Pero..pumayag kaya? O kaya kahit skype nalang muna kami. s**t, para akong tangang excited na hindi maintindihan ang gagawin. Basta ang masasabi ko lang, she's mine now. She's mine. "Brad, natulala ka na. Laway mo oh!" "Gago!" sabi ko. Pero totoo naman na natulala ako. "Hanep, puntahan na 'yan! Para ka na niyang tumama sa lotto, brad." Shit. Sanay naman ako sa magagandang babae dahil kusa na silang lumalapit sa'kin. Pero dito kay Louise, picture palang niya ang nakikita ko pero, iba na agad ang dating eh. Ibang-iba talaga an 'di mo pa naramdaman sa iba. Damn. "Easy, man." Sabi ni John. "Kung anu-ano an yata agad ang ini-imagine mo eh." "Gago!" "Kunwari ka pa, Azel. Laglag brief ba? Wahaha!" sabi ni Carl. "Tangna nito!" sabi ko saka itinulak siya. Sinarahan ko na ang laptop ko. Mamaya ko na titingnang mabuti ang profile niya kapag wala ng asungot. "Ang damot, brad." "Hindi nman namin aagawin. Wahaha!" Tch. Hindi ko na sila pinansin. Tangina, hindi ko talaga inexpect na ganito siya la-ganda. Kabado pa man din ako kanina habang sini-search siya. Parang gusto ko tuloy punatahan 'to sa Manila. Ano ba..bahala na. Basta.. Louise Madrigal, see you soon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD