Episode 5

2317 Words
[Louise] Almost one week na rin ang lumipas mula nang ma-broken ako kay Brent. Nakikita ko siya sa school dahil classmates kami sa ibang subjects ko. Iniiwasan ko na nga siya, tho, masakit pa rin talaga at mahirap para sakin ang iwasan siya. Gusto ko talaga siya eh. Nakadagdag pa ng sakit iyong makikita kong sinusundo siya ng girlfriend niya sa room namin after class. First time kong makita ang babae at lalo akong naiyak with the thought of ang laking ganda ko do'n—hindi sa pagmamayabang. Real talk lang. "Hoy, Louise! Natulala ka na!" Nawala ako sa pag-iisip dahil sa sigaw na iyon ni Rica. Kanina pa kami nakatambay dito sa unit. Friday ngayon at wala kaming pasok dahil may something activity sa school. Mamaya ay uuwi kaming Laguna dahil debut ni Rica sa linggo. At syempre, kaming mga friendships niya ay kasali sa debut niya. Nagpaalam na ako sa parents ko na doon ako uuwi kina Rica. HAnggang sunday kami doon then luluwas nalang kami ng Monday ng umaga pa-Manila. Alas-diyes pa naman ang first class namin no'n. "Ano nga iyong tanong mo?" tanong ko. "May isusuot ka nab a para sa sunday, kako?" "Ah, madali na 'yon. 'Diba bukas bibili kami nina Yen sa SM Sta. Rosa." Tumango-tango siya. "Ah, sige. Basta bukas hindi ko na kayo masasamahan kasi alam mo na, magiging busy ang debutant." Nakangiting sabi niya. "Oo naman. Para ;yon lang. Hindi naman kami maliligaw doon. Hello, taga-Laguna din ako. Si Yen, ililigaw ko. Haha!" "Baliw ka talaga. Pero, Louise.." "O?" "Masaya ako na nakakatawa ka na ulit." Seryosong sabi niya. Nawala ang ngiti sa labi ko. Nalungkot na naman ako pero na-appreciate ko naman sina Rica dahil lagi nila akong kino-comfort. Comfort in other way. Mula kasi noong na-reject ako ni Brent, lagi akong umiiyak sa kwarto ko. Hindi na nga ako sumasama sa mga gala nila o kahit bonding lang dito sa mismong unit ko. Ilang beses nila akong sinubukang ayain, pero wala. Walang nakapilit sa'kin dahil hindi ko kayang magsaya. Ang sakit sakit naman kasi. Hanggang ngayon, hindi pa ako nakaka-move-on pero sinusubukan ko na namang kalimutan siya eh. Hindi nga lang ganoon kadali. Minsan kasi, kahit gusto ng isip ko na alisin na siya sa sistema ko, ayaw naman ng puso ko. Mahirap ding kalaban ang puso, minsan. "Oo nga eh. Isang lingo rin akong nagsayang ng luha." Sabi ko. "H'wag mo na ulit iiyakan si Brent. May ourpose si God kung bakit nasasaktan ka ngayon. Siguro dahilhindi talaga siya ang para sa'yo. Malay mo, may darating na lalaking para sa'yo na makakatulong sa'yo na makalimutan si Brent. Iyong mamahalin ka at iyong deserving para sa'yo." Natat-touch ako kaya naluha ako. Hidni dahil sa sakit na dulot ni Brent kundi dahil ang katotohanang may mga kaibigan akong handing making at bigyan ako ng advise. "Thanks, Rica. Sana nga.." "Kaya, cheer-up ka na ha? Dapat maganda ka sa debut ko. Malay mo doon mo na makita si Mr. Right—na mas angat ng million times kay Brent." Nakangiting sabi niya. Baliw talaga 'tong si Rica. Alam naman nilang hindi ako ganoon kadaling magka-crush o ma-attract sa isang lalaki. Lalo na ngayon na may Brent pa ring nag-e-exist. Hindi naman ako katulad nila na makakita lang ng gwapo, kinikilig na. May kasama pang hampas. More on ugali and talet kasi ako tumitingin. Aanhin ko naman kasi ang gwapo tas patapon naman—I mean, walang talent, masama ugali o basta walang ipagmamalaki kung hindi ang mukha niya. Iyong ka-gwapuhan, nagpe-fade Eh ang talent at katalinuhan? Pang-habambuhay iyon. "Oo nalang." "Sus, tara na nga mag-ayos. Uuwi pa tayong Laguna. Susunduin naman tayo ng driver namin from Laguna eh. Naka-van iyon so ka-kasya tayong lahat doon." "E'di mas okay pala." Sabi ko. Mas masarap kayang bumyahe ng may service tapos ang mga kasama lang sa sasakyan ay mga ka-barkada. Tutal kumpleto kaming pupunta kina Rica eh. Si Berry, Apple, Grace, Yen at ako. Sosyal at may sundo pa kami. Sabagay, mayaman din naman 'tong si Rica eh. Kaya nga engrande ang debut niya sa sunday. Na-e-excite naman ako. Ilangb araw din kaming mag-stay sa bahay nina Rica kasama ang barkada. LAGUNA Friday 08:45 pm Apat na oras din kaming bumyahe at talagang nakakapagod na enjoy naman. Nakarating na kami dito sa bahay nina Rica. Malaki ang bahay nila. Sabi ko nga, mayaman din sila. Nasa abroad ang Papa niya. Mama lang niya at dalawang kapatid niya ang narito sa bahay nila. Kapitbahay lang naman niya ang mga pinsan at Tita niya kaya Masaya din. Hinatid kami ni Rica dito sa malaking kwarto kung saan kami mag-stay. May dalawang malaking kama. Guest room yata talaga nila ito para sa mga bisitang marami. "Wow, ang laki!"sabi ni Apple. "Oo nga. Sarap matulog! Wooo! Sigaw ni Yen saka nag-dive sa kama. "Tara tulog!" sigaw ni Grace saka sumunod kay Yen sa pagda-dive sa kama. 'Oh pano, bahala muna kayo dito ha?" sabi ni Rica. Nag-tanguan lang kami at ngumiti. Inayos ko na muna ang dala kong gamit. May malaking center table sa gitna ng dalawang kama. Hindi naman ako gaanong pagod pero parang gusto kong matulog. Mamimili pa kaming damit bukas sa mall. Bukas nalang kami mag-bonding. Yeah, I better take a rest muna. [AZELLUS] Ngiting-ngiti ako habang nakatingin kay Rica. Narito siya kasama ang kapatid niya. Nakasakay sila sa motor. Nagbigay ng invitation para sa debut niya sa sunday. Gabi na at sabi niya kadarating lang din niya galing Manila. Guess what. Kasama daw niya si Louise Madrigal. Potek! Kinakabahan na na-e-excite ako. Makikita ko na siya ng harap-harapan. "Sama na ako sa bahay niyo. Dali, titingnan ko lang si Louise." Sabi k okay Rica. "Loko ka talaga. Pagod sila. Natutulog an ang mga iyon. Sa debut ko nalang. Excited much?" Tch ayan na oh. Ang lapit lapit. Near yet so far. Damn it. "Bukas?" "Aalis sila bukas. May pupuntahan. Ang kulit nito.sa sunday na nga lang. Saka ayookong mabigla si Louise. Hindi niya alam na pupunta kayo sa debut ko. Hindi ko anman nabanggit." "Ayos lang iyon.Para surprise." Nakangiting sabi ko. "Nge. Hindi pwedeng i-surprise si Louise. Baka bigla mo nalang lapitan at yakapin. Gago ka ha. Mahiyain 'yun kaya 'wag ka basta lalapit kapag nakita mo." Paliwanag niya. "Tch. Close naman kami sa text eh. Lagi pa kaming magkausap via phone." Sinamaan niya ako ng tingin. "Kahit na. Basta h'wag ha? Baka mainis 'yun. Bahala ka." Panira naman ng excitement 'tong si Rica. Parang pinipigilan akong lumapit kay Louise. Ano bang masama? We're friends—actually, we're close. "Sige na. Uuwi na ako. Ibigay mo sa iba ang invitation ha? Pa-gwapo kayong lahat. Haha!" sabi niya saka umalis na. Talaga nga naman. Pumunta kaya ako sa bahay nina Rica? Kunwari may hihiramin? O kaya kunwari makikipag-kwentuhan sa kapatid niya? Tangna, matawagan na nga lang si Louise. Pero hindi ko sasabihing a-attend ako ng debut ni Rica. Dahil tulad nga ng sabi ni Rica, hindi aware ang mga barkada niya. Crush na crush pa man din ako ng barkada niya. Maliban kay Louise. Friends lang yata tingin niya sa'kin. Pero sana. Malay lang may sparks. Puta, nakaka-bakla. [Louise] NAKASIMANGOT ako habang nakaupo sa isa sa table. NAiraos rin ang debut party ni Rica. As expected, maraming tao. Mga friends niya noong elementary till now, isama pa ang mga pinsan niya at mga kamag-anak. Ang dami pala. Hindi na nga lang ako masyadong nakihalubilo dahil in the first place, hindi ko naman sila kilala or close. Saka, hindi naman kawalan kung hindi ako makihalubilo sa kanila. May sarili kaming table. Kami nina Berry, Apple, Yen at Grace. Kanya-kanyang table by group yata talaga. Naging successful ang celebration ng 18th birthday niya and I could clearly see how happy she is. "Ayaw niyo talaga maki-party?" tanong ni Grace pagkalapit dito sa table. Sayawan, inuman at kainan nalang kasi ang nangyayari ngayon. Kumbaga,wala na ang mga pormal na bisita like the elders. Pulos mga kabataan na lamang ang natitira dito sa malawak na harapan ng bahay nina Rica kung saan ginanap ang debut. "Hay naku, si Louise pa ba ang yayayain mo? Napaka-suplada din niyan minsan. Hayaan mo siyang hindi maka-hunting ng boys. Ang dmai pa namang gwapo oh." Singit ni Yen na mukhang nagsasaya silang makipag-usap at maki-party sa ibang bsita rito. Inirapan ko sila. "Hindi ko feel. Alangan namang makipag-plastikan ako sa mga 'yan, eh hindi ko nga sila kilala." Sabi ko. Hindi sa nagtataray ako. Hindi ko lang feel na mag-enjoy ng bonggang bongga. Siguro dahil I'm still on stage of moving on at alam kong sariwa pa ang sugat na iniwan ng letseng Brent na iyon sa puso ko. "Susme! Kaya nga makikipagkilala. Sa pagkakaalam ko, hindi ka naman anti-social. In fact, friendly ka. Like duh! Tara na doon oh. Ang daming boys! As in hottie, gwapo, and argh! Just, join us there." Itinuro ni Yen iyong grupo ng mga nag-iinuman sa isang mahabang mesa malapit sa may garden. Tumingin lang ako. Yeah, mukhang masaya nga sila, pero hindi ko talaga feel. Sa katunayan, guto ko ng magpahinga. Hinihintay ko lang si Rica. Nagpapalit daw kasi ng damit. Nangangati na raw sa suot na gown. Sabi niya kasi sa'kin kanina, hintayin ko siya rito dahil may ipapakilala siya sa'kin. "Mamaya nalang ako." Sabi ko. Kasama ko dito samesa si Apple na ngiting-ngiti habang ka-skype ang kayang boyfie daw. Walang forever! Psh. "Alright! Sabi mo eh. Akala pa naman namin, bet mong makilala si Azellus. Yeee! He's so..yummy, and gwapings!" sabi ni Grace. Azellus? Ah the guy na pinagtataguan ni Berry. Psh. Ano namang pakialam ko sa lalaking iyon? Hindi ko naman siya close and hindi ko rin siya kilala. Isa pa, si Berry ang dapat makipa-usap dun dahil siya naman ang totoog nakakatext at nakakausap n'on. Duh, I'm just a substitute. Umalis na iyong dalawa. Psh. Itinuon ko ang pansin ko sa phone ko habang hinihintay si Rica. Ang tagal naman ng babaeng iyon. Nakaka-stress din ang araw na'to. Ang kati kasi ng make-up sa mukha hindi ako ganoon kasanay, tho, hindi naman makapal ang make-up ko, hindi pa din ako komportable. Everyday, powder and lipsick lang naman ang ginagamit ko sa mukha ko. Wala ng ibang kolerete pa. Idagdag mo pa itong mini tube dress na kulay itim na suot ko ka-partner nitong high heels na itim din. MAsyado kasing kikay sina Yen, isama mo pa ang mga bakla kaya eto, inayusan nla ako na parang manyika. "Excuse me." Saglit akong natigilan saka dahan-dahang nag-angat ng tingin. And there, a guy smiling at me..wait, who's this? Kumunot ang nook o. "Yes?" tumingin pa ako sa tabi ko. Baka kasi hindi ako ang kinakausap. "Louise right? Louise Madrigal?" Napalunok ako. How did he knows me? Eh ako nga, hindi ko siya kilala. I have no idea who is he. Ngayon ko palang siya nakita. I nodded. "Yes? Why?" He smiled. s**t those white teeth. I admit, this guy is freaking handsome and..hot. Yeah, but who's this guy? "Finally!" sigaw niya saka yumuko at niyakap ako. I froze for a moment. What's with this guy? I don't even know him. Wait..why.. "AZELLUS!" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses na iyon ni Rica hanggang sa nasa harap ko na siya. Kumalas ng pagkakayakap sa'kin itong lalaki saka lumingon kay Rica. "You're ruining our moment." Sabi nit okay Rica. Ano daw? Moment? Nino? Namin? Seriously. Tumingin ako kay Rica. I'm clueless. I looked at her as if I'm saying, 'who is this?' because I don't know how to react. Okay, he just hugged me. But, i don't know him. "Ah, Louise.." panimula ni Rica. Tumingin ako sa guy na nakatayo sa tabi ni Rica. Nanatili akong nakaupo at kulang nalang ay ngumanga ako dahil sa ginawa ng lalaking 'to. "Yes?" "Si..Azellus. Iyong ka-text mo? 'Di ba?" ibang tingin ang ipinukol sa akin ni Rica na parang sinasabi niya na, makisakay ako. Tumango ako. Siya si Azellus? SERIOUSLY? I never thought he could be this handsome. "Hi, Louise. Sorry for hugging you. Natuwa lang ako. Nice meeting you, in person." He said smiling. Shems that smile. What's with me? "A-Ah, it's okay.." iyon lang ang naisagot ko saka tumayo. Hinila ko si ica palayo sa lalaking iyon. "Uy, bakit mo ako hinihila? Si Azellus.." "No. Rica, I admit, nagulat ako sa ka-gwapuhan niyang Azellus na 'yan but please, don't. Don't let me talk to him. Ayoko! Pinag-usapan natin, pangalan ko lang. I never agreed to have a conversation with him." Sabi ko. Narito kami sa may pinto ng papasok sa bahay nila. Nakikita ko sa di-kalayuan si Azellus na parang nagulat dahil nag-walk-out ako, hila ko pa si Rica. "Pero, Louise.." "Ano? Andiyan si Berry 'diba? Let him talk to him. Huwag ako. Ayokong magpanggap na ako ang ankaka-text at nakaka-usap niya. Ayoko." Hindi sa nagpapakipot ako pero mahirap magpanggap sa harap ng ibang tao. I can't be Berry just for that guy. No. Tama ng nagging substitute ako, pretending is not my thing. "Make friends with him. Iyon lang. Hindi ka naman magpe-retend." Umiling ako. "No, Rica. It's still pretending. Kakausapin ko siya? Makikipag-friends ako pero ang iisipin niya, ako iyong lagi niyang ka-text at kausa over the phone. Please. Kanina ko pa gustong magpahinga. Mauna na ako sa taas." Sabi ko saka umakyat na. I know Rica would understand me. Sorry, pero hindi ako ganoong babae. Gwapo, hot..sige, nasa kaniya na lahat but it doesn't change the fact that we're not close. Si Berry, at hindi ako. Thats clear. Ayokong makipagkaibigan sa isang tao na nagsimula sa pagpapanggap.Enough with that substitute thing. Berry must face his consequences for lying to Azellus. Huwag nila akong idamay, at h'wag na nilang dagdagan pa ang iniisip ko dahil ang letseng Brent na iyon ay patuloy na ginugulo ang isip ko. And I cant provide a space for that guy—Azellus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD