[Azellus] Potek. Ang bakla pero nakakagago. Bakit biglang nag-walk-out si Louise? Bakit parang gulat na gulat pa siya na makita ako? Tsaka bakit 'di man lang siya bumalik pagkatapos niyang mag-walk-out. I tried to call her but she did not answer it. I also sent her a message but then, wala ding reply. Naguguluhan ako. Sa pagkakaalam ko kasi, okay naman kami no'ng huli kaming mag-usap. "Hoy, brad? Ayos ka lang ba?" Tanong ni Carl. Nandito kami sa isang mesa sa may garden nina Rica. Madaling-araw na at nag-iinom pa kami kasama ang ilang barkada ni Rica. Damn. Si Louise ang gusto kong makasama at makausap pero wala siya. Tch. "Ayos lang." Cold na sagot ko. I'm still thinking about Louise. What's wrong with her? "Whoah. Dahil ba kay Louise? Wrong move ka brad. Bigla mo ba namang yakapin.

