[Louise] Kanina pa ako paikot-ikot dito sa kwarto. Hindi ko alam kung paano ako lalabas gayong alam kong naroon si Azellus. Bakit ba narito ang lalaking iyon? Saka, sina Rica, sina Yen, wala man lang pasabi na narito sa kwarto kanina ang lalaking iyon. Paano nalang kung 'di ko siya napansin at tuluyan akong nakapaghubad? E'di wala na, hindi na virgin ang katawan ko. Mga kaibigan ko talaga, oo! Sakit nila sa bangs! Tumingin ako sa salamin. Naka-jogging pants at tshirt ako. Syempre, may kasama kaming lalaki ngayon dito. Saka..bakit ba parang na-conscious ako bigla sa itsura ko? Kanina pa ako tumitingin sa salamin. Confident ako saka wala namang reason para magpa-ganda ako dahil lang sa Azellus na 'yon. Sino ba siya? Dun siya kay Berry. Huminga ako ng malalim saka napagpasyahan ng lumabas

