[Louise] Nang matapos akong magpalit ng damit ay naglagay ako ng kaunting polbo sa mukha ko saka ako huminga ng malalim. Bakit ba ako kinakabahan? Sina Azellus lang naman 'yun. Psh. Lumabas na ako ng kwarto at narinig ko na naman ang ingay nila. Nagtatawanan at nagkakantahan pa. Napaka-saya ng mga 'to. "Louise!" Tawag agad ni Azellus. Namumula na ang mukha niya. Lasing na yata ang loko. Ngumiti ako ng bahagya bago ako napatingin kay Berry na matamang nakatingin sa'kin. So ano? Bantay sarado? Kaniyang-kaniya na ang Azellus na 'yan. "Dito! Dito!" Sigaw ni Rica na nakainom na din. Tumabi ako sa kaniya. Pinaggigitnaan tuloy nila ako ni Berry. "Whoa! So she's Louise?" Tanong nung isang lalaki na mukhang jolly na 'di ko naman kilala. "Oo. Louise, si Carl nga pala." Pakilala ni Azellus.

