[Louise] Nakatayo ako rito sa labas ng unit ko. Hindi ko alam kung narito pa sina Berry. Hangga't maaari, ayoko muna sila makasama o makita. Masyado kasing masakit 'yung binitawan niyang salita para sa'ken. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok. Napansin kong tahimik ang buong unit. So ibig sabihin, wala sila. Dumiretso ako ng kusina at inilapag ang binili kong 1 liter na ice cream. I think I need this, pampakalma lang. Pampatanggal stress. Binili ko 'to kanina sa baba ng building. Alam kong parang kinagat ng ipis ang mga mata ko kase ramdam ko na namamaga ito. Ikaw ba naman ang umiyak ng umiyak. Kumuha ako ng kutsara saka naupo sa dining table. Binuksan ko ang binili kong ice cream saka nagsimulang kumain. Habang kumakain ay 'di ko makalimutan ang nangyari kanina. Masyado ba akong

